Chapter 15 - Tiffany's Back

501 8 4
                                    

~Tata's POV~

"Sige na Kim! Sasamahan mo lang naman ako eh!! Tsaka para sa kapatid mo naman bibilhin ko. At kasama si Jade! Diba crush mo yun?" Natatawa kong sinabi kay Kaizen. Pano ba naman! Magpapasama lang para mag pa bili ng regalo kay Mikko, kapatid naman niya yun, ayaw pa! Isasama ko na nga si Jade eh.

Pero isasama ko si Jade para may katulong akong pumili, swerte nalang at crush siya ni Kaizen kaya naman...

"Loko ka ah. Kay Fort na nga yun. Sasamahan ka na! Tigilan mo lang ako." Asar niyang sinabi.

~FLASHBACK~

Kakatapos lang namin kumain kasama si Jade. At mag papahinga lang kami sandali para sa training. Nauna ako matapos kumain kaya lumabas muna ako ng canteen para mag pababa ng kinain. Si Jeric naman hinatid si Jade sa kuya niya. Lakas talaga ni Captain, dumada moves eh.

Di pa naman sinasabi ni Jeric samin na gusto niya Jade, pero kung araw araw mo nakakasama si Jeric, iba siya kumilos simula nung nakilala niya Jade. Sinasamahan nga niya ako pumasok maski dati hindi naman. Hahaha.

Pero infairness, maganda naman kasi at cute si Jade. Simple lang siyang babae. Walang arte sa katawan. Ni hindi nag me-make up.

"Ta, crush ko na kaibigan mo. Kaso mukhang type na din ni Captain." Mahina niyang sinabi, na kinagulat ko naman.

Bigla bigla nalang kasi sumusulpot. Mag isa lang ako biglang may kakausap..

"Ano ka ba naman! Nakakagulat ka!! Oo, simpleng maganda noh? Oo, halata naman. Eh kahapon pa mukhang balak ni Captain kausapin si Jade eh. Sumbong kita kay Captain." Sabi ko kay Kaizen.

"Hoy wag! Crush lang naman! Cute kasi. Chinese pa. Sakto. Kaso.. Kay Jeric na nga yun. Ngayon lang naman naging lalaki ulit yun eh." -Kaizen.

Wow ah. Mapag bigay talaga tong si Kaizen sa kaibigan. Sobrang bait lang talaga niya. Minsan nakakainis na nga to sa sobrang bait eh.

"Yun nga eh. Pero pwede mo naman agawin. Hahahah" tawa ako ng tawa. Kasi kapag ginawa niya yun. Papatayin siya ni Jeric sa training.

"Susumbong kita. Sabihin ko ikaw jan ang nag sabi agawin ko."

"Subukan mo!" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Talaga. Wag kang lalapit sa kapatid ko ah!"

"Bro! Walang ganyanan. Quiet nga ako oh." Nag action ako ng zinipper ko na bibig ko.

~END OF FLASHBACK~

Bwahahaha. Buti naman at pumayag na ang loko.

Sa totoo lang hindi ko pa na tatanong si Jade, kaya naman tinext ko agad siya.

SMS Conversation between Jade and Me:

Me: Jade!! May malaking favor ako sayo. :D

Jade: yes? Ano yun? :)

Me: Papasama ako sayo bumili ng regalo para sa liniligawan ko. Hehe. Okay lang? :) Gusto ko kasi hingin opinion mo eh :D

Jade: Sure!! Nice naman. :)) When ba?

Me: Tomorrow? Trinoma? :) Okay ka lang?

Jade: Yes po. Okay po ako bukas. Text mo nalang po ako saan mag kita :)

Ayan. Ayos na. Medjo kinakabahan ako. Wala pa talaga akong ka ide-idea kung ano ibibigay ko kaya buti at pumayag si Jade sumama bukas.

"Oy Ta! Bakit parang nalugi ka jan?" Nagulat ako ng biglang nasa harap ko na pala si Fort.

"Wala pre. Wala pa kasi ako idea ano bibigay ko kay Mikko." Sagot ko sakanya.

"Eh ano ba balak mo? Kay Kaizen ka mag papa tulong, diba?" -Jeric

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon