Chapter 13 - Bad Memories and the Bitches

487 6 2
                                    

~Jade’s POV~

Friday naaa! Malapit na mag Monday! Countdown lang? Haha. Excited na kasi talaga ako kay Sam eh. Sa kapatid ni Fortuna. Pinakita pa sakin ni Fortuna yun picture. Super cute kaya lalo ako na excite.

Kanina pa ako nag lalakad dito sa may UST. Hindi ko pa rin gano makabisado yung mga lugar. Dumaan ako sa may Plaza Mayor, kung saan namin inantay si Ahya kagabi kasama si Fortuna.

Umupo nalang rin muna ako dito sa upuan. 2 pa lang eh. 3 pa class ko. Sumabay na kasi ako kay ahya pumasok kaysa papahatid pa ako ulit.

Nag iisip isip lang ako habang nakaupo. Nakaka relax din pala na nakaupo lang dito at nag iisip isip noh?

Habang nag mumuni-muni ako, may nakita akong mag ama..

Isang lalaki na nasa 30’s niya siguro, at may kasamang bata na sa tingin ko mga nasa 8 years old.

Naisip ko lang ulit si dad. Yun totoong daddy ko. Namimiss ko siya pero ayaw ko kasi siya makita. After lahat ng ginawa niya samin.

Naaalala ko kung gano kami kasaya bago pa niya kami iwan dahil sa isang babae.

Naaalala ko kung pano rin siya tumakbo palayo sakin.

Naaalala ko kung gano ako kabilis tumakbo para maabutan siya.

Kaso, nun nasagasaan ako ni isang hakbang palapit sakin hindi man lang niya nagawa.

Mas matimbang ang mga rason na dapat ko siya kamuhian kaysa sa rason na dapat ko siya patawarin at tanggapin ulit.

Naramdaman kong may tumulo na luha sa may pisngi ko. Ngayon nalang din ako na-luha habang naiisip mga nakaraan.

Siya rin naman ang rason kaya hirap ako mag tiwala sa mga lalaki ngayon.

Siya rin ang rason kaya nag iba ang pag tingin ko sa mga lalaki.

Umalis na lang siya samin may naituro pa siya sakin: “Kung Ano Kaming Mga Lalaki”

Ganda noh? Pero si ahya, dad Henry, Manong Ed nalang rin ang nagpapatunay sakin na hindi lahat ng lalaki ganon.

Di ko nalang alam bakit nagawan ko pa pagkatiwalaan si Fortuna at sila Clark eh, ewan ko ano ginawa nila sakin o pinakain pero mahirap makuha tiwala ko lalo na pag lalaki ka, pero iba na feel ko sakanila. Hindi pa nga lang 100% na tiwala na kuha nila, pero may tiwala na ako sakanila.

Actually si Jake rin. Matagal ko na rin siya kilala, at para na rin siyang si ahya sakin. Dati nga naging crush ko pa si Jake, kaso syempre dati lang at crush crush lang kasi gwapo siya eh. Hehe.

Maya-maya.. may tumakip ng mata ko.

Hinawakan ko yun kamay na nakatakip sa mata ko, at kilala ko na agad kayninong kamay yun. Kay, Jake.

“Alisin mo na kamay mo, Jake” sabi ko sakanya.

“Hay nako. Bakit ba ang galing mo sa mga ganyan?” huminga siyang malalim, sabay upo sa tabi ko. “Bakit basa yang mata mo? Umiiyak ka?” tanong naman niya. Sabay humarap siya sakin.

“Wala. Napuwing kasi ako, humangin tapos ang alikabok. *cough cough” kunwari akong inubo. Tapos rina-rub ko yun eyes ko.

“Ano ba yan! Wag mong kuskusin yan , napapaluha ka ng alikabok? Bakit ba sa mata mo pa nila napili mag si punta?” sabi niya habang nag labas siya ng panyo at pinunasan ang mga mata ko.

“Hui, baliw ka. Ano bang ginagawa mo?” inaalis ko kamay niya

“Pinupunasan mata mo? Baka ma-impeksyon yan noh! Lalaki yan mata mo tapos mahuhulog yun eyeballs mo! Gusto mo yon?” ako pa niloko nitong Jake nato ah!

“Gusto mo ako mag tanggal ng eyeballs mo?” tanong ko sakanya at hinanda na yun dalawang daliri ko itusok sa mata niya. Pero syempre pabiro lang.

“Joke lang. Ako na nga nagiging mabait. Minsan lang to tapos ayaw pa! Choosy ah.” Tinago na rin niya ang panyo niya.

May biglang lumapit na dalawang babae, nagtutulakan pa sila eh. Galing din siya sa building nila ahya. At sabi, “Hi, Jake! Ako po si Shaina.” Maganda yun babae, medjo matangkad, mahaba buhok, pero ubod ng puti ang mukha parang sinawsaw ang mukha sa harina eh. Puno pa ng make up. -___-

Yun isang babae naman sabi, “Hello po, ako naman po si Allison! Freshman po kami. Nice to meet you po!” Etong babae naman, maikli naman buhok, sexy din naman siya katulad nun isa, pero hindi siya katulad ng isang babae na maputi ang mukha, siya naman parang kaka kain lang ng lunch at ketchup ang ginawang lipstick, ang pula ng labi.

Nakatunga nga lang ako sakanila, nakatitig..

Nag salita bigla si Jake, “Hello sainyo. Sana ma enjoy niyo dito sa UST. Galingan niyo sa pag aaral.” At nag flash si Jake ng kanyang killer smile. At tumayo pa, nakipag shake hands.

Kulang nalang mahimatay yun dalawa sa kilig eh.

“Miss, kuhanan mo kami kasama si Kuya Jake.” sabi ni Ms. Ketchup -___- sabay abot ng cellphone niya sakin.

Aba, aba! Inutusan pa ako? Wala pa siyang please? Medjo bitch si ate.

Tumingin ako kay Jake at tinaasan siya ng kilay.

“Jade please.” Sabi ni Jake. Alam niya ayaw ko kasi ng ganon. Mabait naman ako, kaso kung nakikiusap ka, dapat may please. Kung may manners ka mag ple-please ka, lalo na sa mga hindi mo kilala. Turo sakin yun ni mommy.

Tumayo ako at kinuha yun cellphone ni Ms. Ketchup. Ako kasi, mabait sa mabait, pero bastos kung bastos.

Nag start na sila mag pose, at pinicturan ko na sila.

Kinuha nalang niya sakin yun cellphone ng hindi nag papasalamat.

“Thanks po.” Sabi ko sakanila.

“Ay. Thanks.” Sabay irap sakin.

“Bye po kuya Jake! See you po. Hehe.”  At umalis na sila.

“Bakit ang taray mo? Ngayon lang kita nakitang ganon ah? Bagay din pala sayo minsan mag taray kaysa lagi ka nalang mabait. Haha. Joke. Maya sabihin ng kuya mo tinuturuan kita.” –Jake

“Di mo ba nakita makatingin mga yun sakin?” tanong ko sakanya.

“Medjo. Haha. Bayaan mo na yun. Masanay ka nalang kasi gwapo kasama mo, aka selos mga yun sayo, nakakasama mo kasi ako. Hahaha.” Sabi ni Jake at tumatawa pa siya.

“Minsan may pag ka makapal din mukha mo noh?” sabi ko sakanya. “Sige na. Mag ta-time na rin. Alis na ako ah. Bye, Mr. Yabang!”

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon