9: Trials

166K 3.2K 487
                                    

Vander Lewis

He wasn't able to see Aubrey during his *arraignment. Hindi na rin dumalaw sa kanya ang mga magulang. He is sure his mom is still mad as hell.

[*arraignment – a legal procedure done in court para malaman ng akusado ang kasong isinampa laban sa kanya at kung magpi-plead ba siya ng guilty or not guilty.]

Mga kapatid lamang niya ang pabalik-balik sa kulungan. The only favor his ate Vanna was able to give was to make sure he'll stay in camp crame during his trial para hindi siya maisali sa mga pangkaraniwang taong nakakulong. He has his own jail room like all VIP prisoners.


He's a bit nervous. Alam niyang makikita niya ang asawa sa korte dahil ito ang unang araw ng trial.

His children Ayder and Desiry are also inside the court room. Simula daw ng araw na makulong siya ay hindi na rin nagpakita ang ina ng mga ito sa kanila. Ngayong araw lang din nila ito makikita kung sakali.

Gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya nang masilayan ang mga kapatid niya. Ngunit bumigat ulit ang dibdib niya nang hindi makita ang mga magulang. Tuluyan na yatang sumama ang loob ng mga magulang niya.

Mas lalo itong nadagdagan nang pumasok ang mga magulang ni Aubrey. Halatang masama ang loob ng mga ito sa kanya. Sino ba naman ang hindi?

It was more painful when Aubrey appeared. She was with a man. Nakapulupot ang kamay ng lalaki sa baywang ng asawa niya. He will never forget the man's face. So, iyong Charlie talaga na kaklase nito noong college ang boyfriend nito?

He can't believe that seeing Aubrey with a man hurts more than the rape charges she pressed against him.

Pinamumulahan siya ng mukha habang isinasalaysay ng asawa ang nangyari nang gabing iyon. It was fresh on his mind but he never thought that would fall as rape. Gusto lang naman niyang iparamdam rito na siya pa rin ang minahal niya hanggang sa ngayon.

Aubrey was crying. Gusto niya itong takbuhin at yakapin pero hindi niya magawa. Pinanood na lamang niya ito habang inaakay ni Charlie. Yumakap naman ang asawa sa lalaki at umiyak sa dibdib nito. He balled his fist. That's even more painful than his first night in jail.

He wasn't able to comprehend with the proceedings. May mga exhibit na sinasabi pero wala na siyang naintindihan. His mind shuts.


Nang makabalik siya ng crame ay kinausap siya ng abogado. Nagpaiwan din ang ate Vanna niya.

"Could that really be rape? I know she enjoyed it in the end. She's my wife." Saad niya sa abogado.

"They exhibited a medico legal saying that Aubrey had lacerations in the vaginal opening and sperm samples." Paliwanag ng abogado.

"The court is asking you to undergo DNA testing." He added.

Napatingin siya sa abogado. He's really doomed.

"What do you suggest we do?" tanong niya rito.

"We can't refute with the DNA test," tugon naman ng abogado.

"Go on with the DNA testing. Ako na ang bahala." Vanna interjected.

"Ate, huwag na..." Pigil niya rito. Ayaw niyang idamay pa ang kapatid sa kasong kinasasangkutan niya. Alam naman niyang kayang-kayang gawan ng ate niya ng paraan para hindi magmatch ang DNA nang hindi ito mahuhuli pero ayaw niyang gumawa pa ito ng mali para lang mailigtas siya sa kaso.

"Gago ka ba? Akala ko ba ayaw mong makulong?"

"Hayaan mo na, ate. Kung mapatutunayan sa korte na rape talaga yung ginawa ko. Let it be." Saad niya.

The Empire Series 1: Vander Lewis RushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon