~Jade's POV~
"Excited ka na ba pumasok, shobe?" Tanong ni mommy habang nag dra-drive. Shobe pala tawag nila sakin kasi ang shobe sa chinese (fukien) is little sister. ^^
Hindi ko naman alam ang isasagot ko kasi sa totoo ayaw kong pumasok, gusto ko magtago sa ilalim ng kumot ko at matulog ng buong araw. Unang araw ngayon ng pag pasok ko sa college. Hindi ko talaga alam ano ang gagawin ko kasi hindi ko naman alam ano ang meron sa college. Lalo na at iba ibang tao na ang makikilala mo.
"Sakto lang naman po." I lied.
"Mag ingat ka ha? Tawagan mo ako agad kung magpapasundo ka na or kung may kailangan ka." Bilin ni mama.
"Opo." Sagot ko naman.
Malapit na kami sa gate. Habang papalapit ng papalapit nakakaramdam na ako ng matinding kaba. Hindi naman ito maiiwasan diba? Papasok ka ba naman ng school ng walang kilala. Except syempre sa close friend ko na si Anne. Simula fourth year nagging sobrang close kami sa isa't isa na hanggat pati ang college na papasukan naming ay magkapareho. Sa University of Santo Tomas kami nag college. Ito ang isa sa pinaka maganda na university sa Pilipinas. Naramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone sa bulsa, ng binuksan ko ito si Anne pala ang nag text.
Anne: Asan ka na? Andito na ako sa tapat ng building. Pag naka harap ka sa building andito ako sa left side. Dalian mo ah. :*
Hindi ko na siya nireplyan at bumaba na ako ng car at nag paalam kay mommy. Tinawagan ko si Anne para mas mabilis ko siyang mahanap. Ayaw ko ng nag iisa lalo na sa lugar na wala akong kakilakilala.
Sinagot na ni Anne... PHONE CONVERSATION
Anne: Hello?
Ako: Ui, asan ka? Medjo malapit na ako sa building.
Anne: Dito ako sa may gilid, pag naka harap ka sa building, nasa may left side ako. Dalian mo.
Ako: Osige. Nakikita na kita. (Binaba ko na rin yun call)
END OF CONVERSATION
Nung nag kita na kami, nag hug kami. Namiss ko rin si Anne kasi more than one month kami hindi nagkita dahil nag punta siya sa province nila. Samantalang ako nasa bahay lang.
"Ui. Namiss kita!" sabi niya, habang nakayakap siya.
"Namiss rin kita. Kamusta ka na?" bumitaw na ako sa yakap at tiningnan ko siya maigi. Si Anne ay mapayat lang na babae pero maganda at maputi. Napansin ko na nag bago ang buhok niya kasi nag pa kulot siya. "Bagay sayo ang hair mo." Puri ko sakanya.
"Aw. Salamat! Kamusta bakasyon mo?" Tanung niya sakin.
"Okay naman. Medjo boring nga lang kasi nasa bahay lang ako."
"Sabi ko naman sayo sumama ka nalang sana samin. Pinapasama ka naman ni lola eh. Kaso ayaw mo naman"
"Hindi na. Okay lang yun. Ito talaga. Ano nga pala oras ang simula ng class mo?" Tanung ko sakanya.
"Maya maya. Medjo maaga pa naman." Sagot naman niya. Ng tumingin ako sa watch ko 6:30 pa lang pala. Napaka aga ko ata. 7:30 pa start ng class ko. Kung sabagay, ayaw na ayaw ko kasi ang na le-late.
Tumingin tingin muna ako sa paligid ko. Ang daming tao pala dito. Hindi pa kasi binubuksan yun gate sa building namin. Mamaya pa daw 7am. Sa isang gilid may limang matatangkad na lalaki at isang di katangkaran na lalaki. May mga itsura sila, at maraming lumalapit na babae sakanila at nag papapicture. Nag tanung naman ako kay Anne kung kilala niya ang mga yun.
"Oo naman kilala ko sila. Sila kaya ang mga basketball players dito sa UST. Di mo sia kilala?" balik na tanung niya.
"Hindi eh. Syempre di naman kita tatanungin kung kilala ko diba?" Pilosopo kong sagot. Hahaha.
"Loka ka. Di ka pa rin nag babago. Haha. Bakit mo natanung? May type ka ba sa mga yan?" Tanung niya ulit sakin.
"Wala ah. Agad agad dapat may type pag nag tanung?" sagot ko sakanya habang tumatawa ako.
Pero sa totoo, yun isang lalaki na hindi katangkaran, ang attractive niya. Muscular siya, may magandang labi at mata, may medjo makapal na kilay. Sakanya halos nag pupunta ang mga babae. Yun isang matangkad naman, napakatangos ng ilong at singkit. Chinese ata. Yun iba hindi ko na napansin kasi binuksan na ang gate at nagpasukan na rin ang mga tao. Nawala na rin sila pag llingon ko.
Nag paalam na si Anne na hahanapin niya muna yun room niya. Naiwan nanaman akong mag isa. Hate ko ganitong feeling. Parang bang wala akong kaibigan. Naisip ko, imbis na kung ano ano iniisip ko, maghanap nalang din ako ng room ko para may makilala na ako. Kinuha ko ang registration form ko sa bagpack ko para tingnan anong room ako. Pag tingin ko, 211 pala ang aking room kaya nag start na ako mag hanap. Umakyat akong second floor at nag turn left, nakita ko na ang room ko, sa pinakadulo. Malapit sa CR. Pumasok na ako agad para makakuha ng magandang pwesto. After ng ilang minute nag si pasukan na rin ang mga iba kong kaklase. Ang dami pala nilang magagnda. At napansin ko rin na pumasok yun isang lalaking matangkad na player daw sabi ni Anne. Pag pasok nun lalaking matangkad, lahat ng mga babaeng nakaupo nag si ayos ng upo sa kanikanilang pwesto. Ang bakante nalang na upuan ay sa tabi ko at sa isa pang dulo sa right side. Alam kong tatabi siya sa akin kasi dun ang punta niya, panget nga naman kasi ang pwesto dun sa isang dulo. Lahat ng mga babae nakatingin lang sa lalaking ito. Pag upo niya nilagay lang niya ang bag niya sa gilid ng upuan at umupo na siya ng maayos.
"Hi. Ano po pala ang first subject ngayon?" mahinang tanong sakin ng lalaking matangkad.
"Psychology po." Mahina ko ri'ng sagot.
"Clark po pala" pakilala niya sakin habang naka extend kamay niya para makipag shake hands.
"Jade po." Shinake ko nalang ang hands niya. Nakakahiya naman kung dinedma ko to. Lahat ng classmates naming nakatingin lang. Nag smile si Clark sakin saglit at nanahimik na rin. Nag lagay siya ng earphones sa tenga at nakinig nalang.
Hmm. Ano kaya pwedeng gawin? 7:15 pa lang. Napaka tagal ng oras. Wala rin naman kumakausap sakin. Nag labas nalang ako ng drawing pad ko at nag drawing ng kung ano ano. Mahilig ako mag drawing. Siguro after 5 minutes yun kinalabit ako ulit ni Clark at nag tanung.
"Ano oras na?" tanung niya. Wala ba siyang sariling watch? Kailangan pa mag tanung sakin?
"7:25 na po." Sagot din naman ako. Ang rude kasi pag nag taray pa ako. Hindi kasi ako yung babae na porket may gwapo kikiligin agad pag pinansin. Parang wala lang sakin. Syempre sa mga nagging crush ko oo. Hindi maiiwasan yun, syempre.
"Salamat." Ngumiti ulit siya at tumingin na sa harap. Si Clark, matangkad, maputi, chubby yun cheeks niya at mabango. Hahaha. Kailangan pati amoy? Pero totoo, ang bango niya.
Dumating nay un prof namin, tinago ko na rin yun drawing pad ko pati pencil ko at nakinig sa sinasabi ng prof.
"We wil not begin our formal class today. I will just give the course syllabus so you will know what topics we will going to tackle." Sabi ng prof. Babae ang prof namin dito. Hindi naman gaanong matanda at hindi rin masyadong bata. Pinapapasa niya ang mga papel. Sana naman maging okay tong prof na to saamin.
"Grab your own copies. Keep it. There's nothing much about requirements. So, this is it? I will leave you now. Thanks for your cooperation. See you next meeting." Paliwanag ng prof.
Yun na yon? Nag bigay ng papel at umalis na? Wow ah. Nang tiningnan ko yun papel ko nakita ko dun yun mga topics na mga pag aaralan namin pati na kung kailan namin ito ididiscuss. Nakita kong tumayo na si Clark at dala niya ang mga gamit niya. Nagtaka ako. Uwian na ba? Diba hanggang 11 pa kami?
"Clark? Pwede na bang umuwi?" tanung ko sakanya.
"Ah. Hindi pa. Haha. Irregular niyo lang ako dito. May 4 subjects lang ang kinuha ko dito." Paliwanag niya sakin.
"Ah. Ganun po ba? Salamat." Napahiya ako dun ah. Hahaha. Minsan talaga napaka tanga ko.
"Hello!" bati sakin ng isang babae, medjo katangkaran siya at medjo maputi. Nagulat ako.
"Hi!" bati ko rin naman sakanya.
"Pano mo nakilala si Clark Bautista?" tanung niya sakin.
"Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang siya nakausap. Katabi ko lang po siya." Sagot ko.
"Ah ganun ba? Sayang. Gwapo niya noh?" tanung niya sakin habang kinikilig. Ano ba meron sa mga yon at gustong gusto sila ng mga babae?
"Ahhh. Oo nga eh." Nag agree nalang ako. Baka masabihan pa akong weirdo samantalang sila gwapong gwapo. Kanina ko pa kasi nakikitang nakatingin sila kay Clark, at pag labas ni Clark nag hiyawan naman ang mga iba sa labas. Since, malapit lang naman ako sa may pinto at marami pang oras, lumabas muna ako at tiningnan ko bakit parang ang daming sumisigaw sa labas. Nakita ko ulit yun limang lalaki at yun isang attractive na lalaki, yun mga nakita ko kanina sa labas ng gate. Ngayon ko lang napansin na magkaiba pala ang uniform nila kaysa saamin. Daming nagpapapicture sakanila. Ganun ba talaga ka big deal ang basketball ngayon sa college, maski ang mga first year na ka batch ko nakikipag picture din. Nag CR nalang ako kaysa maki sali sakanila. Ang init init kaya.
After ko mag CR, andun pa rin sila sa corridor, madami pa rin nagpapapicture. Ano ba yan, parang ngayon lang sila nakakita ng mga matatangkad at may mga may itsurang lalaki. Nakita ko si Clark sa may loob ng faculty room. Baka hinihintay nila si Clark kaya di pa sila umaalis? Hmm. Umupo nalang ako sa upuan malapit sa room at nag text kay Anne.
SMS To: Anne
Ui! Grabe, andito yun mga basketball player na sinasabi mo kanina, yun nakita natin? Isa sakanila kaklase ko, katabi ko pa. Daming nag papapicture. Kala mo naman mga artista. HAHAHA. Kamusta class?
Habang nag aantay ng reply ni Anne, nag tingin tingin lang muna ako sa paligid ng makita ko si Clark palabas ng faculty room, papalapit na siya sa lima pang lalaki. Ng makita niya ako nag smile siya sakin at nag wave. Edi etong mga babae naman nagsitinginan saakin ng masama. Ano nanaman ginawa ko? Nag smile nalang din ako kay Clark at nag wave back. Napatingin din yun limang lalaki samin.
OKAY. AWKWARD! Pumasok na ako bago ako maabutan ng susund na prof. Grabe naman tong araw na to. Kakaiba pala dito sa college.
Ng pumasok na ang prof sa pangatlong subject, hindi rin siya nag turo, nag bigay lang din ng syllabus. Haaaay. Wala na ngang pangalawang prof tapos eto nanaman, mag bibigay nanaman ng papel tapos aalis na. Nakaka antok naman. Napaka tagal tumakbo ng oras.
