~Flashback 10 years ago (Jade is 7 years old then)~
JADE’S POV
Gabi yun ng pag tapos namin kumain ng dinner...
Nasa kwarto na sila mommy and daddy nun. Kami ni ahya same room kami since ayaw namin ng magkahiwalay kami ng room. Nasa tabi ng room namin ang room nila mommy.
May narinig kaming nabasag mula sa room nila mommy. Nagulat kami pareho ni ahya at nag katinginan kami. At maya maya naririnig na namin ang sigawan nila mommy and daddy.
Lately, napapansin namin ni ahya kasi na madalas na sila nag aaway ni mommy. And, sure kami na hindi yun about sa business. Ewan namin. Pero ganon.
May kumalabog nanaman! At narinig na namin sila lumabas ng kwarto kaya lumabas na rin kami. Alam namin na maling makisali kami sa away nila. Si ahya naman hinila ako sa likod niya. Parang prinoprotektahan ako. Kasi si daddy minsan kapag galit hindi niya napipigilan ang mga nagagawa niya.
Nakita kong may dalang maleta si daddy.
“Pano na ang mga bata? Aalis ka nalang ng ganun ganun nalang dahil sa babae mo? At dyan sa anak niyo? Ha?! Sumagot ka!” tanong ni mommy habang umiiyak. Naka kapit siya sa arms ni dad at nag mamaka awang wag umalis.
“Bitawan mo ako pwede ba? sigaw sakanya ni dad.
What?! May babae at ibang anak si dad? Ano ba nangyayari? Tumakbo ako kay dad, at hinabol ako ni ahya.
“Dad! Wag ka alis! Hindi pwede.” Umiiyak na ako. Sabay kapit ko sa braso ni dad. Si ahya naman linalayo ako. Nakahawak siya sa chan ko at tuloy na hinhila para bitawan si dad.
“Baby. Hindi na pwede. Ayaw ko na. Di bale, kapag may time naman ako pupuntahan kita eh.” Inalis niya kamay ko sa braso niya. Lumuhod siya sa harap ko at pinunasan ang luha ko. At tumayo na rin at patuloy na lumayo.
Hindi ko talaga kaya to. Kaya tumakbo pa rin ako, at tuloy tuloy na hinabol si dad papa labas ng bahay. Nasa gitna na kami ng street ng subdivision. Hinahabol ako ni ahya at sumisigaw na tumigil na ako. Si dad patuloy na lumalayo, sabay habol ko pa rin. Hanggang sa...
“Jaaaadeeee!!! Takboooo!” sigaw ni mommy. Nasa likod ko siya, kasabay si ahya, pero malayo layo pa sila.
*booogsh!!
Wala na akong naramdaman at naalala after ng sigaw nila. Hindi ko na rin nahabol at di ko na alam ano nangyari kay dad.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CALEB’S POV (9 years old Caleb)
“Shooobeee!” sumigaw ako, ginamit ko ang pinaka malakas kong boses. Tumakbo ng mabilis na mabilis... kaso hindi ko na naabutan.
Tumilapon at kitang kita ko kung paano nauntog si Jade sa gutter. Tumakbo ako ng mabilis pa para mapuntahan siya.
Naka dapa si Jade at nakaharap ang ulo niya sa left side. Inayos ko ang pwesto niya at inilagay ang duguang ulo niya sa lap ko. Sinubukan ko siyang tawagin kaso hindi na siya gumagalaw, dugo ng dugo ang ulo niya.
Andito na rin si mommy. Iyak ng iyak. Dinahan dahan ko ilipat ang ulo ni Jade kay mommy para humingi ng tulong kaynila Manong Ed (driver namin). Tumakbo ako papaloob sa driver’s quarter sa likod ng bahay at sigaw ng sigaw.
“Manong Ed! *sniff *sniff tulong po! Si Jade na accidente!” sigaw ko. At ayun, nakita kong lumabas si Manong Ed na nag mamadali. “tara na po! Pakistart po ang car.”
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Fiksi PenggemarAno nga ba usually ang type ng isang gwapo, sikat at habulin ng babae na UAAP Player? O ready na nga ba siya sa love o bitter pa rin siya kay bruhang ex? Ano nga ba ang type ng isang typical chinese na babae at para sakanya isa lang ang lalaki s...