18: Family

212K 4.6K 203
                                    

There comes a time when the place where you had always belonged to will make you feel out of place. – jazlykdat

Aubrey

Hindi siya mapakali habang nasa opisina. Iniisip niya kasi ang mag-amang naiwan sa condo.

"Sus, hindi mawala sa isip ang asawa," tudyo ni Lily nang dumaan sa harap niya. Naikuwento na niya rito ang tungkol sa pag-uusap nilang mag-asawa at ang pagpunta ng mga anak sa condo kahapon.

Mas malakas pa ang tili nito kaysa sa anak na nagwawala kanina habang nakukuwento siya.

"Tumawag ka na sa kasambahay mo para kumustahin ang mag-ama mo. Nahiya ka pa." tudyo nito bago bumalik sa table nito.

She stared at her phone for a while before finally deciding to call her maid.

["Ma'am lumabas po si sir Vander kasama si Dirran."] Tugon ng kasambahay nang itanong niya ang mag-ama.

Napakunot-noo siya.

"Saan daw nagpunta?"

["Hindi ko po alam mam. Ayaw po kasing payagan ni Dirran na umalis si sir kaya pinabihisan na lang po niya at isinama."]

"Hindi ba sinabi kung saan pupunta?"

["Hindi po basta ang sabi po babalik din daw sila mamayang hapon."]

She immediate called Vander's secretary. Sinabi naman nitong nasa opisina ang mag-ama.

Hindi na siya makapag-concentrate nang mga sumunod na oras. Iniisip niya kasing baka makagulo ang bata sa opisina ng ama. Makulit pa naman ito baka kung anu-ano ang pakialaman nito sa opisina ng asawa. Hindi rin ito makakapagtrabaho kung sakali.

Naghintay siya ng tiyempo bago nagpaalam sa nanunudyong kaibigan para puntahan ang anak.


"Nasaan yung mag-ama?" tanong agad niya kay Marlene nang makarating sa opisina ni Vander. Sinamahan naman siya nito sa opisina ng asawa. Binuksan lang nito ang pinto at iniwan na siya.

The office is very spacious. Sa kaliwa ay conference area kung saan may mahabang lamesa na may labindalawang magkakaharap na upuan. Sa gitna ay ang table ng asawa na may dalawang magkaharap na upuan sa harapan nito. May living area ito sa kanan kung saan may mahabang sofa, dalawang single couch at centertable.

Nakita niya ang mag-ama sa may sofa. Nagkalat ang mga eroplanong papel sa paligid ng dalawa. May mga bondpapers pa na nakapatong sa centertable at ginagawa ng mga ito na eroplanong papel.

"Pa-pa-pa-pilot daaaddy!" Pinalipad ng anak ang papel.

"Yehey! Pilot si Dirran," tugon naman ng ama nito. Pinalipad din nito ang hawak na papel. The two of them laughed.

She stepped closer to them. Napatingin naman ang dalawa sa kanya.

"Maaaammy!" Dirran jumped and ran to her. Agad naman niyang niyakap ang anak. Halata ang kasiyahan nito. Umupo siya sa may sofa kasama ang anak.

"He wants to be a pilot," saad ng asawa. Tumayo ito at nagpunta na sa table nito. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang tungkol sa pangarap ng anak. Ni hindi nga sumagi sa isip niya na gusto iyon ng bata. Alam niya kasing hindi normal ang bata at mahirap makakuha ng sagot mula rito kaya ni minsan ay hindi niya ito tinanong.

Masaya siya na mukhang naging maganda ang epekto ng pagpapakilala niya sa anak kay Vander.

They seem to get along well. At mukhang pasensiyoso naman ito sa bata.

The Empire Series 1: Vander Lewis RushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon