Sometimes you think it was gone but it was always there all along. –jazlykdat
Aubrey
Vander wasn't around at dinner time. She texted him once pero ni hindi ito nagreply. She was waiting for his call pero hindi ito tumawag.
Akala niya okay na sila. Bakit parang hindi naman yata sila mag-asawa? He didn't even inform her na hindi ito makakauwi ng maaga.
Nakatulugan niya ang inis sa asawa.
Pagkagising kinabukasan ay naabutan niya itong nasa komedor at kumakain na ng agahan. He took Deshima from her embrace. Bahagya siyang nasaktan pero binalewala na lang niya ang nararamdaman dahil nasa hapag din ang mga anak at mga biyenan.
Isang minuto lang yata nitong binuhat ang bata bago ibinalik ulit sa kanya.
"I have to go to the office early," saad nito nang maibigay sa kanya ang bata. Ni hindi niya alam kung kanino ito nagpaalam.
Sa kanya ba? Sa mga bata? O sa mga magulang nito?
Aligaga siya buong araw. Hindi niya kasi mawari ang nangyayari sa kanilang mag-asawa. Simula kahapon nang tanungin niya kung puwede silang sa kuwarto nito tumuloy ng anak at hindi siya binigyan ng diretsong sagot ay hindi na sila nagkausap ulit. Ni hindi niya alam kung anong oras na ito nakauwi kaninang madaling araw.
She kind of expected that they'll be okay. He said he loves her still but he's sort of ignoring her.
Pinaglalaruan ba nito ang damdamin niya?
Ni hindi ito nagtext o tumawag sa kanya buong araw. Hindi tuloy siya makapagtrabaho ng maayos. Kaya naman nang yayain siya ng kaibigan na mag-dinner sa labas ay sumama na lang siya para maaliw. She just texted Desiry to tell her grandparents about it.
Nagulat siya nang madatnan si Vander pag-uwi ng bahay. Nginitian lang niya ito bago tumuloy sa elevator.
Sumunod ito sa kanya at sumakay din.
"Are you still mad at me?" He asked when the elevator closed.
"Nope? Why?" Tipid niyang tugon.
"Hindi kasi halata." Natatawa nitong saad bago siya kinabig at inakbayan. Hindi niya talaga ito maintindihan. Now, he's being sweet again.
"Huwag ka nang magtampo, boss." Bulong nito sa tainga niya.
Inis siyang tumingala sa asawa. Nakangisi naman ito sa kanya.
"Sige, welcome na kayo ni Deshima sa kuwarto. Ikaw talaga! Para 'yon lang nagtampo na." natatawa nitong saad at pinanggigilang halikan ang tuktok niya.
Iniisip pala nito na nagtampo siya sa pagtanggi nito. Nakakatampo naman talaga pero hindi naman iyon ang mas ikinasasama ng loob.
"Hindi lang 'yon. Dapat nagsasabi ka rin sa akin kapag hindi ka makakauwi ng maaga." Saad niya sa asawa. Ni hindi man lang kasi nito sinagot ang text niya.
"Iyon ba? Sorry, nawalan ako ng pagkakataong magreply. Inasikaso kasi naming magkakapatid 'yong paghuli sa nagnakaw sa kumpanya."
Natigilan siya sa sinabi nito.
"Nahuli niyo na ba?" Parang nakunsensiya pa siya. May iba pa nga pala itong problema. Napaka-selfish niya talaga. Ni hindi niya naisip, nainis siya agad sa asawa.
"Yes, he was in Macau. Sumama ako kahapon sa Interpol para hulihin."
Tumigil ang elevator sa third floor kaya sabay silang lumabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/72737304-288-k333384.jpg)
BINABASA MO ANG
The Empire Series 1: Vander Lewis Rushed
RomanceIf there is one thing Vander Lewis regrets that is rushing through life.