~Jade's POV~
Sabay kaming nag lakad ni Jeric papunta sa gate 3 ng UST. As usual, pinagtitinginan kami, kasi sikat nga naman siya. At kasama niya ako, isang freshman lang. Bakit nga ba kasi ako napasama sa mga to? Hindi naman kasi ako ganito talaga. Kung kayni kaynino nalang sumasama.
"Jade, pasensya ka na kung ganyan sila tumingin ah. Minsan talaga mga kaibigan namin na mga babae tinitingnan nila ng masama at may isa kaming kaibigan na sinaktan ng iba." Habang sinasabi niya ang mga ito kinabahan nalang ako bigla, pano kung saktan din ako? "Pero wag kang mag aalala, hindi na namin hahayaan mangyari yun." Inassure niya ako at tumigil siya at humarap siya sakin at ngumiti.
"Uhm, salamat. Bakit sila ganun sa mga babae niyong kaibigan?" tanong ko sakanya.
"Nakakahiya sabihin pero para maintindihan mo, kasi sa sobrang gusto nila kami, ayaw nilang may iba kaming babae na nakakasama." Paliwanag niya.
"Grabe naman sila kung ganun. Kung gusto nila kayo diba dapat maging masaya nalang sila para sainyo?" naiinis ako sa mga taong makikitid ang utak. Parang mga walang pinag aralan.
"Sana lahat nalang sila katulad mo mag isip. Kaso hindi." Naka smile siya habang sinasabi. Nakarating na kami sa gate at tumigil na rin ako mag lakad. Dito ko nalang aantayin si Ahya.
"Totoo naman. Hindi dapat ganon." Halatang naiinis na ako kasi hinawakan niya likod at sinabing, "Oh, mukhang na ha-high blood ka na jan." tumawa siya.
"Shobe!" narinig ko ang sigaw ni ahya Caleb. Lumingon ako at nakita ko siya kumakaway. Kasama niya yun bestfriend niya na si Jake. Pag lapit nila sakin si Jake hinawakan agad ulo ko at ginulo buhok ko. Chinese din si Jake, gwapo, matangkad, maputi at may magandang build na katawan.
"Ahya Jake naman eh! Hello Ahya!" hinug ko agad si ahya. Na-alala ko na nakatayo pa rin pala si Fortuna.
"Ahya Caleb and Jake? Si Jeric Fortuna pala." Pinakilala ko siya kaynila ahya.
"Kilala namin yan. Kami pa!" sabi ni ahya Jake sabay nakipag shake hands kay Jeric.
"Hello po. Nice meeting you po." Habang nakikipag shake hands din siya. "cge po, mauna na po ako. Nandun pa po yun team sa kainan. Hinatid ko lang po si Jade. Ingat." Nag smile siya sakin at tinapik ako ng mahina sa shoulder.
"Ingat din." Sigaw ko sakanya habang papalayo na siya.
"Shobe ah! Ano ba yan. Player na agad ang boylet mo?" tanung ni ahya Jake sabay akbay sakin.
"Ano ba naman yan. Para kang babae magsalita ah." Pabiro kong sinabi.
"Hahaha. Kayo talagang dalawa. Kahit kailan. Tara na sa car." Inakbayan din ako ni ahya.
Okay, sila ahya Caleb and Jake is sikat din sa building nila. Kaya medjo marami rin nakaka kiilala sakanila. Mga gwapo DAW kasi. HAHAHA. Yuck. As if naman.
"Tingnan mo shobe, naiinggit sila sayo oh kasi naka akbay sayo ang napaka gwapong ahya jake mo." Sabi niya sakin habang naka akbay. Napaka yabang talag nito. Pero, totoo. Madami rin talaga tumitingin samin.
Naglalakad kami papunta dun sa kinainan namin kanina nila Clark. Dun pala naka park si Ahya hindi ko napansin. Kaya nun pag daan namin sabay lumabas sila sa pinagkainan namin, nun nakita ako ni Clark tinawag agad ako.
"Jade." Sigaw niya, habang papalapit na rin sila.
"Bakit?" tanong ko naman sakanya.
