PRINSIPE MO

14 0 0
                                    

In-love ako, sa pinakamamahal ko.

Walang iba, kung hindi sa prinsesa ko.

Nakakalungkot lang, iba ang gusto mo.

Sana ako nalang, ang s’yang prinsipe mo.

Unang beses palang, nang masilayan ko,

Ningning ng mata mo’t, lamlam ng labi mo;

Tinaga ko sa bato, ika’y gusto ko.

O sa isip ko, nakabao’y mukha mo.

Samo’t dalangin ko, lingunin mo ako.

Isang ngiti mo lang, lulundag puso ko.

Hay, ang prinsesa ko, talagang mahal ko.

Sana’y ako nalang, maging prinsipe mo.

Thoughts of a Million StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon