Chapter 14 - Tata's First in Line and Mom's Unexpected News

484 7 2
                                    

~Caleb’s POV~

“Caleb..” – Jake. May gustong sabihin to kanina pa.

At alam ko na naman kung ano yun. Inaantay ko lang naman siya ang mag sabi sakin.

“Oh? Ano ba yun? Kanina ka pa jan Caleb ng Caleb eh.”

“Eh may gusto kasi ako sabihin...” –Jake

Nag lalakad kami ngayon papunta sa P. Noval. Kasi mag lulunch na kami. Simula umalis kami sa Plaza Mayor puro gayan na sinasabi nitong si Jake.

“Shet. Parang alam ko na ang mga ganyang lines. Mag tatapat ka sakin bro? Shet naman oh. Sa tagal ng pinag samahan na...Aray! Ano ba!” binatukan ba naman kasi ako!!

“Ano ba yang pinag sasabi mo!! Ang panira mo, kapikon.” –Jake. Sabay kamot sa ulo niya

“Eh pano ba naman! Kanina ka pa ganyan! Paulit ulit na may sasabihin sakin pero hindi matuloy tuloy! Ano nga ba kasi yon!” sinabi ko sakanya ng para bang naiinis na ako. Pero hindi naman talaga ako naiinis. Hahaha. Kasi nga alam ko na yun sasabihin niya.

“Kasi parang gusto ko na yung kapatid mo eh..” hay sa wakas. Nasabi rin nito!

“Alam ko.” Mahinahon kong sinabi na parang hindi big deal sakin yon.

“Ha? Pano? Ayos lang sayo?” tanong niya sakin. Napahinto siya ng lakad at humarap sakin. Kaya huminto na rin ako at tumingin sakanya.

Nasa may field na kami. Yun mahabang lakaran papunta sa Noval.

“Hindi.” Mahinahon ko pa ring sinabi. At parang gulong gulo na siya kasi ang hinahon ko lang. Which is hindi niya naman ata ineexpect na ganito magiging reaction ko.  

“Sorry Caleb. Sorry talaga. Bigla nalang kasi. Bigla ko nalang naramdaman.” –Jake

“Unang una, kilalang kilala kita, Jake. Kilalang kilala. Alam kong mahilig ka sa babae, pag laruan ang feelings ng mga babae. At kilala rin kitang mag mahal, sobra sobra ka mag mahal. Kaso kapatid ko kasi yun. At kilala mo rin ako kung gano siya kaimportante sakin. Kung pumayag man ako na pwede mo siya ligawan, nakay Jade pa rin ang desisyon. At kilala mo rin siya kung ano ang tingin niya sa mga lalaki.” –explain ko sakanya

“Alam ko lahat yun. Kaya siguro gusto ko humingi lang ng isang pag kakataon para patunayan sarili ko sayo at syempre sakanya.” –Jake

“Sa ngayon siguro hindi ako mangengalam. Pero hindi kita tutulungan jan, okay? Ikaw bahala dumiskarte.” Sabi ko sakanya. “Tara na. Gutom na ako eh. Mag ta-time nanaman di pa tayo nakaka kain.” Inakbayan ko na siya at hinila na kasi gutom na gutom na talaga ako.

Actually parang ayaw ko talaga payagan si Jake na subukan ligawan si Jade since alam ko na naman kung sino ang gusto ni Jade. Kaso kung makikita niyo yun mukha ni Jake kanina, parang seryosong seryoso talaga siya kay shobe.

Wala rin naman kasi akong karapatan siguro kasi si Jade yun. So nasa-sakanya pa rin ang desisyon na yun.

______________________________________________________________________________

~Jake’s POV~

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko. Nakakapagod ngayong araw na to eh.

Kala ko talaga magagalit na sakin si Caleb, pero hindi. Hindi ganon ang ineexpect ko na reaction mula sakanya. Pero hindi ko na proproblemahin ang dapat o ano ang magiging o naging reaksyon. Tapos na rin naman eh.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon