Hay, alam mo na ba?
Una pa lamang kitang makilala
Puso ko’y totoong bihag mo na.
Hindi maipaliwanag, ni hindi ko matanto.
Puso ko’y nalilito, ba’t ba nagkakagan’to?
Hay, alam mo na ba?
Pinilit kong limutin ka, pinilit na iwasan pa.
Isip ko’y nagtatanong, ‘O, bakit ba?’
Hindi ko mapigilan, ang maiwaglit ka.
Isip ko’y nadadarang, nais na akapin ka.
Lumipas na ang panahon
Magkatabi na tayo, simula pa no’n.
Ikaw at ako, tayong dalawa, mula pa no’ng una.
Palaging magkasama, lungkot man o ligaya.
Pero teka-teka, damdamin ko’y alam mo na ba?
Nagdaan pa’ng maraming taon,
Nasayang na’ng mga pagkakataon.
Natorpe ako’t pag-ibig ko’y, sa lupa nalang ibinaon.
Kaya tuloy prinsesa ko’y, sa iba na nagkanlong.
Ay, tanga, masakit pala? Bulong ko sa hangin, ‘Alam mo na ba?’
Bukas ikakasal ka na, nguni’t bakit lumuluha ka?
Humihikbi habang binibigkas mo pa,
‘Hoy, alam mo ba, mahal kita?
Kaya lamang, heto ako’t ikakasal na sa kanya.
Hindi ko kasi alam kung ako’y mahal mo rin ba.’
Ako’y isang dakilang tanga!
Kung sana’y nagmatapang ako’t hindi na naduwag pa,
Di sin sana’y ako ang lalaking haharap sa kanya;
Tatayo sa dambana, magsasabi at susumpa;
‘Alam mo ba, mahal na mahal kita? Pangako ko, ikaw lang at wala nang iba pa.’
BINABASA MO ANG
Thoughts of a Million Stars
Spiritualrandom thoughts circling through my mind. Maybe it'd come to touch yours.