Kumapit naman ako sa’tin, hindi ba?
Kailanman hindi ko ginustong bumitiw
Kasi sinabi mo, mahal kita, sobra.
Ngunit ‘sang araw, pag-ibig mo’y nagmaliw.
Umiiyak ako, marahas, marubdob;
Puso’y sumisikdo, dibdib’y nakukubkob.
Di ko matanggap, Di mo pinaliwanag.
Sinabi mo lang, ‘yoko na, pagod na’ko.
Kaya pasensiya ka na, simula ngayon,
Sa pagkakataong ito, ako naman.
Ako na’ng bibitiw, Ako na’ng lalayo.
Dahil sa sinabi mo, Ako na’ng sumuko.
BINABASA MO ANG
Thoughts of a Million Stars
Spiritualrandom thoughts circling through my mind. Maybe it'd come to touch yours.