26: Move In?

186K 3.9K 127
                                    

When the door opens, all you need to do is enter. – jazlykdat

Aubrey

"Sis, may bisita ka." Wika ni Lily pagpasok ng opisina niya. Their office is already bigger. May kanya-kanya na silang office room ni Lily at sa labas ay reception area at mga upuan para sa mga walk-in clients. May staff na rin sila sa labas na nag-aasikaso ng mga walk-ins at online clients. May conference area na rin sila kung saan nila kinakausap ang mga mas malalaking kliyente.

"Sino raw?" tanong niya sa kaibigan.

"Actually kausap pa lang niya 'yong receptionist." Lily grinner at her and looked outside the door. Hindi niya kita mula sa puwesto niya ang kung sino mang sinasabi nito na nasa reception area.

"Parang si Leandrei," dagdag nito.

Leandrei? Ano namang gagawin nito sa opisina nila?

Is it really Leandrei? Baka naman si Vander, magkamukha kasi sila.

Nagmadali siyang tumayo.

It's been three days since they went back to the country. Wala pa siyang naririnig mula sa asawa. Iniiwasan na siyang kausapin nito noong pauwi na sila ng bansa. Pagkatapos kasi nilang mag-usap noon ay umalis ito ng apartment at ipinasundo na lamang sila papuntang airport. Parang naiwan sa ere ang naging pag-uusap nila. Ni hindi niya matanto kung ano ang emosyong kalakip ng mga pahayag nito noon.

"Si Vander," mahina niyang sambit nang matanawan ang asawa.

"Wow, the heart recognized what the eyes can not." Tudyo ng kaibigan niya. Inirapan naman niya ito.

For other people, it's really hard to distinguish the two. Pero ewan niya dahil kahit noon pa man hindi siya nalito sa dalawa kahit na magpanggap pa sila at magpalit ng katauhan.

Vander looked at their direction kaya hindi na siya nakasagot sa kaibigan.

"Hi, Vander! Long time no see." Lily greeted. Agad kasi itong lumapit sa kinaroroonan nila.

"Nice to see you again, Lily." Vander smiled.

"Nakikilala mo pa ako?" tanong ng kaibigan niya. Vander chuckled at Lily's question.

"Sira ka talaga!" palihim niyang siniko ang kaibigan.

"Ito naman. I am just honored that a Filan recognized me." Depensa naman ng kaibigan niya na ipinarinig pa kay Vander.

"I won't ever forget you. You were my favorite among Aubrey's friends." Vander stated. Her friend almost squealed.

"Hindi ka nagkamali ng kinampihan." She answered chuckling.

"Umalis ka na nga." Bulong niya kay Lily.

"Sus, selosa ka pa rin hanggang ngayon. Para nginitian lang ako ng asawa mo, pinapaalis mo na ako." Pinandilatan niya ang kaibigan pero tumawa lang ito. Vander is also smiling. Sinadya pa kasing iparinig ni Lily ang sinabi nito.

"Bye Vander." Saad ng kaibigan niya bago nagmadaling umalis. Vander just smiled at her. Sinundan na lamang nila ito ng tingin habang pabalik sa sarli nitong opisina.

There was a long silence between them.

Vander cleared his throat before speaking.

"I've already talked to the therapist. Puwede nang mag-umpisa si Dirran bukas." He started. Napatango siya.

"Sige, ihahatid ko na lang siya. Familiar naman ako sa daan papunta sa clinic ng therapist." Tugon niya sa asawa. Ibinigay kasi sa kanya ni Vander noon ang pangalan at address ng Psychologist bago sila ipinahatid sa kanilang mag-iina sa condo.

The Empire Series 1: Vander Lewis RushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon