~Jade's POV~
Nag stay muna kami sa loob pa rin ng court inaantay pa namin si Fortuna.
Position namin is, ako and si Anne naka talikod sa door, nakaupo kami sa bench. Si Teng at si Clark nakaupo sa floor. Simula kanina ganyan na pwesto namin.
Isa isa na nila ako inaasar kanina, buti nalang na iba na yun topic namin. Huhu.
Maya maya..
Bigla bumukas na rin yun door. Parang medjo nagulat ako, napatayo ako bigla. Alam ko naman kasi na si Fortuna na yun.
Nag tinginan si Anne, Teng at Clark sakin.
Ako naman parang nag act normal nalang. Patay malisya. Baka kung nagreact ako ma asar nanaman nila ako.
Kasoo....
Walang effect sakanila yun poker face ko. Ang nangyari..
"Nako, si Jade oh. Kabado." - Teng. Tawa naman si Clark at Anne. Si Fortuna napatingin sakin and nag smile.
"Fort, dito ka oh." - Clark. Tapos parang tinapik niya yun space sa tabi niya.
So ang magiging pwesto is ako ang kaharap ni Fortuna.
Pinagpapawisan na kamay ko. Bakit ba ayaw nalang nila dumaretso alis? Hahatid na namin dapat si Anne!
Kaso umupo naman din si Fortuna dun. Magkaharap kami. So umupo na rin ako. Ang pwesto bale namin is:
Fortuna-Clark
--------------------Teng
Ako----Jade
Ayan, ganyan kami. So si Teng naka side view siya. (gets niyo ba? ^^ Gulo ba? Haha)
So ayun na, nag start na ulit mag tanong tanong to si Anne. Hindi na naubusan ng itatanong. Parang wala ng bukas. Naaliw naman tong tatlo. -___-
"Anne, hindi mo pa ba kailangan umuwi? 6:30 na ah. Baka gabihin ka na?" - Fortuna. Wow. Concern siya?
"Hala. Oo nga noh! Kailangan ko na talaga umalis." Napatingin si Anne sa relo niya, nanlaki mata sabay tayo at hila sakin.
"Jade, dali. Sa may Lacson lang naman ako, dun na ako dadaan." Sabi ni Anne. Hinigit niya ako.
"Wait, Anne. Sasabay kami sayo eh. Walang kasama yan si Jade pabalik." -Fortuna
Sumunod na rin silang tatlo. Fast walk na ginagawa namin. Strict kasi ang mga magulang ni Anne. So dapat on time siya umuuwi.
Lakad...lakad...lakad...
Nakarating na kami sa Lacson. Malapit lang naman siya sa may Q.Pav kaya mabilis lang. Sinamahan na rin namin siya mag antay ng masasakyan. Pero gulo lang din ang idinulot nito.
Lahat ng mga nag aantay ng masasakayan dun, nag silapitan sa mga kasama namin, sa Tigers. Eh rush hour diba? So madami talaga nag aabang dun. So ginawa ko, summingit nalang kami ni Anne dun sa gilid tapos babalikan ko nalang sila after ko samahan sumakay si Anne, kaso... may humila sa wrist ko.
Syempre nag panic ako, ginawa ko, pinipilit ko hilain din wrist ko pabalik, kay Anne lang ako nakatingin, nakahawak rin ako kay Anne.
Pag lingon ko... OKAY. Si Fortuna ang nakahwak sa wrist ko. Nakatingin siya sakin, Medjo napatigil din yun mga babae kasi napatingin sila dun sa kamay namin eh. So parang tumabi sila onti.
Tingin sila kay Fortuna, tingin sila sakin, tingin sa kamay ni Fortuna na nakahawak sakin. Tingin ulit kay Fortuna, tingin ulit sakin, tingin ulit sa kamay ni Fortuna na nakahawak sakin. Awkward. Pati sila Teng at Clark nakatingin tapos todo ngiti.
Feeling ko para na akong kamatis sa sobrang pula.
Kita ko na pabirong siniko ni Clark si Teng.
"Wait lang po ah. Kasi may ihahatid kami dito. Samahan lang namin sumakay. Babalik kami. Promise." nginitian nalang ni Fortuna mga babae tapos tango ng tango mga babae. Speechless?... Hahaha. Tapos nag give way sila. Sinenyasan na rin ni Fortuna si Clark and Teng na sumunod. Medjo dun pa kasi sa dulo sasakay si Anne kaya nag lakad pa konti.
Ng medjo nakalayo na kami...nag salita ako.
"Babalik naman ako eh. Ihahatid ko lang. Diyan lang oh." Tinuro ko kung saan. Super lapit lang. Di ko magets bakit kailangan pa sumama. Baka gusto nito makasama ni Fortuna si Anne?
"Eh labas na ng campus to. Siyempre kasama ka namin. Baka may mangyari sayo. Sainyo." Sabi ni Fortuna.
"Oo nga naman, Jade. Concern lang si Fort sayo. Este, kami pala. Concern sainyo." Sabat ni Clark.
Di ko nalang pinansin. Ma sasapak ko na to si Clark eh. -___-
Mga 10 minutes kami nag antay bago maka hanap ng masasakyan si Anne. Rush hour kasi kaya sobrang traffic talaga at mahirap sumakay. Dami sumasakay, eh maarte to ayaw ng madaming sakay sa jeep. So ayun.
"Bye sainyo! Salamat po! Nag enjoy talaga ako. Salamat, Jade. Love you! Text nalang! Mwah." Sinisigaw niya, kasi nakasakay na siya sa jeep. Nag flying kiss pa nga eh.
So ayun, nag lakad pa kami konti pabalik dun sa mga girls. Nakatingin sila samin. Nag tago nalang ako sa likod ni Clark at Fortuna, ang katabi ko si Teng. Ang quiet niya sakin eh. Di nag sasalita.
"Di kwi tiam be to khi, Jade?" - Teng. Nagulat ako marunong pala siya mag chinese! Ayos to. Fukien pa. Hahaha.
Translation: "What time ka uuwi, Jade?"
Pinalaki kami ni mommy na dapat marunong mag chinese. Kasi magagamit daw namin ito. Malay ko ba na si Teng pala marunong. Kala ko surname lang ang chinese sakanya eh. Hahaha.
"Pwe tiam bo? Gua be kiaw gua e ahya to khi eh. Ka na?" sinagot ko din ng chinese.
Translation: "Mga 8 siguro? Sasabay ako kay ahya umuwi eh. Bakit?"
"Wala lang. Hahaha. Marunong ka pala mag chinese." Ay wow ah. Haha. Kaya nga sinagot ka ng chinese kasi marunong ako. Haha.
"Yan nga dapat ko sabihin sayo. Marunong ka pala." Nag ngitian lang kami. Andyan na kasi ulit ang mga girlaloo fans nila.
Isa isa sila nag pa picture, siguro mga 7 silang babae. Isa isa sila inentertain nila Fort, Teng at Clark. Ako, medjo lumayo layo lang habang tinitingnan sila.
Grabe pala pag sikat noh? Kahit san may fans. Hirap kasama ng mga to -____- Laging may commercial kapag nag lalakad. HAHAHA.
15 minutes din siguro inabot nila dun. Nakikipagusap, nakikipag picture, at nag sa-sign ng notebook.
May nag text sakin:
SMS from Caleb Sy:
Shobe, okay ka lang ba? Kumain ka na? Sino na kasama mo? Si Anne pa rin ba?
SMS to Caleb Sy:
Ahya, okay lang ako. Hindi pa ako eat. Sabay nalang tayo. Sila Fortuna, Teng and si Clark kasama ko. Si Anne kakahatid lang namin. Dito kami sa Lacson ngayon.
SMS from Caleb Sy:
Sige. Sabay na tayo eat. Pero if gusto mo na mauna, pag gutom na eat na ah? Okay? Ingat kayo jan. Pag may nangyari sayo, bubugbugin ko sila. Sige, class na namin. Love you, Shobs!
Hay salamat, tapos na rin ang fan meeting nila. Inaantok na ako eh.
"Ui, Fort, may gagawin pa kami ni Teng eh. Tinext kami ni Lo. Puntahan lang namin." -Clark
"Ha? Saan kayo punta? Kayo lang tinext?" nagtatakang sinabi ni Fortuna.
"Ewan ko eh. Basta sinabi sa text Teng din daw. Una na kami ah. Bye! Bye, Jade." Naglalakad na palayo si Clark at Teng pero naka tingin pa rin samin habang kumakaway.
Kumaway din si Teng, "Bye, Jade. Bye, Cap! Ingat kayo!" sabay, ngiti!
**tingnan niyo sa gilid kung pano umupo si Fortuna. :"") Hot niya. Panong hindi pag papawisan si Jade? Hahahhaa

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanfictionAno nga ba usually ang type ng isang gwapo, sikat at habulin ng babae na UAAP Player? O ready na nga ba siya sa love o bitter pa rin siya kay bruhang ex? Ano nga ba ang type ng isang typical chinese na babae at para sakanya isa lang ang lalaki s...