~Jeric's POV~
Andito kami ngayon sa Trinoma. Halos kaka bukas pa lang ng mall nun dumating kami. Pano masyadong maaga naman tong mga to. Parang mauubusan ng mabibili eh.
"Jade, alam ko dun yung mga pang baby." turo ni Kaizen kay Jade. Sabay sila nag lalakad ngayon at kami naman ni Clark ang magkasabay sa likod nila.
"Bagal bagal kasi." mahinang sinabi ni Clark.
"Ano yun, Ta?" tanong ko sakanya, at tinaasan ko ng kilay. Alam ko naman ano ang ibig niyang sabihin.
"Ha? Wala akong sinasabi ah." sagot naman niya. Nag mamaang maangan pa.
Di nalang ako nag salita ulit.
Binilisan ko nalang lakad ko at lumapit ako sa tabi ni Jade. So bali nasa gitna namin siya ni Kaizen.
"Jade, when pala due ni auntie?" tanong ko sakanya.
"October pa eh. Excited na nga ako eh." excited niyang sinabi habang nakatingin sakin.
"Lapit na pala. Haha. Sa Monday pala ah. Pumayag na si mama na dalhin ko si Sam dito sa Manila for 3 days, dun nalng daw kami magstay sa condo sa Pasig."
"Talaga? Yehey. Super excited na nga ako eh. Kahapon ko pa inaabangan if tuloy ba na pupunta si Sam." narinig ko lalo ang excitement sa tono ng boses niya.
"dadalhin mo si Sam, Cap?" tanong ni Kaizen.
"Oo. Kasi sabi naman ni Jade na siya magiging yaya ni Sam." natatawa kong sinabi. "diba, Jade?"
"Oo! Kasi gusto ko talaga sa mga bata. Tapos nakita ko si Sam sa picture kaya lalo ako na excite." sabi ni Jade kay Kaizen.
"Wow. Buti ka pa makikita mo na agad si Sam. Ilan taon na namin kilala yan si Fort isang beses lang niya pinakita kapatid niyan samin. Baka daw mapilayan samin, di daw kami marunong mag buhat o mag alaga ng bata. Walang katiwa-tiwala samin. Buti pa sayo." biglang sabi ni Clark na nasa tabi ko na pala at abot tenga ang ngiti. Sinapak ko nga sa braso.
"Aray ko naman, Forts!" angal ni Tata. Pano, baka ano pa isipin ni Jade. Wala pa muna akong balak sabihin sakanya ang nararamdaman ko, lalo na dumating pa si Tiff.
Humarap ako sakanya at pinanlisikan ng mata at mukhang nagets naman niya ako. Hahaha. Good Tata.
"Eto na yung shop oh." sabi ni Tata. At sabay sabay kami pumasok dun.
Hiwahiwalay kami ng pinag tingnan para sa baby. Ako tumitingin sa mga crib at mga stroller. Si Jade at Kaizen sa mga damit. Si Tata andun sa mga bottle at mga ibang accessories pang bata.
"Good Morning mam and sir! Ano po hanap niyo para sa baby niyo?" naka ngiting sinabi ng sales lady.
Though madaming mapagpipilian at iba ibang section dito, maliit lang ang shop para marinig namin ni Tata ang sinabi ng sales lady. Kaya naman napatingin kami pareho kay Jade at Kaizen, na halatang nagulat din.
"Ay hindi po kami yun may baby. Mommy po niya." sagot ni Kaizen at sabay tinuro si Jade.
"Ay sorry po Ma'am. Kala ko po sainyo. Mukha po kasi kayong couple. Sorry po. Tulungan ko po kayo, ano po ba hanap niyo?" alok ni ate sales lady.
Napatingin si Kaizen at si Jade sa isa't isa at nag sinulang tumawa.
"Ate, baby boy po kapatid ko." sabi ni Jade.
******
~Tata's POV~
Ang awkward ng feeling dito. Si ate sales lady kasi masyadong nangengealam. Hahaha. Pero priceless ang mga reaction nila Kaizen at Forts.
Si Kaizen ganito ---> :"")
Si Forts naman ---> "O___O
Ako naman at si Jade --> :D
Yan mga reaction nmin nun sinabi ni ate na anak ni Kaizen at Jade bibilhan namin.
Si Forts naman, ayun mukhang bv na ewan. Haha. Tahimik eh.
Naka alis na kami sa infant's shop. Naglalakad kami papunta sa Landmark na infant's wear and accessories. Nag hanap pa kami dun ng bag pang baby. Wala kasi nagustuhan si Jade sa shop.
"Forts, tahimik mo?" naka ngisi kong tanong sakanya.
"Ha? Tahimik? May naisip lang ako." matamlay niyang sagot.
