We all have that one friend who always tells how stupid we are but will never ever leave. – jazlykdat
Aubrey
Halos tatlong buwan na simula nang mag-full blast ang kontrata nila sa VLF empire pero ni minsan ay hindi sila nagkita ni Vander. All their transactions were connected to a representative of the company.
There was one time when she saw him in a restaurant pero tumango lang ito sa kanya bago lumabas ng lugar.
Pinapanindigan siguro talaga nito ang ipinangako ng hipag at biyenan niya na hindi na siya lalapitan nito sa oras na iatras niya ang kaso.
She must be happy but she just can't. May mga bagay pa kasi siyang gustong linawin sa asawa at hangga't hindi niya nakikita ang mga anak na nasa poder nito ay hindi siya magiging maayos. She had to tell them what really happened.
"Sis, kailan mo ba ipapakita 'tong inaanak ko sa daddy niya?" tanong ng kaibigan. Pumasyal ito ng condo at kinukumusta silang mag-iina.
"Paano kung mangyari ulit ang nangyari noon kapag kinausap ko siya?" Saad niya habang nakatunghay sa anak na natutulog.
"Hindi naman siguro. Hindi ba naga-undergo siya ng psychological therapy? Saka mukhang tinutupad naman niya yung ipinangako ng pamilya niya na hindi ka na niya guguluhin sa oras na makalabas siya ng kulungan."
Her friend has a point. Nasabi niya kasi dito ang tungkol sa pagpapagamot ng asawa.
"Hahanap ako ng tiyempo." Tugon na lamang niya. She had to face Vander sooner or later.
There was a long silence before Lily spoke again.
"Sis, ni minsan ba hindi sumagi sa isip mo kung paano nga kaya kung hindi ka umalis noon?"
For the longest time, Lily never questioned her decision. Noong nagkita sila sa Canada, ito na ang naging kasa-kasama niya sa lahat maliban kay Charlie. She never even questioned her when she took her relationship with Charlie to the next level. Kahit alam niyang may kaunting pagtutol ito noon.
"I did pero nangyari na ang nangyari." Tugon niya sa kaibigan.
"Bakit hindi mo na lang kasi sinabi sa biyenan mo noon? She could have asked Vander to undergo psychological therapy. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat."
She also asked herself the same question. Hindi rin niya alam kung bakit ang unang naisip niyang solusyon ay ang tumakas. Ayaw na niyang maulit ang ginagawa ni Vander noon kaya umalis na lang siya. She wants to get her children but Vander was always at the doorway. Hindi siya makakuha ng tiyempo hanggang sa napagod siya at umalis na ng bansa.
"Baka hindi ang pag-alis mo ang solusyon noon. It could have been marriage counseling. For all you know hindi lang kayo ang mag-asawang ganoon. There are a lot of couples out there at na-overcome nila." Dagdag ng kaibigan.
"Naisip ko rin yan pero ganoon na lang siguro iyon."
"Sayang lang kasi. Remember dati ang saya saya mo pa. Every school break kung saan-saang bansa kayo namamasyal."
She smiled bitterly as she remembered those days. Ang saya nila na parang hindi darating ang ganitong oras sa buhay nila. Hindi na rin niya maisip kung paano nga ba naging ganito ang sitwasyon nila.
"Iniinggit mo pa ako. You always say, perks of marrying a Filan." Dagdag ng kaibigan.
"For ten years, my anger succumb me. Nadamay pati ang dalawa kong anak. Pakiramdam nila iniwan ko sila at pinabayaan. But you know, I don't have a choice, then."
Ginusto niya ring bumalik noon para kunin ang mga anak but things became different. May mga dahilan kung bakit hindi siya nakabalik para sa dalawang anak. As a mother, it was the hardest choice she had to make.
"I understand sis. Kahit ako naman bilang isang ina, pipiliin ko ang desisyon mo. But if you tell them the truth now, maybe they'll understand. Hindi mo kailangang solohin ang lahat." Tugon ng kaibigan.
Parang gusto niyang maiyak dahil sa sinabi nito. At least somebody understands her decision before. There was a long silence bago ulit ito nagsalita.
"Pero may kasalanan ka rin talaga dati, eh. Ang asawa kasi nilalambing kapag nagagalit. Isa pa, talaga namang kapag mag-asawa may marital responsibility." Ingos nito. Napakunot-noo siya. Kapag talaga bestfriend, kakampihan ka sa umpisa tapos bigla kang ilalaglag sa huli saka tatawanan.
"Hindi mo ba naisip noon na everytime Vander was frustrated ang kailangan niya yung paglalambing ng asawa hindi yung matabil niyang bunganga."
Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan at napaisip.
"He wanted love and he wants to feel that he is loved kaya niya ginagawa iyon sa 'yo dati." Dagdag nito.
Could there really enough justification for that deed?
"Saka kung hindi ka niya mahal. He would have done that to other women. Remember guwapo siya. Isang ngiti lang niya siguradong pipila ang mga malalanding babae. But no, he wants his wife, no one else."
She never thought about that.
"Kailan ka pa naging psychologist?" naiiling niyang tugon sa kaibigan. The truth is, Lily has a point. Bakit nga ba siya pipilitin ni Vander kung marami namang ibang babaeng willing makipag-sex sa kanya?
"Correction! Hindi ako psychologist. Abogada ako ni Vander." She said chuckling. Napailing na lang ulit siya. Ganito talaga ito kausap. Seryoso tapos biglang kung anu-ano na lang ang sinasabi.
"Crush na crush ko talaga yang mga Filan na yan dati. Bakit ba kasi ayaw nila sa magaganda?" biro nito.
"Magaganda? Baka hindi ka lang nakaabot sa standards nila." Ganting-biro niya.
"Eh di ikaw na ang lampas sa standards nila. Take note ha. Mahal na mahal ka pa ng pamilya nila pero sinayang mo. Tsk! Alis na nga ako." Inis na tumayo ang kaibigan. Alam niyang nagbibiro lang ito kaya tinawanan na lamang niya ito.
Wala pang isang minuto ay pumasok na ulit ito sa kuwarto.
"Ako na muna diyan kay Deshima. Puntahan mo si Dirran. Mukhang wala na naman sa mood." saad nito ng makalapit. She inhaled deeply before going out of the room.
BINABASA MO ANG
The Empire Series 1: Vander Lewis Rushed
RomanceIf there is one thing Vander Lewis regrets that is rushing through life.