Chapter 6 - Getting to know her (Jeric's POV)

709 10 4
                                    

~Jeric's POV~ 

Grabe lang ngayong araw. Salampak agad ako sa kama pag dating ko sa dorm. Super kapagod. After namin kumain ng lunch kasama team and si Jade, nag pahinga lang kami tapos daretso na rin kami practice.

Actually medjo nakakatuwa pala ngayon araw at pati na nung mga nakaraan na araw. Maski pagod. Alam niyo ba bakit? Mehehe.

Una, these past few days laging free cut – meaning lagi wala prof. Syempre, kakapasukan pa lang, klase agad? Kailan pa nangyari yun. HAHAHA. Joke lang. Di naman sa tamad. Nakakatuwa lang kasi mas nakaka bonding ko mga teammates ko. 3rd year na kasi ako tapos parang napapansin ko hindi ko nakakasama masyado yun mga ka team ko  Kasi nga lagi ko naman nakakasama kapag may vacant time or day ako is si Tiffany.

 Mga bandang August – month ng UAAP game- kami nag break nun, pero after na ng season yun. August to May ako nun bago naka balik sa normal kong sarili. Hindi naman sa nabaliw. Ayaw ko lang talaga nag sisilabas nung mga time na yon, kasi sobrang sakit pa rin talaga ng nangyari. Nasa bahay lang ako lagi. So, ngayong wala na siya, ayun. Mas nagiging close na ako sa team. Oh diba? Ayos?

 Pangalawa, nakasama namin si Jade. Siya ang new girlfriend ng team eh. Haha. Pero siguro may nakita si Tata sakanya kaya kinausap niya yun. Si Tata ba naman. Eh let’s say friendly nga yun. Kaso hindi siya kumakausap basta basta lang, lalo na at babae pa. Si Teng nga kanina sabi pa niya kay Tata na isama daw ulit si Jade. To think na si Teng na nag sabi nun, may something special sa girl na yun. 

Si Teng kasi ang isang lalaki na hindi mahilig mag sasasama kapag may babae na kasama eh. Gusto niya lalaki lang. Don’t get me wrong, hindi siya bading okay? Dalawang babae na kasi ang umiwan sakanya. Ako nga lang na isang babae pa lang, nababaliw na. Si Teng pa kaya na dalawang babae at pareho yun ay matagal niyang naka relasyon. 

Ako naman, oo. Medjo natuwa ako na may nakasama ulit kaming babae. Kasi dati talaga bitter ako sa babae. Ayaw ko talaga ng may nakakausap at nakakasama na babae. Ewan ko nga at kanina kasi bigla nalang ako nag volunteer na ihatid siya pabalik kung saan sila mag meet ng kuya niya. Hindi naman talaga ang rason ko ay mag lakad para bumaba ang kinain. Gusto ko lang siguro siya makilala pa. May konting hinala na “nag papanggap lang ba to na ganito para maging close kami?” o kaya “may kailangan kaya to samin?” o baka naman “isa siya sa mga kaibigan ng ibang team at pinapa bantayan kami?”

Ngunit ni isa sa mga hinala ko ang naramdaman ko nun nakasama ko siya. Kung di, ang naramdaman ko ay, siya ay isang napakabait na babae na mapag kakatiwalaan namin, isang babae na walang pakealam kung ano man sabihin sakanya ng ibang tao, isang babae na walang kaarte arte sa katawan, at for sure, siya ay isang babae na grabe magmahal. Kitang kita ko sakanya yun kanina nun magkita sila ng kuya niya.

Ano ba naman tong naiisip ko?

Sabi ko sa sarili ko, “Fort, hingang malalim. Tatlong araw mo pa lang yan nakakasama. Wag muna mag isip ng kung ano ano. Babae pa rin yan. Baka lokohin ka nanaman.”

*tok tok tok

“Bukas yan!”

Si Tata ang pumasok. Ka dorm ko nga pala siya. Pati na rin si Ron.

“Ui pre. May sun ka diba? Patext naman oh.” Sabi ni Tata habang hinihingi sakin cellphone ko.

“Oo, meron. Oh eto.” Inabot ko sakanya phone ko. “Sino ba yang itetext mo? At kailan ka pa nag ka roon ng sun na katext mate?”

“Grabe naman to. Katextmate agad? Itetext ko si Jade. Kasi sabi sakin kanina na may meeting daw bukas ng umaga hangang 12pm. Eh baka pumasok pa yon. Tetext ko nalang.” Paliwanag ni Tata.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon