23: Beef Broccoli

197K 4.5K 284
                                    

Things will always be different when we get older and matured. –jazlykdat

Aubrey

"Don't talk to any man on the plane," bilin ni Vander kay Desiry. Inihatid nila ito sa airport dahil mauuna na itong uuwi ng Pilipinas.

They spent the whole week going around L.A. It was a good bonding moment for them. Kahit na dumidistansiya lagi si Vander at palagi itong may kausap sa telepono. Nasasaktan siya ngunit iniisip na lang niya na mabuti na rin iyon kaysa sa dati nilang sitwasyon.

Lumipat na rin sila sa isang apartment na may apat na bedroom. It's a 2-floor apartment. Sa taas ay may tatlong rooms na inokupa nilang mag-iina. Sa baba ay may isang bedroom na inokupa nina Vander at Dirran. The kid seems so fond of his father. Paunti-unti na itong nakakapagsalita ng buo. Madalas niyang makita ang mag-ama na nag-uusap. Pakiramdam nga niya ay hindi na nito kailangan ng therapist dahil natututo na ito sa ama.

"Dad, you're so overprotective. Wala na nga akong katabi sa plane 'di ba?" natatawa namang tugon ng dalaga. Tahimik lang siyang nakinig sa usapan ng mag-ama.

"Yes pero paano kapag may lumapit sa 'yo? Bakit ba kasi ayaw mong mag-private plane?" sagot naman ni Vander.

"Daddy talaga paranoid!" Napapailing lang na saad ng anak bago hinalikan si Dirran sa pisngi na nakahawak sa kamay ng ama.

"Take care, li'l bro. Galingan mo sa sessions mo ha?" bilin nito sa kapatid bago ito niyakap.

"Dirran, tell ate, "No boys!" dali." Untag ng ama nito. Parang gusto niyang matawa sa inaakto ng asawa.

"A-ate, non-no boys!" saad naman ng kapatid nito.

They all laugh at what he said. She was glad to see that Dirran only tilted his head twice while saying it. Dati ay hirap na hirap ito.

"Dahil ikaw ang nagsabi, susundin ko!" Natatawa namang tugon ni Desiry. Mas lalo silang natawa sa sinabi nito. Dirran also giggled.

Tumayo ang anak at humalik sa pisngi niya bago kinarga ang kapatid saglit at hinalikan.

"Take care, mom." Saad nito.

"Ikaw ang mag-ingat sa biyahe, anak." Tugon naman niya rito. Napatango naman ang dalaga. Ayder also said his goodbye bago tuluyang pumasok si Desiry sa loob. When they could no longer see her back saka sila nagpasyang bumalik sa sasakyan.







Pagdating sa apartment ay humiwalay na naman ang mag-amang Vander at Dirran. Agad na pumasok ang mga ito sa kuwarto. Si Ayder naman ay umupo sa couch at nakatutok na sa phone nito.

She felt empty. Wala kasi si Desiry na lagi niyang kausap.

Ilang minuto siyang nakaupo sa couch nang lumabas ang mag-ama. May hawak na laptop si Vander at dumiretso sa porch. He saw him set his laptop habang tahimik lang na umupo si Dirran sa isang upuan. Dirran is surprisingly disciplined. Dati kapag nagtatrabaho siya noon online lagi nitong gustong makialam sa ginagawa niya at nagwawala kapag hindi pinagbigyan.

Inilapag niya sa crib ang natutulog na anak at pinabantayan kay Ayder bago nagtungo sa kusina.

She prepared snacks for them. She gave Ayder a glass of pineapple juice and tuna sandwich bago dinalhan ang mag-ama sa porch.

Sinadya niyang dumaan sa likod ni Vander para makita ang kausap nito sa monitor. Nasilip niya kasi na kanina pa ito may kausap doon.

Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang sekretarya nito sa screen. Nagulat lang siya nang kumaway ito sa screen, napalingon tuloy si Vander at nahuli siyang nag-uusyoso. He put down the headset at tumitig sa kanya.

The Empire Series 1: Vander Lewis RushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon