Aubrey
"Aubrey, please? If we get the deal with VLF Empire hotels and resorts, aangat itong travel agency natin."
"Shut up, Lily!" tugon niya sa kaibigan. Alam na alam nito na si Vander ang nagpapatakbo ng VLF Empire hotels and resorts tapos kino-consider pa nito ang makipag-deal doon.
"This could be our gateway to the international market."
Tiningnan niya ng masama ang kaibigan. She's been her friend since high school at alam naman nito ang naging sitwasyon nila ni Vander ng nagdaang taon.
"Look, ang dami nating nasasayang na prospective clients dahil gusto nila sa VLF Empire ang accommodations nila kaso hindi tayo makapagpa-book kasi ayaw nila ng bookings from travel agencies. Now, that they are opening up the deals for travel agencies, hindi tayo makiki-bidding?"
"No!" madiin niyang saad.
Isang taon na rin nang simulan nila ang travel agency business nila na nag-ooperate lang sa Pilipinas at naging matiwasay naman ito.
"Everyone's up for the bidding. Sige na Aubrey. Mag-aaral na ngayong year na 'to yung inaanak mo. Kailangan ko ng mas malaking kita." Nagpaawa pa ang kaibigan habang nagsasalita.
"As if naman wala kang ibang business at hindi mayaman yang asawa mo!" irap niya sa kaibigan. Napatawa naman ito.
"I just want this business to prosper. Pangarap natin to pareho 'di ba?" pilit pa rin nito.
"You know I can't stay near Vander." She answered inhaling deeply.
"Baliktad yata. Hindi ba siya ang bawal lumapit sa 'yo? Besides it's just business. Ipinangako rin ng hipag at mother-in-law mo na hindi ka na niya masasaktan ulit di ba?" pangungulit ng kaibigan niya.
"Iyon ay kung iniatras ko ang kaso pero hindi naman di ba?" tugon niya habang inaayos ang ilang folder na nasa mesa niya.
"Hindi ka nga sumipot sa hearings di ba kaya ibinasura ang kaso ibig sabihin no'n umatras ka pa rin sa kaso."
The case she filed against Vander became discreet. Siguradong pinigilan ng pamilya ni Vander ang pagkalat sa publiko ng naging kaso. Maliban sa kani-kanilang pamilya at malapit niyang kakilala ay wala nang nakaalam ng lahat.
"Magmumukha lang akong tanga at kawawa kapag ginawa ko iyon matapos kong hindi magpakita ng mahigit isang taon."
"Hmp! Bahala ka na nga!" irap naman ng kaibigan at sinagot ang telepono na kanina pa nagri-ring.
Magkatabi lang sila ng table ng kaibigan. Iisa lang ang office nila. Medyo malaki ito dahil may mga upuan na rin para sa mga walk-in clients na gustong magpa-reserve ng travel packages nila.
Napakaimposible talaga minsan ng kaibigan niya. Gusto pa nitong makipag-deal kay Vander samantalang alam naman nito ang naging sitwasyon nilang mag-asawa.
Matapos silang mag-usap noon ng mga anak at gusto ng mga ito na sa ama sumama naisip niyang mas lalong masasaktan ang mga anak kapag nakulong ang ama ng mga ito kaya hindi na lamang niya itinuloy ang kaso at umalis para maiwasan ang ano pa mang gulo.
Months later, they put up a travel agency business. Kailangan niya rin kasing kumita at pangarap talaga nila ito ng kaibigan.
The business had been stable mula nang ipatayo nila ito.
______
Galit niyang tiningnan ang kaibigan nang marinig mula sa ilang representative ng ibang travel agencies na bidding pala ng VLF Empire Hotels and Resorts ang pinuntahan nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/72737304-288-k333384.jpg)
BINABASA MO ANG
The Empire Series 1: Vander Lewis Rushed
RomanceIf there is one thing Vander Lewis regrets that is rushing through life.