KALAWAKAN man ay may buwang nakadikit,
Kakabit man ay ang 'di mabilang bituin,
Ang gabi'y mananatiling malamlam at madilim,
Kung ang wangis mo'y palaging sa hangin lang nakapaskil.
Abot tanaw, O abot kamay.
Ikaw sa aking palad, totoong nakahanay.
Ngunit bakit ganito, sa bawat paghakbang ko,
Siya namang paglayo mo, sa piling ko.
Nais kong sumigaw at sayo'y magsumamo,
Pagkakataon sa'yo, tanging hiling ko.
Wag sanang iwasan, 'wag sanang lumayo.
Pagkat mundo ko'y guguho, kung ika'y maglalaho.
BINABASA MO ANG
Thoughts of a Million Stars
Spiritualrandom thoughts circling through my mind. Maybe it'd come to touch yours.