Vander Lewis
His secretary had been calling him dahil kailangan na niyang pirmahan ang mga nakabinbing dokumento pero ipinagsawalang bahala na muna niya ito. Itinext kasi ng anak na nasa mall ang mga ito at nagsa-shopping kasama ang mommy nila. He finds it an opportunity to spend time with them. Kahit na may kaunting hang-over pa siya dahil inabot na sila ng mga kapatid hanggang madaling-araw na nag-inuman.
"Hi, nandito pala kayo?" kunwaring gulat na salubong niya habang nasa isang boutique ang mga ito at namimili ng damit. His daughter winked at him. He averted his gaze baka makahalata si Aubrey.
"Obviously," sagot naman ni Aubrey at tumingin-tingin na sa mga damit.
"Great. Samahan ko na kayo." Nakangiti niyang saad rito habang sinusundan niya. Sa ibang direksyon naman naglakad si Desiry. He saw Ayder at the men's section na kumaway lang sa kanya.
"Wala ka bang gagawin sa opisina mo?" tanong nito sa kanya.
"Wala naman. So, I might as well spend this day with you," masaya niyang saad.
"-and the kids," he added nervously. Kinabahan kasi siya dahil tumingin si Aubrey sa kanya nang nakakunot-noo.
Huminga ito ng malalim at tumitig sa kanya ng mataman. His heart skipped a bit.
"You don't have to do this, Vander. My decision is final." Titig na titig ito sa kanya habang nagsasalita. He can't decipher how she feels.
That remark stings big time but he just shrugged it off.
"I know. Sasamahan ko lang naman kayo ng mga bata." Mahina niyang tugon rito.
"For what? So you can use it in court to claim that we are one happy family?" taas-kilay nitong tanong.
Ni hindi iyon pumasok sa isip niya pero malamang ay ito nga ang iisipin nito dahil sa hindi niya pagsang-ayon sa hinihingi nitong annulment.
"Wala 'yan sa isip ko. I just want my kids to experience a day with their parents. Mahirap bang ibigay iyon?" hayag niya para depensahan ang sarili.
"Please do not let them live in your make-believe world, Vander. Huwag mo silang itulad sa akin na minsang nabuhay sa paraisong ipinangako mo na hindi naman nagkatotoo."
He inhaled deeply to calm himself. Ayaw niyang maiyak sa sinabi nito. It took him quite a while thinking how to refute her remark. Sinabi nitong napatawad na siya pero sa pagbitaw nito ng mga kataga nararamdaman niya ang sama ng loob nito.
"It's funny how you say na napatawad mo na ako pero puro naman sama ng loob ang lumalabas sa bibig mo." Saad na lamang niya.
"I have forgiven you, Vander. Ayoko lang na itrato mo ako na parang ako pa rin yung Aubrey na kayang-kaya mong paikutin."
Pinaikot ba talaga niya ito noon? Hindi ba sapat na pinakasalan niya ito noon sa murang edad para ipakita na seryoso siya rito? Siguro nga hindi niya natupad ang pangakong magiging responsable siyang asawa rito.
"I'm sorry, Aub. I was young then. Now, I can show you that all I've promised before is no longer a fantasy. We can be happy again, together."
"Stop it!" Aubrey exclaimed before turning away. Tinawag nito ang mga anak bago lumabas ng boutique. But the Vander that he is didn't just watch the three, sinundan niya ang mga ito.
"Look," inis na bumaling si Aubrey sa kanya. Desiry held her mother's arm.
"Mommy, isama na natin si daddy please." Pakiusap nito. Aubrey looked at her daughter for a moment. Inilipat din nito ang tingin kay Ayder na halatang nakikiusap din.
BINABASA MO ANG
The Empire Series 1: Vander Lewis Rushed
RomanceIf there is one thing Vander Lewis regrets that is rushing through life.