~Jake's POV~
Sabay kami ni Jade pumasok ng bahay. Pag pasok namin andun si mommy, si Jade agad ang
binati. Wow. Mas gusto pa talaga niya si Jade kaysa sakin?
“Bakit mas mukhang masaya si mommy na nakikita ka kaysa sakin?” tanung ko kay Jade.
Binelatan niya ako at sinabing, “Ganun talaga eh. Mas cute daw kasi ako sayo.” Tumawa siya
ng malakas.
“Alam ko naman na cute ka eh.” Hinawakan ko gamit dalawang kamay ko yun magkabilang
cheeks niya and nag smile. Bakit ganito nararamdaman ko? Ano ba meron? Nag simula
akong ganito kay Jade last week bago mag pasukan yun nasa Boracay kami at siya ang
pinagkwekwentohan namin ni Caleb lagi at napaka bait ni Jade sakin, siya parati
nahihingan ko ng advice sa babae. HAHAHA. Mahal na mahal ni Caleb kapatid niya higit pa
sa buhay niya. At, nun nakita ko si Jade nun pag uwi namin galing Boracay iba nalang
naramdaman ko sakanya. Ang ganda ganda niya.
Dumating na si Caleb at kumain na kami. Pag tapos kumain, umakyat kami sa room kasi
may kailangan kaming gawin ni Caleb na assignments. Humiga agad si Jade sa kama ko at
nakatulog. Mukhang pagod na pagod siya. Malamig sa room ko kasi nakabukas ang aircon
kaya kinumutan ko siya.
“Jake, ano ba nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati kay Jade. Alam kong mabait ka
sakanya pero hindi ko pa nakita na inakbayan mo siya katulad kanina, pinasakay mo muna
siya sa kotse bago ka sumakay, nakahawak ka sa mukha niya at mukha kang seryoso, at
ngayon kinukumutan mo? Pre, ano nangyayari?” daming tanong nito ni Caleb. Pero hindi ko
rin alam pano ko sasagutin. Ngumiti ako sakanya.
“Pre, wala. Masama na ba maging mabait sa sister ng bestfriend ko?” tanong ko sakanya.
Hindi ko alam ano nararamdaman ko. “Tara na nga gawin na natin dapat gawin para
makapag pahinga na tayo lahat.”
Gumawa na kami ng assignments namin. Hindi ko namalayan na 6pm na pala.
“Pre, late na pala. May pasok pa yan si Jade bukas ng maaga. Tayo rin.” Sinabi ko kay Caleb.
“Oo nga eh. Okay lang yan. Tulog pa naman si Jade. Gisingin ko maya maya pag tapos na
tayo.”
“Ngayon mo na kaya gisingin para hindi na siya mabitin.”
“Ano ba meron, Jake? Weird mo ah.” Nagtataka niyang sinabi.
“Wala naman.” Tumayo na ako at nag cr.
Pag balik ko sa kwarto gising na si Jade at nag liligpit na rin si Caleb.
“Oh, aalis na kayo? Dito na kayo mag dinner.” Aya ko sakanila. Actually ayaw ko pa umalis si
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanfictionAno nga ba usually ang type ng isang gwapo, sikat at habulin ng babae na UAAP Player? O ready na nga ba siya sa love o bitter pa rin siya kay bruhang ex? Ano nga ba ang type ng isang typical chinese na babae at para sakanya isa lang ang lalaki s...