Chapter 18- Sam's Dayout

359 11 13
                                    

Chapter 18-Sam's Day-out

~Jeric's POV~

Super naeexcite ako. Paluwas na kami ng Manila ni Sam at ng yaya niya. Super excited din si Sam kasi minsan ko lang siya isama eh. Tapos nalamn pa niya aalagaan siya ni Jade. Oo, kwinekwento ko si Jade kay Sam. Yun tipong nag sasalita lang ako habang nag lalaro si Sam. Haha.

Nun medjo malapit na ako sa UST, nag text na ako kay Jade.

SMS To Jade Sy:

Goodmorning! :) Lapit na kami ni Sam sa UST. Haha. Drinop lang namin yaya niya sa condo. May training kami so baka sa court na kami ddaretso. :)

Nagulat naman ako ng may nag text na. Bilis mag reply.

SMS From Jade Sy:

Haha. Actually nag preprepare na ako. :) Goodmorning din po.

Ayun. Haha. Kala ko di ko siya makikita ng maaga ngayon eh. 5am palang naman.

SMS to Jade Sy:

Wow! Ang aga mo ah!! Ganyan ka ba ka excited na makita si Sam? Haha. Text kita maya ha? Nag ddrive lang ako. Ingat! See you :)

Ng nasa court na kami, yun mga guys naman nag si lapitan kay Sam, pinag bubuhat buhat at nilalaro. Ako ang natatakot sa kapatid ko baka mapilayan, ayaw ko naman pigilan kasi mukhang nag eenjoy si Sam sa mga kuya niya. Tinitingnan ko lang sila ng bumukas yun pinto. Si Jade na.. Napatayo ako sa kinauupuan ko sabay lapit sakanya.

"Goodmorning," naka ngiti kong sinabi sakanya, "ang aga mo grabe. Mamaya pang 2 class mo ah."

"Goodmorning. Haha. Oo nga eh. Kasi masyado akong na excite."Nasan na si baby girl?"

"Jade!!" sabay na lumapit si Kaizen at si Tata. "Iba ka talaga! Ang aga mo naman, ganyan mo ba kami namiss?" sabi ni Tata sabay akbay kay Jade.

Tiningnan ko si Tata na para bang alisin-mo-kamay-mo-sa-balikat-niya-kung-hndi-patay-ka look. Masunurin naman siya at binaba rin niya. Haha. Takot lang nila mamaya.

"Eh kasi andyan si Sam eh. So nag madali talaga ako para maka laro ko pa siya bago ako pumasok." sabi ni Jade ng nakaharap kay Kaizen at Tata.

"Sus! Kaya pala, cap eh. Talaga nga nam...." naputol sasabihin ni Tata ng biglang sumigaw si Sam.

"Are you ate Jade?? da girl uya ish talking bout?" aba, bubukuhin pa ako nitong si Sam. Naka hawak siya sa blouse ni Jade. Hinihila niya.

Sabay kami naman ni Jade lumuhod. Kasi dapat kukunin ko si Sam, eh si Jade lumuhod din para hawakan si Jade sa mukha.

"Hi baby Sam. Yes, I'm Ate Jade. How are you? Did you eat your breakfast na?" tanong ni Jade at kinarga si Sam. Tumayo na rin ako at si Jade na bitbit si Sam.

Pag lingon ko, buong team nakatingin samin! Nakangiti na mukhang mga baliw. Buti hindi nakita ni Jade kasi nakatingin siya kay Sam. Sinenyasan ko sila na tigilan ako. Baka ano pa isipin ni Jade eh. Haha. Pero bakit ang cute nila ni Sam? nakakainlove siya tingnan na linalaro kapatid ko.

Wait, what? nakakainlove? Sabi ko sa sarili ko kasi na iisipin ko crush lang muna. Ayaw ko madaliin. 1 week palang kami magkakilala.

"Di pa kayo mag training?" tanong niya sakin.

"Mag start na rin. Ikaw na muna bahala kay Sam ah?"

"Syempre naman. Yaya nga diba? Nga pala, nasan mga gamit niya? gatas niya? tsaka extra damit and all?" wow. alam na alam niya ah. tinuro ko un bag ni Sam sa gilid na katabi rin bag ko.

"Andun. Andun na lahat ng nabanggit mo. Haha. Galing ah. Sige start na kami. Ikaw na muna bahala kay Sam." sabi ko. Si Jade at Sam naman nag start na mag lakad papunta sa bench. Ang mga loko biglang nag si galawan nun nakita at narinig nila na mag start na kami.

~Jade's POV~

Nakatingin lang ako sa Tigers mag practice since nag lalaro lang naman si Sam sa iPad. Haha. Ang gagaling pala nila noh? Now lang kasi ako nakanuod ng ganyan. Eh usually sila Jake and ahya lang kasi nakikita ko mag basketball, hindi ko pa pinapanuod kasi nag babasa lang ako. Mga feelers mga yun eh. Hahaha. Joke lang. Magagaling din sila, pero syempre iba ang galing ng Tigers. Hehe.

After 30 minutes of playing in my iPad, nag sawa na ata si Sam. Hahaha.

"Ate Jade, am so hunwry na, I want McDo! phuleasse?" bakit ang cute mooo baby girl! Hihi. Naeexcite na ako sobra. Sana wala nalang kasing pasok eh. Haha.

