Keeping marriage is not all about financial stability but more so emotional maturity. –jazlykdat
Aubrey
"Aub, where are you going?" habol sa kanya ni Vander nang papunta na siya sa sasakyan niya. Nasa garahe sila ng mansion.
"Sa opisina." Nagtataka siyang napalingon sa asawa.
"I'll just drop you off and Dirran. Would that be okay?"
She almost gasped when Vander smiled.
"How would it not be?" nakangiti niyang balik-tanong.
"I think so, too."
Sabay pa silang napatawa sa takbo ng usapan nila. They only stopped when Dirran came with his nanny.
"Here's your new space, son." Nakangiting saad ni Vander sa anak habang iginigiya ito sa may backseat.
"Sure, daddy!" Dirran answered that made them both smile. Marunong na itong makipag-usap ng maayos nang paunti-unti.
"Halika na misis!" Napaigtad siya nang dumaan ang kamay ng asawa sa baywang niya at marahang pinisil. Napatawa pa ito nang makita ang reaksyon niya. Mabilis siya nitong pinagbuksan ng pintuan ng kotse.
"Stop, teasing me, Vand." She said smiling. Naalala kasi niya ang sinabi nito kagabi, makabawi man lang. Hehe!
Vander just shrugged and chuckled.
Kumindat pa ito nang papasok na ito ng driver's seat.
He was about to drive out from the garage when Desiry and Ayder knocked on the window beside her. Ibinaba niya ang bintana ng sasakyan.
"What is it?" she asked the two.
"May paghatid na talagang nagaganap ngayon?" Desiry said giggling. Ayder also laughed.
"So you disturbed us just to say that?" Vander asked shaking his head.
"Aba, distorbo na kami ngayon, dad?" Desiry chuckled. Napatawa siya sa panunudyo ng anak. Vander glared at Desiry.
"Bakit noon kapag nambabae ka at sinusundan kita never mong sinabi na istorbo ako?" natatawa nitong biro sa ama.
"Nambababae?" Kunot-noo niyang sambit.
"Ate's just kidding mom. We're going!" Sabad ni Ayder bago hinila ang kapatid palayo sa sasakyan.
She saw Vander shrugging while starting the engine.
"Anong ibig sabihin ni Desiry?" baling niya sa asawa. Napatikhim naman ito.
"Si Daddy may babae." Dirran answered innocently.
Napatingin siya sa anak. She was surprised to hear na nakakaintindi na talaga ito ng usapan at nasasabi na ang nasa isip. He even volunteered to answer the question na ayon sa pagkakaintindi nito.
"Tingin mo may babae is Daddy?" natatawa niyang tanong sa anak.
"Babae? Uhm, Mommy babae, ate –babae, Mee-babae." Tugon nito. Napatingin pa siya kay Vander at napangiti dahil sa pagsagot ng anak sa tanong niya.
"Lahat sila babae, 'no? Very good, son!" Kindat ni Vander sa anak mula sa rearview mirror.
"Thank you, daddy!" Dirran answered.
"Wow, ang galing naman ng baby ko!" nasisiyahan niyang saad sa anak. She can't help but feel glad.
"Thank you, mommy." Tugon ulit nito na nakapagpatawa sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Empire Series 1: Vander Lewis Rushed
RomanceIf there is one thing Vander Lewis regrets that is rushing through life.