Nag vibrate phone ko sa bulsa, tiningnan ko, si Anne.
SMS From: Anne
Ui. Weh katabi mo? Ano pangalan? Nakakainggit ka girl!! Ganyan talaga. Mga sikat yan, malamang magpapapicture diba? HAHAHAHAHA. Okay naman. Eto, nagtuturo ang prof. Eh class mo naman kamusta?
Reply to: Anne
Clark Bautista ba yon? Pag alis na pag alis niya may lumapit agad na babae sakin eh at nabanggit pangalan niya. Haha. Kaloka naman, iisang school lang araw araw naman makikita papapicture pa. Haha. Eto, bigay lang sila ng papel tapos alis. Wala kaming prof sa second subject eh.
Ang boring talaga. Wala pang makausap. Lahat sila may kanya kanya ng group. Ako parang loner sa gilid walang kausap.
30 minutes na nakalipas wala pa rin yun prof namin para sa huling subject. Nag aalisan na mga kaklase ko. So tumayo na rin ako at nag ligpit ng gamit. Tinawagan ko si Anne kasi ang alam ko same kami ng schedule, so baka pwede kami sabay umuwi.
Sa pangatlong ring niya sinagot.
PHONE CONVERSATION WITH ANNE...
Anne: Hello?
Me: Ui. Diba same sched tayo? Uwian na namin. Tara sabay na tayo.
Anne: DI ako pwede ngayon, may mga gagawin pa kasi ako. Sorry. Bawi ako sayo.
Me: Aw sige na nga. Ingat!
END OF PHONE CONVERSATION...
Habang nag lalakad sa may hallway, napansin kong medjo wala masyadong tao. Siguro kasi masyadong maaga kami nag si-uwian. Nakita ko nanaman yun anim na lalaki. Kasama na si Clark.
Dumaredaretso nalang ako sa pag lalakad ng nakabow yun head ko, baka kasi mag 'hi' nanaman si Clark. Nakakahiya puro lalaki sila. Mahiyain talaga ako pag dating sa mga lalaki. Kasi ang mga lalaki naman mahilig lang sila mag judge ng tao. At medjo nakaka conscious kasi hindi ako maganda at medjo chubby pa ako. Kaso hindi ko si Clark naiwasan, kasi nun naglalakad sila papunta sa nilalakaran ko biglang naka harang yun isa niyang kasama so hindi ako maka abante, tumango ako, ayun nakita ako ni Clark.
"Jade! Uwian niyo na?" tawag sakin ni Clark at nag tanung.
"Ah. Oo. Hindi na dumating yun last namin na prof." paliwanag ko naman sakanya. Lahat ng kasama niya nakatingin sakin. Grabe. And awkward naman ng ganito. Pati yun lalaking attractive. Buti wala masyadong tao dito.
"Ah. Ganun ba? Uuwi ka na?" tanung niya ulit. Bakit ba napaka kulit? Daming tanong!
"Hindi pa. Mag aantay pa ako."
"Cge. Nga pala, mga team mates ko. Jeric Foruna, Aljon, Ron, Jeric Teng at si Paulo." Isa isa niyang pinakilala sakin yun mga ka team mate niya. And so? Kailangan talaga ipakilala?
Nag nod nalang ako sakanila.
"Eto naman si Jade. Seat mate ko sa isang class ko." Pakilala niya sakin sakaniila. Hmm. So si Jeric Fortuna pala yun attractive guy? Hahaha. Isa isa silang nag 'hi' sakin.
"Sige una na po ako mga kuya." Ngumiti naman ako at nag paalam.
"Cge. Ingat." Sigaw nila. Habang papalayo.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanfictionAno nga ba usually ang type ng isang gwapo, sikat at habulin ng babae na UAAP Player? O ready na nga ba siya sa love o bitter pa rin siya kay bruhang ex? Ano nga ba ang type ng isang typical chinese na babae at para sakanya isa lang ang lalaki s...