"May naisip? O di ka pa rin maka get over dun kay ate sales lady?" natatawa kong sabi sakanya, pero walang nag bago sa itsura niya. Halatang matamlay siya.
"Si Tiffany eh. Sobrang kulit. Tawag ng tawag. At alam niyang nasa Trinoma tayo. Di ko alam pano niya nalaman. Pero creepy, Ta." -Forts
"Malamang sinusundan ka nanaman niyang Tiffany na yan." di ko na problema kaya ayaw ng team dyan sa Tiffany na yan. Grabe ang pagka possessive. To think na hindi niya na boyfriend si Fort tapos nagawa pang sundan.
"Tingin mo? Tinatanong niya nga para san daw mga binibili natin at sino daw yung babaeng kasama natin." tumitingin tingin si Forts sa paligid, at naptingin din namn ako.
"Nako, Forts. Pag sabihan mo nga yang ex mo. Baka pati si Jade saktan niyan. Kilalang kilala mo yan. At alam mo ano ang kayang gawin niyan." babala ko sakanya.
"Alam ko naman yun. Kaya nga nag aalala ako." sagot ni Fort, na halata namang nag aalala.
"Kaynino ka nag aaalala, babe?" sabi ng isang babae. At biglang kumapit sa braso ni Fort, na kinagulat ni Fort.
Ang babae na daig pa ang linta kung maka kapit ay wala ng iba kundi si... Tiffany Anne Lim Cua.
"Okay, Cap. Dun muna ako kaynila Kaizen." sabay alis ko, baka kausapin pa ako nung babaeng yun.
Pumunta ako kung nasaan sila Jade at Kaizen.
"Kaizen, Check mo. 7 o' clock" sinabi ko sakanya patago, habang ako tumitingin sa mga crib na tinitingnan nila ni Jade.
"Ang demonyita nagbalik nanaman ata." naiiritang sinabi ni Kaizen, pag tapos niyang tingnan kung saan ang direksyon ni Tiffany.
"Ha? Ano yun?" nag tatakang tinanong ni Jade nag tangkang lumingon kaynila Forts.
"Ha? Wala naman nag sasalita ah?" nagkunyarian nalang ako wala alam.
"Ay nako. Kayong dalawa pinag loloko niyo nanaman ako. Tingnan niyo to! Maganda ba?" Pinakita ni Jade yun isang bag na blue na may design na mga pang baby.
******
~Tiffany's POV~
"Baby, what are you guys doing here? Infant's section? That's new." I raised an eyebrow and asked Jeric.
"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?" He coldly asked.
"Tara, puntahan natin sila Tata. Namiss ko na sila." I disregard his question and pull him to Tata, Kaizen and the girl's direction.
Sino kaya yun babaeng yun, at parang ngayon nalang ulit sumama tong si Jeric sa Tigers na may kasamang babae.
Wala pa kami sa gitna ng pinigilan niya ako at tinanggal ang pagkaka kapit ko sa braso niya.
"Tiffany, tigilan mo na ako. Tigilan mo na tong ginagawa mo. Kahit ano pang gawin mo, ayaw ko na." Iniwan niya akong hindi man lang nagpapaliwanag at dumaretso siya kaynila Tata.
Medjo nasaktan ako at na shock sa narinig ko galing sa bibig ni Jeric, hindi niya ako pinagsalitaan ng ganon kahit kailan. Inalis ko nalang yun iniisip ko kaysa sa ma spoil pa araw ko, inayos ko ulit sarili ko at ngumiting tumakbo sa direction nila Jeric na kasama na sila Tata. Kumapit ako ulit sabraso niya.
"Hi Kaizen! Kamusta? Long time no see." Bati ko kay Kaizen. At napatingin ako sa babae. "And you are?" Inextend ko kamay ko para makipag handshake sa babaeng kasama nila.
"Jade." Maikli niyang sagot.
"Nice to meet you, Jade. I'm Jeric's girlfriend, Tiffany." I introduced myself. And sa sobrang gulat ni Jeric at nila Tata at Kaizen di sila lahat naka imik.
"Hello. Nice to meet you po. Classmate ko po si Kuya Tata. And friend po nila Kuya Jeric and Kaizen." Sabi ni Jade at nakangiti.
"So, what are you guys doing here sa infant's Section?" I asked them.
"For my soon to be baby brother po." Jade's the only one who answered. Nasa state pa ng shock yun tatlo. Walang ginawa kung di mag tinginan.
"Wow. Buti nahatak mo tong tatlong to sumama sayo at mamili?" Pilit kong tinatago sa tono ng boses ko ang pagka inis at the same time inggit.
There must be really something about this girl. And it's not good.
"Ang dami no namang tanong, Tiffany. Hahanap pa kami ng bag ng baby brother niya. Later nalang." Sabi ni Tata at sabay inakbayan na nila ni Kim si Jade at lumayo.
