~Jeric's POV~
~ flashback ~
"Jeric, ang University of Santo Tomas ang pinaka magaling na university sa ralangan ng basketball. Alam mo naman yun. Pangarap mo ito diba?" sabi ni daddy.
Oo, totoo nga na gusto ko at pinangarap ko na mag aral sa University of Santo Tomas. Kaso, bago ko pa makilala si Tiffany. Ako kasi ang tipo ng lalaki na hindi mabilis maka hanap ng gugustuhin na babae, hindi rin ako mabilis mag ka gusto sa isang tao. Hindi ko nga alam ano ginawa sakin ni Tiffany at nag kaka ganito ako sakanya, pati ang sarili kong pangarap handa ako isuko para lang sakanya.
Siya ang first love at first girlfriend ko. Second year high school ako ng maging kami ni Tiffany. At ngayon 2 years na kami. Sa dalawang taon na yon, ako ang pinaka masaya na lalake sa buong mundo. Una, dahil kay Tiffany. Pangalawa, dahil sinupportahan kami ng parents namin, both sides. Pangatlo, tuloy tuloy ang pag improve ko sa basketball.
Napagusapan na naming ang tungkol sa pag babasketball ko at ang kagustuhan ko mag aral sa University of Santo Tomas. Madalas din kami mag talo dahil dito. Sa iba siya na school mag aaral, sa De LaSalle University. Medjo malayo yun sa UST. Ayaw ko naman na siya ang mag sacrifice para lang mag sama kami sa isang university. So ako nalang ang mag sasacrifice.
"Dad. Pano naman si Tiffany? Ayaw ko naman po na siya pa ang mag sacrifice ng pangarap niya. Pangarap niya ang DLSU." Sabi ko naman sa dad ko. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Napagusapan namin to ni dad kasi tumawag ang UST sakanya at kinukuha ako para mag laro sakanila.
"Jeric. Ikaw lang makakasagot niyan. Sinupportahan kita sa lahat ng gusto mo. Kaso, sa mga ganyang decision, ikaw nalang makaksagot niyan, ayaw ko naman sabihin mo na ako ang nag didikta ng dapat mong gawin."
"Dad pag iisipan ko po. Bibigyan po kita ng sagot bukas." Tumayo na ako, senyales na wala na ako sasabihin.
Nakahiga na ako at nagiisip. Tingin ko, siguro dapat ko na rin sundin ang pangarap ko. Si Tiffany na rin naman nag sabi. Baka pag sinabi ko pa sakanya na mas pinili ko mag aral sa Ateneo lalo pa magalit. Kaya tatanggapin ko nalang scholarship ng UST at mag lalaro sa team nila. At alam ko naman na pangarap din ni dad to para sa akin. Dati rin kasing player si dad.
Ayun nga, after ilan months, college na kami. So meaning nun, hindi ko na makikita lagi si Tiffany. Pero, lagi ko naman siya pupuntahan sa DLSU nag promise ako sakanya.
After 2 years...
Nag hiwalay kami ni Tiffany nun second year college kami. Nalaman ko nalang kasi, na meron pala siyang ine-entertain na guy sa isa sa class niya. Hindi ko alam dapat kong isipin. Nun nalaman ko yun, parang nag blanko utak ko. Hindi ko maisip na magagwa niya sakin yun. Ang masaklap pa dun, kalaban ko rin sa basketball ang lalaking yun. Si Arnold Van Opstal!
Pano ko nalaman???
Mag kasama kami ni Tiff para mag dinner sa Katipunan. May nag message sa phone niya, ako kasi nag dadala ng bag niya kapag umaalis kami, at wala lang samin yun mangealam ng phones ng isa't isa. Eh nasa cr siya ngayon kaya binasa ko na.
Text message:
From: Arnold Van Opstal
See you later, babe.
Napa what the f*** ako dun ah. Una, nagulat ako na nag text si Arnold sakanya. At lalo ng ako nagulat na may "BABE" pa! Na curious ako, so binasa ko na yun conversation. At eto pa! May picture pa sa contact niya, PICTURE NILANG DALAWA.
Conversation with Arnold Van Opstal:
Arnold: You gonna tell him later?
Tiff: Yeah. I should. It's already been a long time since we've been dating behind his back.
Side comment muna: This is sh*t! I can't believe this!!
Arnold: Yeah. I felt sorry for him though. Anyway, thank you, babe. Take care, okay? Love you.
Tiff: Okay, baby! See you later. Love you too.
Ng mabasa ko yun. Nakatunganga nalang ako dun na parang wala na sa sarili. Naiiyak ako sa galit. Gusto kong manuntok! Ng matanaw ko na paparating na si Tiff, linagay ko agad yun cellphone niya sa bag niya at nag pretend na walang nangyari.
"Oh, bakit parang naka kita ka jan ng multo?" sabi ni Tiff. Winewave niya kamay niya sa harap ng mukha ko. Di ko namalayan na naka tunganga ako dun tulala.
"Wala. Kailangan ko na pala bumalik sa dorm ngayon. May importante lang kailangan ayusin." Sabi ko sakanya. Hindi ko to kakayanin. Kapag nag tagal lang kami mag kasama lalo lang ako magagalit. Tatapusin ko na rin to.
"Ah. Ganun ba? Hindi ba muna tayo kakain? Andito na tayo oh."
"Sorry. Kailangan na eh. Gusto mo ikaw nalang muna mag order? Mauuna na ako." Naiinis na ako. Mahal ko siya. Sobrang mahal kaya nahihirapan ako.
"Ah. Hindi hindi. Okay lang. Okay ka lang ba?" tanong niya sakin, at kumapit siya sa arm ko. Inalis ko ang arm ko sa pag kaka kapit niya na lalo niyang ikinataka.
"Oo." Maikli kong sagot.
Pinag buksan ko na siya ng pinto sa car, at pag sakay niya, sumakay na rin ako at nag drive nalang.
After ilan minutes, walang nag sasalita, mukhang hindi niya itutuloy ang pag sabi sakin. Well, uunahan ko nalang siya.
"Tiff, mag hiwalay na tayo. Hindi ko na kaya. Wag ka na mag salita. Nabasa ko lang naman conversation niyo ni Van Opstal. Alam mo ano ang masakit, yun nakikipag date ka ng tayo pa. Sana man lang kung may gusto ka ng iba, nag sabi ka hindi yun nanloko ka pa!" nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha ko sa mata, pinigilan ko ito. Ayaw ko mag mukhang mahina. Lalo na sa harap ng mahal ko na linoko ako.
"Sorry, Jeric. Pero.." hindi ko na siya pinatapos mag explain. Alam ko lang rin naman ang sasabihin niya. Na, wala ako lagi sa tabi niya, kulang oras ko sakanya, malayo kami sa isa't isa. Pareho kaming busy. Hindi nag tutugma schedule namin. Tapos ako pa madalas ang sinisisi niya.
"Please. Wag ka nalang mag salita."
Nakarating na kami sa dorm niya. "lumabas ka na. Kaya mo naman na siguro mag isa mag bukas ng pinto."
Sorry Tiff kung ganito na ako. Dahil din naman sayo kaya ako nagiging ganito. Masakit. Masakit ang ginawa mo. Sana ma realize mo yun at sana, maramdaman mo rin balang araw ang nararamdaman ko ngayon.
Binuksan niya na ang pinto at lumabas ng naka tungo. At bago niya isara ang pinto ng kotse, sabi niya, "Sorry Jeric. Thank you sa lahat."
Sa sinabi niyang iyon, lalo nag sikip dibdib ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Pina andar ko na kotse at inilayo ito kung saan natatanaw ko pa ang condo niya, at tinabi ito sa isang gas station. Pinagpapalo ko ang manibela sa sobrang galit ko. Humagolgol ako ng iyak habang naaalala ko ang usapan nila na nabasa ko. Bakit kailangan pa tong mangyari? Siya lang ang minahal ko ng ganito.
Ang daming babae na lumalapit saakin, nag mamaka awa na sila ang mahalin ko at maging girl ko. Mas maganda, sexy at matalino pa kaysa kay Tiff, kaso ni isa sakanila wala ako inentertain dahil isa lang ang nakikita kong perfect na babae, si Tiff. Kaso ang perfect na babaeng yun ang dumurog sa puso ko, at nag pakita sakin kung ano ang mga babae.
Ganito ata ang mga babae, kapag sawa na sayo, mag hahanap ng iba at iiwan ka nila, lolokohin ka nila na para kang bata na walang ka muwang-muwang sa mundo. Pag mumukha ka pang tanga. Pareparehas lang kayo.
~ end of Jeric's past ~
Nasa gilid ang itsura ng gag*ng Van Opstal na yan oh!! Sino mas gwapo samin?? >:(( </3
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanficAno nga ba usually ang type ng isang gwapo, sikat at habulin ng babae na UAAP Player? O ready na nga ba siya sa love o bitter pa rin siya kay bruhang ex? Ano nga ba ang type ng isang typical chinese na babae at para sakanya isa lang ang lalaki s...