~Jeric's POV~
Ang weird naman. Bakit si Teng at si Clark lang ang tinext ni Lo. Hindi naman magkaka klase yun. So ano pag uusapan nila. Kung about sa practice or sa team diba dapat kasama ako?
"Ewan ko eh. Basta sinabi sa text Teng din daw. Una na kami ah. Bye! Bye, Jade." Naglalakad na palayo si Clark at Teng pero naka tingin pa rin samin habang kumakaway, at kumindat sakin.
WTF? Seriously? Ano nanaman iniisip nun? Siguro gumawa nanaman ng storya yun. Kasi alam na ni Clark, yun medjo naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko kay Jade. Sana, wag muna niya sabihin sa iba.
Di pa naman ako sure. Baka nabaitan lang ako, baka kasi ngayon lang ako ulit naka kausap ng babae? Baka kasi... ay ewan! X____X
"Alis na agad sila?" sabi ni Jade tapos sumimangot at bumagsak ang balikat. Nag tetext kasi siya kanina nun nag paalam sila.
"Oo nga eh. Ewan ko nga eh. Dapat sabay sabay na rin kakain sana." Bakit ang lungkot nito? Si Tata or Teng kaya type niya?
"Di ka pa ba kumakain? Samahan na kita. Kasabay ko kasi si ahya kakain eh." -Jade
"Di na noh. Mamaya nalang ako kakain. Gusto mo tour nalang kita sa UST? Since medjo mahaba pa naman time bago uwian ng ahya mo. Haha. When ba Freshman tour niyo?" tama, tama. Itotour ko nalang nga siya. Sakto freshman siya.
"Sure ka? Di ka pa gutom? Uhm. Di ko rin alam kung kailan eh. Wala pa sinasabi. Sige! Tour nalang! Medjo naguguluhan pa rin talaga ako sa mga lugar dito eh." sumaya na siya at parang bata na nabigyan ng candy. Hahaha.
30 minutes nalang bago mag 8pm.. Bago umalis si Jade.
Since malapit pa rin kami sa Q.Pav. Nasa may carpark kami..
"Ayan. Since andito tayo sa carpark, libutin kita. Andito yun mga iba ibang kainan. May Bon Chon, may KFC at marami jan. Sa Green Box kami madalas kumakain kasi libre kami mga players dito. Dito sa building ng carpark, andito rin ang faculty ng Accountancy. Nasa taas pa sila." Sinasabi ko yan mga yan sakanya habang naglalakad at tinuturo isa isa ang mga andun.
Since gabi na rin naman, wala na masyadong tao dito kaya wala na masyado lumalapit samin. Buti nalang, kasi dito usually ang pinaka madaming babae na nag aabang samin. (hindi naman sa nag mamayabang pero totoo. Hahaha) Sa Green Box kasi kami madalas kumakain ng players, eh alam nila so dun nag aabang.
"Wow. Swerte naman ng mga taga Accountancy at puro pagkain sila dito." Nag sasalita siya habang tumitingin tingin sa mga kainan habang naglalakad.
"Parang ayaw ko na kumain ng rice for dinner, bili lang ako dito sandali." Binuksan ko yun pinto ng Cerealicious tapos pinauna ko siya pumasok. Dumaretso ako sa may counter at nag order.
Di ko na siya pinag salita at tinanong kung anong gusto niya or kung gusto ba niya. Naaalala niyo naman gano kakulit itong babaeng to pag dating sa panlilibre. -_____- Kaya inorder ko nalang yun dalawang paborito kong flavor.
"Miss, isang Nutting Hill and Oreo+Juliet po." Nag labas na rin ako ng pera at nag bayad.
"Sige sir. Eto po change niyo." Binigay na sakin sukli ko at bumalik na ako kay Jade.
"Bakit yan lang kakainin mo? Cereal lang?" tanong ni Jade.
"Oo. Eh medjo busog pa ako eh. Tsaka super sarap dito. Wala na rin naman ako makakasabay kumain kaya tinamad na rin ako."
"Sabi ko naman sayo na sasamahan kita eh. Baka magutom ka lang niyan mamaya. Hahaha. Ang tatakaw niyo pa naman." Tapos tawa siya ng tawa.
"Grabe. Sila lang matakaw. Hahaha. Joke. Eh syempre pagod kami nun noh. Nag tre-training kaya kami." Palusot ko naman. Eh sa hindi talaga ako nagugutom ngayon. Promise. Hahaha. Eh, nag training pa kami kanina niyan ah!
"Sus. Sige pa. Mag palusot ka pa!" -Jade
"Excuse me sir. Eto na po order niyo." Sabi ni ate.
Kinuha ko na yun order ko. Tapos ang binigay ko kay Jade is yung Oreo+Juliet.
"Ano yan?" tanong ni Jade. Pero kita ko sa mata niya na gusto niya. Hahaha.
"Cereal? Sayo yan. Kasi baka awayin mo nanaman ako kapag sinabi kong bibilhan kita." binigay ko yun kutsara sakanya. Inabot naman niya.
"HAHAHAHA. OMG!!! Stick-o plus oreo!! Pano mo nalaman! Dalawang paborito ko!!" sigaw niya. Tapos nakatitig lang siya dun sa order at parang kumikinang ang mata.
"Baka matunaw naman yan kakatitig mo? Kainin mo na." sabi ko sakanya.
Natutuwa ako sa itsura niya. Para siyang bata eh. Haha. Take note, iba ang natutuwa sa natatawa. Okay? Hahahha.
"Huhu. Super thank you Jeric! Super love ko to!" tapos nag start na niya kainin.
Ako naman nakatingin lang din sakanya habang onti onting sumusubo. Naapangiti rin ako. Eh kasi naman. Grabe, halatang gustong gusto nga niya. Eh 5 minutes pa lang nangalahati na eh!
"Sorry ah. Clumsy ko ba kumain? Eh ang sarap eh!" subo ulit siya.
"Hahaha. Hindi ah. Nakakatuwa ka nga panuorin kumain eh."
"Ha?" -Jade.
"Wala. Sabi ko kain ka lang."
"Hahaha. Okay. Kain ka na rin!" tuloy tuloy na siya sumubo hangang sa maubos na. "Ang sarap talaga."
"Buti naman at nasarapan ka." Tapos inubos ko na rin yung akin.
"How much yun? Bayaran kita. Kahiya kasi eh" -Jade, linabas na wallet niya.
"Di naman kita tinanung kung gusto mo diba? Ako kusa bumili para sayo. So hindi mo dapat bayaran yun. Okay?"
"Sige na nga. Kaso eto na rin last time na gagawin mo yun ah. Nakakahiya kasi kapag nililibre ako eh. Hehe. Pero super thank you talaga kasi ang sarapsarap!!" Hindi pa ata to nakaka get over. Hahaha.
Nakakatuwa talaga, kasi yun inorder ko nagustuhan niya.
Lumabas na kami, pumunta na kami sa may Plaza Mayor. Ang Plaza Mayor, parang malaking space siya sa tapat ng Main Building. Dumaretso na kami dun since malapit na mag uwian kuya niya. Umupo nalang kami dun sa upuan.
*Nasa gilid yun picture na inorder ni Fortuna. ^^ Saraaaap!!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanfictionAno nga ba usually ang type ng isang gwapo, sikat at habulin ng babae na UAAP Player? O ready na nga ba siya sa love o bitter pa rin siya kay bruhang ex? Ano nga ba ang type ng isang typical chinese na babae at para sakanya isa lang ang lalaki s...