"Umuwi ka na." Jeric said.
"Wala na si Manong. Pinauna ko na kasi sabi ko na you'll be the one to take me home."
"Hindi ako pwede. Ihahatid ko pa sila." sabi ni Jeric at tinuro sila Tata.
Tumakbo ako at tinawag sila Tata para ayain muna mag lunch bago kami umalis ni Jeric.
******
~Jade's POV~
"Nice to meet you, Jade. I'm Jeric's girlfriend, Tiffany."
"Nice to meet you, Jade. I'm Jeric's girlfriend, Tiffany."
"Nice to meet you, Jade. I'm Jeric's girlfriend, Tiffany."
Paulit ulit pa rin sa utak ko yung sabi ni Tiffany. Hindi kasi nabanggit ni Jeric sakin about nagkabalikan na sila ni Tiffany. At hindi ko naman mapapansin na nagkabalikan na sila ng mahal niya kasi mukhang di naman siya masaya? I don't know. Dapat maging happy nalang ako para sakanya. :)
Siguro, babaliwalain ko nalang din muna feelings ko for him, and hindi naman talaga ako ganun ka gusto siya, nababaitan lan siguro.. Mababaw pa lang naman, ayaw ko ng tumatagal baka mas mahirapan at masaktan lang ako. Ayaw kong maging bad memory ang first guy na naging gusto ko.
"Ano ba kayo, magtititigan lang ba kayo? Kumain na tayo. Lalamig ang pagkain." sabi ni Tiffany, habang nag lalagay ng pagkain sa plate ni Jeric. Bumalik naman din ang isip ko sa reality.
Si Jeric naman na hindi gumagalaw simula kanina, nagsimulang gumalaw at linagyan ng pagkain ang plato ko.
Wait, nilagyan ng pagkain ang plato ko?! Sa harap ni Tiffany?
Nakita kong naptaas ang kilay ni Tiffany sakin. At ang sama makatingin. Napayuko nalang ako. Habang linalagyan pa rin ni Jeric yun plato ko ng food.
"Ako na. Kaya ko naman. Thank you." mahina kong sinabi at ngumiti kay Jeric at kinuha sakanya ang serving spoon para ako nalng mismo kukuha ng food ko. Napangiti naman si Tiffany.
"Sige. Kain ka na." sabi ni Jeric. At dahil dito, nawala nanaman ang ngiti ni Tiffany.
Uh-oh. Nakakatakot siya. Seryoso. Maski di ako mabilis matakot sa mga tao, iba ang aura ni Tiffany, para siyang witch.
Ang awkward ng atmosphere. Walang nag sasalita. Isang tanong isang sagot sila Tata at Kaizen kapag kinakausap sila ni Tiffany.
"Baby, hatid mo na ako after we eat ah? May gagawin pa kasi ako eh." pakiusap niya kay Jeric na may kasamang lambing. Which is di naman binalik ni Jeric ang panlalambing.
"Kailangan ko pa sila ihatid. Car namin ang dala. Magpasundo ka nalang." masungit na sinabi ni Jeric.
"Gamit ni mommy si Manong Dino. Kaya ikaw nalang, please." sabay hiniga niya yun ulo niya sa balikat ni Jeric.
"Sige na Jeric. Kami nalang maghahatid kay Jade. Kami na bahala ni Tata." sabi ni Kaizen at nag agree naman dito si Tata.
Mabuti na nalang. Para mawala na rin si Tiffany, pare-pareho namin di maeenjoy araw namin kapag anjan siya.
"Oo, andiyan naman sila Kuya Tata at si Ahya Kaizen, kaya hatid mo nalang si Ate Tiffany."
"Good. Thank you guys." nginitian niya kami.
---
Umalis na sila Jeric and Tiffany after kumain. At nakahanap na rin kami ng ireregalo ni Tata kay Miko. Isang malaking teddy bear, party bag (since mahilig naman daw mag party si Ate Miko sabi ni Ahya Kaizen), at shirt din na meron din ka partner para kay Tata. Tatlo daw ang gusto niya para "i love you". Sweet ni Kuya Tata.
Siguro mga 5 hours kami nag hanap ng mga yun. 5pm na nun ng ihatid na nila ako. Nag taxi lang kami since wala sakanila may car.
Super fun nga today eh, kasi daig pa nitong dalawang to si Ahya Caleb. May tumingin lang na lalaki sakin sasamaan nila ng tingin. Natatakot tuloy. Sa laki ba naman ng mga to at tangkad pa. Kaso natatawa ako kay Ahya Kaizen kapag sasamaan niya ng tingin yun mga tumitingin sakin, kasi maski lakihan niya mata niya, wala eh, singkit pa rin. Hahaha.
