A/N: Kindly play the song of
"Anytime you need a friend by beau sisters"
on youtube. I can't embed the song right here.
__________________
Ano ang kaibigan? Halina't aking ituturan.
ANG KAIBIGAN AY ANG ISANG TAONG, HANDA KANG ILAHAD O IPAKITA YUNG TOTOONG IKAW, IKAW AT IKAW LAMANG, IKAW AT ANG IYONG KABUUAN.
Siya yung taong handa kang ipakita kung sino at ano ka pa. Yung taong handa mong, ilahad yung sarili mo nang walang alinlangang katumbas? Kasi sa kanyang mga mata, ikaw at ang 'yong kaluluwa'y hubo at hubad.
Kailanman siya'y hindi nanghihingi, hindi nagtatanong at lalong hindi maghahangad. Maliban sa ikaw ay maging ikaw lamang.
Sa piling niya, sa wari pa'y isa kang bilanggo, na sa kapagdaka'y nahatulang totoo at wala palang sala. Sa kanya, ika'y hindi magtatago't mag-iimbot! At sa halip ay buong puso mong ihahayag ang iyong mga iniisip, saloobin, nararamdaman, maging ang mga gunam-gunam.
Naiintindihan niya ang likas mong kaibahan, na kung saan ang karamihan; kailanma'y, hindi mauunawaan. Sa halip ika'y patuloy pang huhusgahan, tutuyain, hahamakin at pahihiyain.
Ngunit sa kanya ikay humihinga, naglalakbay, lumilipad; sa kalangita'y tila ibong ngang malaya. Sa isang kaibigan, pwede mong sabihin ang iyong mga kababawan, kalokohan, kabalbalan, inggit, galit, at maging ang walang kabululuhang pag-iisip. At alam mo, sa pagsasabi mo sa kanya 'non, ang lahat ay mawawala't maglalaho. Mawawalang parang bula sa malawak na karagatan ng kanyang malinis at bukal na katapatan.
Nauunawaan ka niya kaya, hindi mo na kailangan bang mag-ingat o matakot sa bawat kaluskos ng iyong paggalaw. Sa totoo nga'y maari mo siyang pagmalupitan, pagsamantalahan o yurakan ang katauhan. Pwede mo rin siyang tikisin, kalimutan, pabayan, at itaboy pero sa kabila ng lahat, nandiyan parin siya. Nakatanaw, nagbabantay at hindi ka iniiwan.
Wala siyang pakialam anuman ang gawin mong pagmamalabis sa kanya, masakit pero hindi siya kailanman magpapatinag kahit pa ipatapon mo siya sa kawalan ng iyong walang kaluluwang panlalapastangan, patuloy siyang mag-aalala, mag-iisip at makikialam.
Para siyang apoy na tulad ng sa phoenix, naglalagablab at hindi namamatay. Nararamdaman mula sa kaibabawan ng balat hanggang sa kanunuknunukan ng iyong buto.
Naiintindihan niya. Nauunawan ka niya.
Sa kanya, maari kang umiyak. Kasama siya maari kang kumanta kahit sa tinig mong hindi mawari ang timpla, sasabay siya huwag ka lamang mapahiya. Sa presensiya niya, maari kang tumawa't isigaw sa mundong maligaya ka. At siyempre, katabi siya, makakaya mong magdasal para humingi ng tawad, magbasalamat ng buong lakas at magmahal ng walang anumang bahid ng kapararakan.
Sa kabila ng lahat - sa kahit na anong paraan, intensyon o anggulo, nakikita niya, nalalaman niya ganoon pa man. . . . .
. . . .
. . . .
MAHAL KA NIYA
MAHAL NA MAHAL KA NIYA.
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KA NIYA.
__________________________________________________________
ANG ISANG KAIBIGAN? ANO NGA BA SIYA? ISA LANG TALAGA ANG KAHULUGAN.
HETO AT UULITIN KO,
ANG KAIBIGAN AY ANG ISANG TAONG, HANDA KANG ILAHAD O IPAKITA YUNG
TOTOONG IKAW,
IKAW AT IKAW LAMANG,
IKAW AT ANG IYONG KABUUAN.
BINABASA MO ANG
Thoughts of a Million Stars
Espiritualrandom thoughts circling through my mind. Maybe it'd come to touch yours.