The world does not revolve around you. Learn how to adjust. -jazlykdat
Aubrey
After Desiry's debut, hindi na sila umuwi ng condo dahil dumiretso na sila ng airport kinabukasan. Pupunta silang anim sa Los Angeles para ipakita si Dirran sa isang espesyalista. Ayaw magpaiwan nina Desiry at Ayder at ayaw din namang iwanan ni Vander si Deshima sa pangangalaga ng ibang tao kaya lahat sila ay kasama.
Gustong-gusto niyang itanong si Vander tungkol sa sinabi nito noong debut ng anak pero alam niyang siya lang din ang mapapahiya. This is what she wanted in the first place. Dapat nga maging masaya pa siya. Vander's already civil at ni hindi na siya kinakausap ng tungkol sa personal nilang issues. It's all just about the kids.
But she doesn't know why it hurts like hell. Hindi niya ito inasahan.
Kung maaari nga lang na hindi na siya sumama pero ayaw naman niyang wala siya kapag ipina-check up ang bata. She need to set aside her own feelings for the kid.
Halos isang oras nang umiiyak si Dirran mula ng lumipad ang eroplano at inaalo ng ama pero ayaw nitong tumigil. Kapag naman siya ang umaalo ay yumayakap naman agad ito sa ama.
Kinuha na nga rin ito ni Vander sa upuan nito at kinandong. Magkatapat na isahan kasi ang upuan sa loob ng plane kaya hindi sila magkakatabi, perks of a first class flight. Katapat ng upuan ni Desiry ang upuan ng ama nito.
Tumayo siya at ipinahawak ang anak kay Desiry para tulungan ang asawang patahanin ang bata. Kita na kasi niya ang yamot ng ibang mga pasahero na hindi makatulog sa ingay ng bata. Pero sa halip na tumigil ay itinulak lang siya ng anak. Sinenyasan naman siya ng asawa na bumalik na lang sa upuan. She can't do anything but oblige. Tiningnan na lamang niya ang dalawa.
"What do you want, son? Are you hungry?" he asked patiently to the kid. Tinawag nito ang attendant. Dinala naman nito ang cart kung saan maraming chocolates at chips.
"Get everything you want, c'mon!" saad nito sa anak. Dirran only fidgeted and wailed.
"Nooooo!" Sigaw nito at itinulak ang laman ng cart. Natapon tuloy ang mga iyon sa sahig.
"Gusto mong matulog? Let's go the private room," aya ulit nito sa bata. Binuhat niya ito pero nag-iiyak ito at itinuro ang upuan nila. He's yelling unrecognizable words. Hindi naman nito first time na sumakay ng eroplano. Malamang ay talagang may sumpong lang ito.
"You want some lollipops?" Desiry asked his brother. Inabutan niya ito ng isang pack ng lollipops. Kinuha naman ito ng kapatid at inakap pero hindi pa rin ito tumigil sa pagnguyngoy.
Alam niyang inis na inis na ang isang babaeng pasahero sa ingay ng anak. Nakita pa niya itong nakikipagdiskusyon sa isang attendant at itinuturo ang mag-ama. Nahiya tuloy siya. Hindi napapansin ni Vander ang babaeng nagrereklamo dahil busy ito sa pag-alo sa anak.
Ipinahawak niya ulit kay Desiry si Deshima at dinaluhan ang mag-ama. Ayder also went there pero ayaw talagang tumigil ni Dirran.
She saw the woman stood up and approached them. Pinipigilan naman ito ng attendant. She looked at Vander na inaalo pa rin ang anak.
"Mister, if you can't stop your son, can you just exchange place with my staff at the back? The kid's so noisy. I can't sleep." Mataray nitong saad kay Vander.
Vander looked at the woman.
"Can't you see? My son's special and he's having tantrums!" Inis na saad nito sa babae. He stood up. Buhat nito ang anak na nakahilig sa balikat nito at pumapalahaw pa rin ng iyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/72737304-288-k333384.jpg)
BINABASA MO ANG
The Empire Series 1: Vander Lewis Rushed
RomanceIf there is one thing Vander Lewis regrets that is rushing through life.