28: His Wife

203K 4.6K 223
                                    

It only takes you to make things right. – jazlykdat

Aubrey

Aubrey went to Vander's office. Hindi kasi ito umuwi ng nagdaang gabi.

Ilang araw na rin ang nakararaan simula nang tumuloy sila sa bahay ng mga magulang nito. He was only home for dinner during their first two nights. Nang mga sumunod na araw ay hindi na ito umuuwi ng dinner.

Madalas ay tinatanaw na lamang niya ito mula sa kuwarto kapag paparating ang sasakyan nito. Nagpapang-abot sila ng breakfast pero mukha itong pre-occupied kahit na paminsan-minsan naman itong sumasali sa usapan. Ewan niya kung napapansin ito ng mga magulang ni Vander dahil hindi naman nagtatanong ang mga ito pero siya ay ramdam na ramdam niyang mayroon itong pasanin.

"Nasa loob ate, may problema po yata." Sagot ng sekretarya nang tanungin niya kung nasaan ang asawa. She was right. Pati ang sekretarya nito ay napansing problemado ito.

Nag-alangan siyang tumuloy pero kalaunan ay napagpasyahan niyang pumasok na lamang. His secretary stood at the doorway bago nagmadaling umalis nang bumukas ang pinto.

"Marlene, I told you not to disturb me!" inis nitong saad nang mapansin nitong nakabukas ang pintuan. Ni hindi ito nag-angat ng tingin.

She cleared her throat and walked inside.

"It's me." She announced. Nag-angat naman agad ito ng tingin. She tried hard not to be transparent. Bumilis na naman kasi ang tibok ng puso niya sa pagtitig nito.

"Bakit may problema ba? May tantrums na naman ba si Dirran?" tanong nito bago ibinalik ang tingin sa dokumentong binabasa.

Napailing siya.

"Hindi si Dirran ang dahilan kaya ako pumunta dito." Nahihiya niyang saad rito.

"Hindi ka kasi umuwi kagabi. Gusto lang kitang kumustahin." Dagdag niya bago pa man siya takasan ng lakas ng loob.

Vander stared at her for a moment. Mukhang nag-isip ito ng malalim. He later shook his head and looked back at the documents in his table.

"Busy lang ako." Mahinang tugon nito. She sat on the chair in front of his table.

"Hinahanap ba ako ng mga bata kaya ka nandito?" tanong ulit nito. Her forehead creased.

"Vander, may problema ka ba? You look stressed the past days." Saad niya sa asawa. Saglit itong sumulyap sa kanya ngunit hindi nagsalita.

That's one of Vander's traits. Mas mabuting hindi ito sasagot kaysa magsabi ito ng kasinungalingan.

Huminga siya ng malalim para humugot ng lakas ng loob.

"Vander, I am still your wife. Kung may mga bagay kang hindi kayang sabihin sa iba, puwede mo pa ring sabihin sa akin." She didn't know where she got the courage to say those words. Isa lang ang alam niya, lumabas sa bibig niya ang nilalaman ng puso niya.

Vander stared at her. He opened his mouth but decided to close it later.

"M-may problema lang sa kompanya." He uttered. He gently pushed the table so that his swivel chair would slide away from the table. Ngumiti ito ng alanganin.

She's not sure if Vander's eyes glistened.

"I'm sure you can handle that. Napalaki mo nga ng ganyan ang hotels at resorts niyo siguradong malalagpasan mo iyan."

She knows it sounded cheesy but she thinks he really needs encouragement. Ganoon naman talaga lahat ng tao kapag frustrated. Kailangan ng encouragement. It was one thing she never did before. It's the least she can do for him now.

The Empire Series 1: Vander Lewis RushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon