All parents should realize that nothing compares to a happy family. Not even wealth or fame or any material things. -jazlykdat
Aubrey
"Good morning! Gising na!"
She groaned hearing Vander's voice.
"Mommy!"
Iminulat niya ang mga mata. Vander and Dirran are both smiling at her.
"Ang aga pa." reklamo niya sa dalawa nang makita ang oras sa alarm clock. It's only 5AM.
"Picnic tayo, Mommy!" Dirran squealed.
Kaya ang aga ng mga itong mambulabog?
"Maligo ka na, amoy Vander ka." Natatawang saad ng asawa. Akala niya makakatulog siya kaagad kagabi pero humirit pa ito bago sila matulog. Palibhasa wala ang dalawang bata sa tabi nila. Dirran slept at Ayder's room last night while Deshima was at Desiry's room.
"Where are we going?" tanong niya sa asawa nang palabas na sila ng bahay. Ayder's on the passenger's seat. Sa backseat naman silang apat. Kandong niya si Deshima, sa gitna si Dirran at sa tabi nito ay si Desiry.
"Tagaytay" He answered with a smile. Tumingin pa ito mula sa rearview mirror.
"Family outing pala ito." Natatawa niyang komento.
"Yeah family outing," he seconded. He's grinning ear to ear. Napailing na lang siya at napangiti.
"Family outing!" Desiry also repeated.
"Family outing," natatawa ding ulit ni Ayder. Napatingin siya sa mga anak.
"Yes!!! Family!!!" Nagulat siya sa pagsigaw ni Dirran. Sa halip na magulat ang kandong niyang si Deshima ay tumawa pa ito na nakapagpatawa sa kanilang lahat.
"Mga baliw tong mga anak mo." Natatawa niyang baling sa asawa.
"Mana sa 'yo!" natatawa naman nitong balik sa kanya.
"Sa 'yo kaya!"
"Eh di sa akin! Ako na ang baliw sa 'yo!" Vander said laughing. Pinamulahan pa siya.
"OMG, dad! Can't you think of another cheesy line? That' so overused!" Desiry commented teasing.
"RIP Cheesy line." Ayder said laughing.
"Pinagkakaisahan niyo ako? Kung hindi ako baliw sa mommy niyo, wala kayo ngayon." Vander said in defense.
Napatawa siya. She can't believe he's acting childlike in front of his kids.
"Omg, Dad! Pinipilit mo talaga yang cheesy line mo. Si mommy lang natawa sa 'yo." Tudyo pa rin ng dalagang anak.
"It's not a cheesy line. I'm stating a fact." Vander answered. Mukhang nagsisimula na itong mapikon.
"RIP statement of facts." Ayder interjected. Napatawa siya. Pinagkakaisahan talaga ng magkapatid ang pagkantiyaw sa ama nila.
"Huwag na tayong tumuloy kung ganyan kayo ka-kill joy."
Sa halip na tumahimik ay napatawa pa ang dalawa sa pahayag ni Vander.
"Huwag niyo na kasing apihin ang daddy niyo." pagtatanggol niya sa asawa. Mukha kasing napikon na ito ng tuluyan. Hindi na maipinta ang guwapo nitong mukha.
"May kakampi na siya," Ayder muttered to her sister with a laugh.
She saw how Vander smiled.

BINABASA MO ANG
The Empire Series 1: Vander Lewis Rushed
Любовные романыIf there is one thing Vander Lewis regrets that is rushing through life.