"Okay baby girl. Let's ask your kuya first, okay?" nag signal ako kay Forts na aalis muna kami. Tapos ayun, lumapit muna siya samin.

"Kain muna daw siya sa McDo. Okay lang? Sasamahan ko naman eh." paalam ko kay Fortuna.

"Kwuya, phuleeeaaase? I wanna eat McDo fwries and.. and.. chicken!!" sabi ni Sam. Ang cute sobra!

"Okay. But, i have one condition for you. You have to buy me hamburger? Can you do that for kuya?" english talaga ang gusto ah? Pero in fairness pogi points kay Fortuna yun mag english ah.

"But.. but.. kuya.. I dwont haf money! Do you haf money ate Jade?" sabay tanong sakin. Tumawa si Fortuna.

"I have baby girl. Don't worry. We'll buy your kuya hamburger so you can eat na sa McDo. Okay? Let's go?" inextend ko sakanya yun kamay ko para hawakan ni Sam. At hinawakan nga.

"Sam, behave okay? Ate Jade has a class pa so don't be so makulit." bilin niya kay Sam.

Bumitaw si Sam tapos nag full turn siya na kaharap kay Fortuna and nag salute siya, "Yes kwuya!"

***

Nasa Mcdo pa kami ng pumunta si Forts. Di ko namalayan oras. 9:30am na pala.

"Grabe ang tagal niyo bumalik. nakaligo na kami lahat wala pa kayo ah. Mukhang nag eenjoy kayo pareho." sabi ni Jeric sabay hila sa upuan na katabi ni Sam. So parang katabi siya ng kaharap ko.

Daming tumitingin kay Forts. Di ako mapakali. Parang gusto ko umalis. Kasi mga babae nasa gilid na parang nag hehesitate nalang sila lumapit.

"Jeric, may mga gusto ata makipag picture sayo." bulong ko sakanya. Si Sam kasi nag kakain nanaman ng fries so busy siya mag dip sa ketchup. Hahaha.

"Okay lang ba sayo? Nakakahiya kasi sayo kapag iwanan ko kayo." bulong niya sakin.

Actually para kaming tanga dun lapit lapit nag bubulungan. Haha.

"Kanina pa kami ni Sam dito na wala ka. Haha. Go na." sabi ko sakanya. Pabulong pa rin.

Eh nakatingin lang sakin si Fortuna nun. parang nag aalangan pa rin. Soooo...

"Hiii. Gusto niyo makipag picture sakanya?" kinausap ko mga ibang babae sa gilid tapos tinuro ko si Fort.

"Oo ate!"

"Pwede ba?"

"Girlfriend ka po ni Kuya Jeric?"

"Wow ah. Feeling magaling naman to."

Iba iba narinig ko na sagot. Pero pinaka walang modo yun narinig kong "feeling magaling". Linapitan ko yun tatlong babae.

"Hindi naman sa feeling magaling. Gusto ko lang kayo tulungan. Kung ayaw niyo, wag nalang." sabi ko sa harapan ng tatlong babae. Di sila makatingin eh. Hahaha.

Bumalik ako sa mga ibang babae at isa isa sila kinausap at nag explain. "Sorry ah. Di naman ako ganun. Ayaw ko lang ng may magsalita ng bastos sa harap ko, ako na nga gumagawa ng favor nila."

"Okay lang ate. Bait mo nga po. Di kami makalapit eh. Nahihiya kasi kami. Salamat sayo." sabi ng isang babae.

"Sige. Tara na?" aya ko sakanila.

Lumapit na sila kay Jeric kasama ko. At isa isa nakipag picture. at sa sobrang sikat ni Sam pati siya kasama din sa picture.

Tapos na sila lahat makipagpicture at nag salita si Jeric, "Pwede kayo naman mag picture samin"

"Sure po!!" isa isa na sila nag labas ng camera ulit at binigay ni Jeric phone niya sa isang babae. At kinuhanan na nila kami ng picture kasama si Sam.

"Salamat ah. Support niyo kami." aba nag campaign pa tong loko na to. Haha.

At umalis na sila. Kasi yun iba mag klase pa daw.

"Nakakahiya naman yun baka ano isipin nila." sabi ko sakanya.

"Bakit? Masama ba makipagpicture sayo ngayon? Bayaan mo na. Nangyari na. To naman. Haha. Tara na. Lakad na tayo." at ayun. nag lakad lakad muna kami sa loob ng UST.


Habang nag lalakad, nag cecellphone si Jeric. At maya maya may tumunog sa phone ko.

Notif sa Instagram.

@jericfortuna: Breakfast with my baby Sam and her yaya @jadesy. Hahaha.


At ayun, tuloy tuloy ang likes and comments. Hindi ko na binasa kasi mas gusto ko alagaan si Sam kaysa sa mag basa ng comments nila. Hahaha.


"Grabe, pinost mo agad ah. Hahaha." sabi ko kay Jeric.

A/N: Hi guys!! Super duper truper late update ako. And maikli lang. Vote or comment po if may nagbabasa pa. Feeling ko kasi wala na po delete ko nalang. Hehe. But if meron pa i'll update pa rin. May ginagawa rin kasi ako new story eh. :) Thanks po. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon