It may take a while but the right thing will come out naturally. – jazlykdat
Aubrey
Parang namimigat na ang mga mata niya nang makarating ng condo. Late na kasi silang nakauwi ni Lily dahil nag-audit sila. Lumalaki na rin kasi ang scope ng travel agency. Lily was right, the deal opened their doors to the international market. Marami kasing hotels at resorts ang VLF Empire sa iba't-ibang bansa at kapag nakita na part iyon ng travel packages nila ay talagang ina-avail ng tourists.
At sa mga nagdaan pang mga buwan talagang hindi na sila nagkita ni Vander. She was trying to reach him pero mailap ito. Ni hindi siya makasingit sa schedule nito. Gustong-gusto na niyang makita ang dalawang anak. Ayaw naman niyang pangunahan ito dahil baka ito na naman ang maging sanhi ng pag-aaway nila kapag hindi siya nagpaalam rito kahit pa sabihing may karapatan siya bilang ina. She wants a peaceful life at mangyayari lang iyon kapag nakapag-usap na sila ng maayos ni Vander.
"Good evening Ma'am Aubrey! Akala ko po nandoon na po kayo sa unit niyo." Nakangiting bati ng guwardiya ng condo tower sa kanya. Kilala na siya ng mga ito dahil mahigit isang taon na siyang residente.
"Medyo late na kasi kaming natapos sa agency." Tugon niya rito.
"Ma'am okay lang po ba na pinaakyat ko yung asawa niyo?" tanong ng guwardiya.
"Sino?" balik-tanong niya rito. Biglang lumakas ang kabog sa dibdib niya. Her husbands face automatically pops on her head.
"Asawa niyo daw po ma'am. Vander Lewis Filan po. May ID naman pong binigay." The guard handed her Vander's driver's license.
Halos liparin niya ang direction papuntang elevator. Her heart beats fast.
Samu't-saring isipin ang pumapasok sa utak niya. Ipinagdarasal niya na sana hindi ito pinapasok ng kasambahay niya.
Mas lalo siyang kinabahan nang makitang walang tao sa hallway. Vander must have been inside the condo unit.
She inhaled deeply as she unlocked the unit.
"Vander," Kinakabahan niyang saad nang makita ito sa living room.
He looked at her but never spoke. Mag-isa itong nakaupo sa couch. Hindi niya mahinuha kung ano ang iniisip nito.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya nang hindi ito umimik. Humakbang siya papuntang sala. Nanatili itong nakatitig sa kanya. She maintained a little distance between them.
"Deshima..." He whispered. Nasapo nito ang ulo at yumuko. She felt like Vander was about to cry.
"S-she's our daughter." Sambit niya sa asawa. Vander looked at her. Nanatili itong nakaupo.
"I am sorry, Aubrey. For all that I have done." Yumuko ito at tinakpan ang mga mata gamit ang kanang kamay. She bit her lip when Vander's shoulder started shaking. It was always Vander's way of hiding his tears.
If this would have happened before, she will laugh at him. Pero iba ang nararamdaman niya. She suddenly felt his angst. Umupo siya sa harap ng asawa.
"I'm sorry, ang laki-laki ng kasalanan ko sa 'yo." Saad nito habang takip pa rin ang mga mata..
Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya sa reaksyon nito. Lalapit sana siya para hawakan ito sa mga kamay pero bigla itong tumayo at tumalikod. She saw him wiping his tears. It was different from the Vander who's always tough and strong.
"Can I go to her room?" Paalam nito nang humarap. His eyes are red. Napatango siya. Sinundan niya ito nang tingin nang pumasok sa kuwarto.
Vander may have been worse for a husband pero alam niyang mabuti itong ama.
BINABASA MO ANG
The Empire Series 1: Vander Lewis Rushed
RomantizmIf there is one thing Vander Lewis regrets that is rushing through life.