"Super thank you sainyo ah! Pasok muna kayooo. Sige naaa." aya ko sakanila. "Hatid namin kayo pauwi. Sige naa."
"Di na. Kahiya naman noh!" tanggi ni Kaizen.
"Sige na. Please, ahya?" nag beautiful eyes ako sakanya. Haha. Di yan makakatanggi.
"Fine. Pero wag mo na kami hahatid. Okay?" nakikipag deal pa. Tsk.
"Uhm.. Fine." sabi ko, sabay nag smile ng super smile ko. Bait talaga ng mga to.
******
~Jeric's POV~
"Andito na tayo. Pwede ka na bumaba." mahina kong sinabi kay Tiffany.
"You always open the door for me, Jeric. Remember?" sabay ngiti niya.
"Tiffany, madami ng nag bago ngayon. Hindi lahat ng ginagawa ko sayo dati gagawin ko pa ulit ngayon sayo." huminga akong malalim. "Hindi ako ganito katigas dati, pero ikaw lang din ang dahilan kaya naging ganito ako sayo ngayon. Kaya pwede ka na bumaba ngayon at ayaw ko na sana maulit ito." seryoso kong sinabi sakanya.
"Jeric, ako na gumagawa ng effort ngayon para mapansin at mapatawad mo ulit. Masakit din sakin na lagi mong pinamumukha sa akin na ako ang dahilan kaya naging matigas ka ngayon. Kaya nga ako bumabalik para sayo. Para ibalik at itama ang mali kong nagawa dati. Pag bigyan mo naman ako." naluluhang sinabi niya.
"Tiffany, sinabi ko na sayo. May iba na akong gusto. Sa tagal ng wala ka, hindi mo nakita gano ako nasaktan kaya wag mong ipamukha lalo sakin na ikaw pa ang nasasaktan ngayon. Nung masaya tayo dati nag hanap ka pa ng ibang magpapasaya sayo, sumaya ka lalo nung nahanap mo si AVO, pinabayaan kita at wala akong ginawa diba? Nun buwan nakalipas masaya ka, habang ako yung mga buwan na yun ang mga buwan na pinaka nahirapan at nasaktan ako. Nakahanap na ako ng magpapasaya ulit sakin at susuportahan ako sa mga gagawin ko ngayon, sana ako naman ang pag bigyan mong sumaya, hindi puro ikaw nalang." sabi ko sakanya, habang di pa rin tumitingin sakanya.
"Sino ba yang babaeng yan? Ganun ba siya kaganda, kabait para ipag palit mo sakin? Ha? Siya ba si Jade? Siya ba? Ayaw ko sakanya. Ayaw ko." alam kong tumutulo na luha niya habang nag sasalita. Kaso wala pa yang sakit na yan sa sakit na naramdaman ko.
"Wala kang karapatan na sabihing ayaw mo siya. Hindi mo siya kilala. At oo, ganon siya kaganda, kabait para mahalin ko. Wala siyang pakealam kung ano sabihin sakanya ng mga tao, wala siyang pakealam sino mga kaibigan niya, mayaman, mahirap, loner, sikat, matalino man o hindi. Walang ka arte arte sa katawan, ni hindi mareklamo. Sa mga yun pa lang na nakikita ko sakanya tuwing mag kasama kami, araw araw akong nahuhulog sakanya. Kaya oo, sobra sobra pa siya para palitan ang lugar na iniwan mo dati dito sa puso ko." hindi ko akalain na nasabi ko sakanya lahat yun. Pero lahat ng nasabi ko galing sa puso. So, na fa-fall na nga ba ako kay Jade?
Wala nang sinabi si Tiffany at binuksan na ang kotse at lumabas, tumakbo paloob ng bahay nila. At alam kong umiiyak siya. Manhid na puso ko pag dating sakanya.
Sa mga nasabi ko, alam ko na dapat pa ako magin protective kay Jade, kasi alam ko at alam ng buong Growling Tigers ang kayang gawin ni Tiffany sa mga taong ayaw niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
hello guys!! Super duper sorry sa super duper late upload. Nag tuloy tuloy lang talaga mga ginagawa ko lately. Kaya now lang nag ka time! Sorry. Comment or vote nalang po kayo. Kahit negative para mas mapa okay pa ang pag sulat ko. Maraming salamat sa mga nag support sa story ko.
Thank you kay Ate Bernadette "Badut" Robles sa pag help sakin. At sa pag bigay ng mga ideas about sa chapter na to. Maraming salamat Ate! :*
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
ФанфикAno nga ba usually ang type ng isang gwapo, sikat at habulin ng babae na UAAP Player? O ready na nga ba siya sa love o bitter pa rin siya kay bruhang ex? Ano nga ba ang type ng isang typical chinese na babae at para sakanya isa lang ang lalaki s...