Aubrey
Nang bumalik ito ng bahay mula sa rehab ay naging tahimik na ito. Ilang araw itong hindi lumalabas ng bahay. He'd only play with the kids. Tinuturuan din daw nito si Desiry na magbasa ng maayos ayon sa mga maids.
She was happy to see the changes in him. Hindi na rin ito nag-iinsinuate ng sex. He'd only cuddle her until they fall asleep.
"Vand, patapos na yung enrolment period niyo. Kailan mo balak pumunta ng school?" tanong niya rito. They are about to sleep.
"Gusto kong tumigil muna," tugon naman nito. Her forehead creased. Akala niya magbabago na ito.
"Sayang yung panahon, hon. Nauna pa akong nakatapos sa'yo considering na tumigil ako ng dalawang taon." Pangungumbinsi niya rito.
"So, anong ibig mong sabihin?" bigla itong bumangon at umupo sa kama sapo ang ulo. He brushed off his hair using his hands.
Her heart raced. Mukhang minasama na naman nito ang sinabi niya.
"Vand, ang gusto ko lang naman ay makatapos ka na rin. I don't mean anything negative." Paliwanag niya. Tumabi siya sa asawa.
"Lumalaki na ang mga bata. Si Desiry nakakaintindi na 'yan. Para naman maipagmalaki ka rin niya." She caressed his back.
"So, there is nothing to be proud of me, gano'n ba?" galit itong tumingin sa kanya.
Natigilan siya sa reaksyon nito. Vander's line of thinking has always been like that. Napaka-immature.
"Hindi naman sa gano'n. Ang gusto ko lang naman---"
"Stop it! Oo na bukas!" inis nitong saad at padabog na lumabas ng kuwarto.
She waited for him to come back pero ilang oras na ay hindi pa rin ito bumabalik ng kuwarto.
She went downstairs and found him sleeping in the living room. Nakatulugan na nitong nakabukas ang TV.
Napangiti siya. At least, unlike before hindi ito lumabas ng bahay at naglasing.
Pinatay na lang niya ang TV at bumalik na ng kuwarto.
Hindi na niya ito naabutan kinabukasan. Maaga daw itong umalis.
------
Nag-alala siya nang hindi pa rin ito umuuwi mag-aala una ng madaling-araw. Ang alam niya nag-enrol lang ito. Hindi naman niya matawagan ang cell phone nito.
She was left with no other option but call her sister in-law, Vanna. She is Vander's elder sister. Alam niya kasing magaling itong mag-track ng tao.
["Hey Aubrey! May problema ba? Is Vander back to his old habbit again?"] tanong agad nito pag-angat ng tawag. Vander's brothers didn't know about his stay in the rehab center. Si Vanna lang ang nakakaalam dahil walang bagay ang maililihim sa hipag niya. She has ways of knowing everything.
"Hindi naman ate. Nag-aalala lang ako. Ngayon lang kasi siya ulit na-late umuwi."
["Do you want me to spy on him?"] diretso nitong tanong.
"Hindi naman po. Gusto ko lang sanang malaman kung nakikipagkita siya sa mga dati niyang mga barkada."
["Copy, sissy. Anything else?"] tugon naman ng hipag.
"Wala na ate. Thanks."
["Welcome."] Her sister-in-law answered before hanging up.
Fifteen minutes after the call, nag-text na ang hipag niya na nasa bar daw ang asawa niya ta umiinom mag-isa. At least, he's alone.
An hour later, Vander entered inside the room. Nagkunwari na lang siyang tulog. Naligo lang ito bago tumabi sa kanya at natulog na rin.

BINABASA MO ANG
The Empire Series 1: Vander Lewis Rushed
RomanceIf there is one thing Vander Lewis regrets that is rushing through life.