Chapter 16 - Tata's Pranks

485 8 3
                                    

~TATA's POV~

Kanina pa may umaalog sakin. Kainis naman oh. Badtrip.

"Ta! Ta! Gising na!!" Tawag ng tawag.

"Ano ba!! Aga aga pa!! Mamaya mo na ako gisingin!" sigaw ko. Nakakairita na eh. Ang kulit. Aga aga pa!

"Ma le-late na tayo! 7 ang alis dito diba! Gising na! Maliligo ka pa! TA!!!!" sigaw din niya. Mas malakas.

Sino ba to!!

Dilat isang mata. -___o

Jeric?!

Hala!! 7 nga pala sinabi ko dito kagabi! Ano ba yan! Inaantok pa ako eh!

"Mamaya nalang daw 9 sabi ni Kaizen. Inaantok pa daw siya. Nag text kanina. Tulog muna ako." mahina kong sinabi.

Infairness. Aga aga pa lang gumagana na utak ko. Hahaha.

Sorry ulit Kaizen. Mukhang nadamay kita ulit. Antok pa kasi talaga ako.

"Wala akong pake! Gumising ka para di tayo ma late! Gisingin ko rin si Kaizen! Tayo!" Hinila niya damit ko para pilitin akong tumayo.

Hayup! Ayos to ah! Sapilitan. Bakit ba kasi sa 12 numbers na nasa orasan 7 ang sinabi ko! Hirap pala ng ine-excite si Captain. Parang nasasapian. Eh kung siya di mo nga magising ng 9 kung walang training siya pa to ngayong nangigising ng....

Wait anong oras na ba? Tingin sa orasan..

What the!! 5:30?!?! 5:30 pa lang?!

"Ano ba yan, Fort!! 5:30 pa lang ng umaga!! Anong late jan? 15 minutes lang ako maligo! Kahit 6:40 ako magising kaya ko umalis ng 7 dito!" inis kong sinabi. Di pa nga madilat dilat mata ko sa antok eh!

"Pwes, tagalan mo ligo mo ng bumango ka naman ng onti! Nakaluto na ako! Kumain na tayo." Sabi niya. Hinila niya na damit ko para maka bangon, at hinila na rin ako pababa. Eh diba sa taas ako? Double deck eh. Malamang nagka untog untog na katawan ko kakahila nitong mokong na to!

Next time di na ako manloloko. Oh Lord. Pasensya na. Nagiging demonyo naman tong Captain namin. Eto ang parusa ko. -___-

"Tigilan mo na pag hila. Mag lalakad na ako!" Sabi ko.

"Dalian mo kumilos noh." Tinapik niya ako sa braso. At binitawan na damit ko.

"Oo na oo na! Minsan lang makatulog ng extra eh! Allowance, Cap. Last 10 minutes." Sabi ko habang nag lalakad pabalik sa kama.

"Umayos ka. Uupo ka dito o hindi?" Hinarangan niya ako at pinag dilatan ng mata.

Huhu. Ano ba naman tong pinasok ko. Maling mali to! Maling mali!! Huhuhu.

"Oo! Badtrip naman! Eto na uupo na!"

"Buti naman. Kain na. Naeexcite na ako eh. Sorry, Ta!" - Jeric

^______^ <---- ganyan ang mukha ni Jeric habang pinapanuod ako kumain. Ang creepy naman nito.

Naligo na ako after ko kumain. Umiidlip idlip nalang ako konti sa cr. Kaso putol putol, katok ng katok si Jeric kapag di niya naririnig na nag shoshower ako. Masyadong matalino tong si Captain. Siguro gawain din niya yun. Hahaha!

Nahimasmasan na ako. Gising na gising na ako. Ang lamig ng tubig eh.

Tinawagan ko na rin Kaizen at si Jade na paalis na kami sa dorm. Since di pa sila nakaka kain, at wala ng time since malapit lang sila, kakain nalang daw ulit sa McDo sabi ni Jeric.

Palabas na kami ng dorm.. Ng biglang..

"Hi baby!! Nag dala ako breakfast mo oh."

Umagang umaga na babadtrip ako. Si Tiffany biglang kumapit sa braso ni Jeric. Na parang gulat na gulat. Pero syempre di nag tagal at inalis niya rin ang kapit ni Tiffany sa braso niya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon