Ako na sa simula’t simula pa lang,
Maging una’t magwagi ang tanging darang.
Sa eskwela’t maging pampalakasan man,
Iluklok sa pedestal, lubos kong asam.
Ako na maringal; matapang, matatag.
Di maabot, lalong ‘di matibag-tibag.
Saan mang laban makipagsapalaran,
Palagian kong napagtatagumpayan.
Nguni’t ngayon, sa unang pagkakataon;
Hiling kong mahuli’t, sa puso’y maglaon.
Mula sa pagiging una mong pag-ibig,
Nais kong maging habangbuhay mong sandig.
Ako na maginoo’t sadyang matikas,
Umiibig sa’yo ng totoo’t wagas.
Ako na manguna, dasal sa maykapal;
Mithiing maging una’t huli mong mahal.
BINABASA MO ANG
Thoughts of a Million Stars
Duchowerandom thoughts circling through my mind. Maybe it'd come to touch yours.