Have faith. Just have faith and everything will follow. –jazlykdat
Aubrey
Napapangiti siya habang sinusundan sina Vander at Dirran sa supermarket. Tulak-tulak ng dalawa ang cart na halos puno na. Hindi niya alam kung bakit naisipan ng asawa na mag-grocery para sa mga bata. Puwede naman nilang iutos na lang.
Kahapon pa ito nagpapaka-ama. Ipinag-drive pa sila hanggang Tagaytay. Kung hindi pa kinantiyawan ni Desiry na puwede naman silang mag-chopper pauwi ng Manila, pipiliin pa nitong mag-drive ulit.
"Heart, okay na ba talaga 'tong diapers ni Deshima? Dagdagan pa kaya natin ng dalawang packs?" Lumingon ito sa kanya at tumigil sa paglalakad. Dirran also stopped. He's been calling her heart since yesterday. Napapangiti pa rin siya kapag tinatawag siya nito ng gano'n
"Isang karton na lang kaya ang bilhin mo?" natatawa niyang tanong rito.
"Bakit hindi mo sinabi?" seryoso naman nitong tanong.
"Luko-luko ka talaga. Sige kuha ka pa ng isang pack para may reserba," tugon na lamang niya.
"Sige, hintayin niyo na lang ako dito." Saad nito at humalik pa sa pisngi niya. Agad itong bumalik sa diaper section. Napapangiti siya habang sinusundan ito ng tingin.
Dirran is quietly counting the cans on the rack. Napangiti siya. Kaya na nitong bigkasin ang mga salita ng normal.
"Aubrey?!"
Natigilan siya nang may tumawag sa pangalan niya.
She instantly recognized the man's voice.
"Charlie? Hi!" Alanganin niyang bati rito. Ngumiti naman ito.
"How are you? You look better than the last time," he said genuinely. Napangiti na lang siya.
"Sorry sa nangyari noon ha?" saad niya sa binata. Alam niyang may kasalanan siya rito. Pakiramdam niya ay niloko niya ito noon dahil nabuntis siya ni Vander at hindi niya magawang maituloy ang kaso dahil sa mga anak. Masama ang loob nito noong nakipaghiwalay siya. Sa kabila daw ng lahat ng kabutihang nagawa niya, si Vander pa rin pala ang pipiliin niya. It wasn't true that time but now it's like everything he said was real and had basis.
"Matagal na iyon. Huwag mo nang isipin." Tugon nito. Ngumiti ito. Maybe he really had accepted everything.
"Tito Charlie?" Dirran uttered when he saw him. Napatingin naman ito sa bata at napangiti.
"Hey, kiddo. I missed you!" yumakap ito kay Dirran.
"I miss you, too, Tito Charlie." Dirran muttered. Hindi makapaniwalang tumingin si Charlie sa kanya. He must be surprised to hear Dirran responding.
"He's improving," Charlie murmured as he got up. Napangiti na lang siya.
"Mommy, where's dad?" Dirran asked innocently.
"Nagkabalikan na kayo ni Vander?" nagtatakang baling ni Charlie sa kanya.
"Yes!"
Napatingin siya sa nagsalita. It was Vander. Inilagay nito ang hawak na diaper sa cart bago siya hinapit sa baywang. Umusal siya ng piping dasal. She knew how Vander is jealous with the guy noon pa man. Ito rin ang naging dahilan kaya nagawa nito ang nangyari noon sa hotel.
Yumakap siya sa baywang ng asawa. She has to let him get the signal that he has nothing to worry about Charlie.
"What were you telling my wife?" kalmado ngunit madiing tanong ni Vander kay Charlie.
BINABASA MO ANG
The Empire Series 1: Vander Lewis Rushed
RomanceIf there is one thing Vander Lewis regrets that is rushing through life.