"Wala. Mag papa alam lang naman." Kumindat siya at yun mata niya tinuturo niya kay Jeric sa gilid. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oo nga pala. Kuya ko si Caleb at best friend niya si Jake." Pinakilala ko sila kay Paulo, Aljon, Clark and Ron.
"Hi." Nag ngitian lang sila lahat.
"Cge alis na kami ah. May pupuntahan pa kami salamat pala sa pag sama sa kapatid ko sa pag kain." Pumasok na si Ahya Caleb sa car at nag paalam na rin si Jake kaynila Clark. Pinapasok na rin niya ako sa car, nag paalam na rin ako sakanila. Then, nag start na sila mag lakad. May training ata sila.
Bakit ganun ba si Clark? Hahaha. Nakakainis siya mang asar. Pero ang bait sobra ni Fortuna. Sinamahan ba niya talaga ako or gusto lang niya mag lakad? Hmmm. Assuming ko lang talaga. Hahaha. Ayaw ko mag kagusto sa kahit isa sakanila. Ayaw ko ng ganon. Kakaisip ko nakatulog na pala ako. Nagulat nalang ako ng nasa tapat na kami ng bahay nila Jake. Malaki ang bahay nila at napaka ganda. Magka kilala na ang mga parents namin simula maliliit pa lang kami. Iisang anak lang si Jake kaya madalas lang din niya kasama si Ahya. Madalas din kami dito sa bahay nila. Minsan parang nagiging lalaki na nga ako dahil lagi ko sila kasama.
Wala pang mga girlfriends ang mga loko na to. HAHA. Sa gwapo nila wala pa silang girlfriend, nakakapag taka noh? Okay lang yun para ma-solo ko sila. Pag may mga girlfriends na to, hindi na nila ako mapapansin. :( Selfish ko, i know. BWAHAHAHA. >:)
"Shobe! Tara kain tayo. Nag bake ako, kasi alam kong punta kayo sabi ni Jake." Sigaw ni Auntie (mom ni Jake) galing sa taas. Naka silip pala siya. High ceilling kasi bahay nila.
"Cge, auntie." Sigaw ko rin saknaya, excited ako. Super bait ni Auntie sakin tinuturing din niya akong parang sariling anak.
"Bakit mas mukhang masaya si mommy na nakikita ka kaysa sakin?" tanung ni Jake sakin. Binelatan ko nalang siya at sabi ko, "Ganun talaga eh. Mas cute daw kasi ako sayo." Tumawa ako ng malakas.
"Alam ko naman na cute ka eh." Hinawakan niya both hands yun face ko and nag smile.
AWKWARD. Lately nagiging sweet kasi si Jake eh. Hindi naman ganito yan dati. Parang ang weird lang niya. Buti nalang dumating na si Ahya, inayos niya pa kasi yun parking.
"Jake, ano nanaman yan ginagawa mo sa shobe ko. Ako lang pwede gumanyan jan noh." Lumapit siya kay Jake sabay bitaw ni Jake sa mukha ko.
"Wala namang masama noh. Talaga to. Tara, nag ready na ng food si mommy." Nag lakad na si Jake papunta sa dining table.
"Jade, namiss kita ah. Last week pa yata yun huli mong punta dito." Kinurot niya ako sa face tapos hinawakan niya ako sa kamay at hinila at pinaupo sa tabi niya.
Hmmm. Mukhang ang sarap ng mga binake ni auntie ngayon ah. Iba ibang cupcakes.
"Kain na." kumuha si Jake ng isang slice ng blueberry cheesecake at linagay sa plate ko.
"Thanks!" pasalamat ko. Nag start na rin ako kumain.
After namin kumain, dumaretso na kami sa kwarto ni Jake. Haaaay, sarap humiga dito sa kami niya. HAHAHA. Nakasanayan ko lang kasi na humiga dito habang sila Ahya at Jake nag lalaro or may ginagawa sila.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanficAno nga ba usually ang type ng isang gwapo, sikat at habulin ng babae na UAAP Player? O ready na nga ba siya sa love o bitter pa rin siya kay bruhang ex? Ano nga ba ang type ng isang typical chinese na babae at para sakanya isa lang ang lalaki s...