~Jade's POV~
Whew. Unang araw ko pa lang ano ano na nangyayari. Pag ka uwi ko, sinalubong agad ako ng aso ko. Si Cassie, Golden Retriever ang breed niya. Nakita ko sila mommy at daddy sa dining table, kumakain na sila ng lunch. Since 11 pa lang naman, hindi pa ako gaano gutom kaya binati ko lang sila at umakyat na rin ako sa kwarto ko.
Ng nasa loob na ako ng room ko, humiga agad ako. Parang sobrang pagod ako maski wala naman masyadong ginawa. Sumunod lang sakin si Cassie, si Cassie yun aso ko na Golden Retriever. Humiga rin si Cassie sarili niyang higaan. Habang nakahiga ako bumabalik ulit sa isip ko mga nangyari kanina. Kilala na nga ba ako ng mga basketball player na irregular sa class namin at mga pinagkakaguluhan ng mga babae? Galit kaya mga ibang babae sa class namin sakin dahil ako tinabihan ni Clark? Bakit napaka big deal sakanila ng mga basketball players? Ano ba meron? Ang daming tanong na nafo-form sa isip ko ng biglang nag vibrate yun phone ko.
SMS From: Anne
Ui! Sorry now lang ah. Dami agad ginagawa eh. Oo nga pala! May super gwapo ako ng naging kaklase! Grabe lang. :"> Pauwi na ako ngayon. Kwento ko sayo bukas!
Reply to: Anne
Hahahahaha. Ikaw talaga! Ang hilig mo sa mga gwapo gwapo eh. O sige na, ingat ka pauwi! :)
Si Anne talaga. Lagi nalang kinikilig pag may nakikitang gwapo. Hahaha.
Onti onti ng pumipikit mata ko sa sobrang antok. Hangang sa nakatulog na ako...
Nagising nalang ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tok*tok* tok*
"Bukas po." Sigaw ko.
"Shobe, gabi na. Kain ka na raw sabi ni ate Ai. Wala pa ang mommy mo at daddy mo eh. May inaasikaso pa raw, tumawag kani kanina lang." sabi ni ate Lina.
Si Ate Ai ay napakatagal na samin, kasambahay namin siya. Simula pinanganak ako siya na nag aalaga sakin. Si Ate Lina naman ay dumating lang samin last 3 years. Pareho silang matagal na samin. Shobe naman ang tawag sakin dito sa bahay. Since ako lang babae samin, yun tawag nila sakin. Kasi ang 'shobe' yan ang little sister sa chinese. Medjo may lahi rin kasi kaming chinese. May isa akong kuya. Si Caleb. Tawag naman namin sakanya dito sa bahay ay 'ahya', ang 'ahya' sa chinese ay nakakatandang lalaking kapatid. Sobrang bait ng kuya ko, nag memed-tech siya ngayon sa University of Santo Tomas, 3rd year na rin siya.
"Si ahya po?" tanung ko naman kay ate Lina.
"Halos kararating lang din. Sabay na kayo kumain, hinahanap ka rin niya." Sagot ni ate Lina.
"Osige po. Bababa na rin po ako. Magbibihis lang." paliwanag ko habang bumabangon na sa kama.
Nag bihis lang ako saglit at bumaba na rin. Ng makita ko si ahya napayakap agad ako sakanya. Lately kasi medjo hindi kami nagkikita kasi nun bakasyon namin kasama niya mga barkada niya sa Boracay. Dun sila nagbakasyon.
"Shobe, bakit?" tanung niya habang naka yakap ako. Mukhang nag aalala siya.
"Wala po. Namiss lang kita." Sagot ko sakanya.
"Asus nag drama nanaman shobe ko. Tara, kain na tayo." Sabi niya habang naka hawak siya sa ulo ko at ginulo buhok ko. Ganyan lagi si ahya eh, lambing niya yun mang gulo ng buhok. Hahaha.
Nasa dining table na kami at kumakain. Bigla kinamusta ni ahya yun first day ko.
"Okay naman. Ayun. Nag bibigayan lang sila ng syllabus then aalis din. Oo nga pala, ahya. Kilala mo ba si Clark Bautista? Pati mga ibang player ng UST?" tanung ko sakanya.
"Buti naman. Ganyan lang talaga ang first day sa college. Oo naman. Syempre kilala ko yun mga yun. Mga basketball players eh. Bakit?"
"Wala lang naman. Kasi nakatabi ko yun si Clark sa isang subject, irregular daw siya, tapos pinakilala din niya ako sa iba pang players." Paliwanag ko habang tumatawa.
"Wow ah. First day pa lang dami mo na kakilala, mga basketball players pa." asar niya sakin. Si ahya kasi dati nag lalaro din siya ng basketball, kasali siya sa team ng building niya kaso na aksident siya at napilayan sa paa, kaya simula nun medjo tumigil na muna siya sa pag laro dahil delikado daw ito sabi ng doctor.
"Ahya naman. Eh pano, ang weird weird kasi. Pag tabi niya sakin itatanung niya ano first subject, eh malamang dapat alam niya yon. Tapos, mag tatanung ng oras? Wala ba siyang cellphone or watch? Pag labas ko naman nakita ko sila, nag feeling close, kinausap ako tapos pinakilala ako sa mga ka-team niya." tuloy tuloy ko na paliwanag. Habang naaalala ko kasi lalo ako naiinis. Hahaha. Mainit medjo ulo ko pag dating sa mga ganyan.
"Talaga to. Syempre papansinin ka nun. Kaysa naman sa hindi ka papansinin? Gusto mo ba yun? Mahirap maging irregular, shobe. Hahaha. Kaya tulungan mo nalang rin siya." Explain naman ni ahya. Haaay.
After kumain, umakyat na rin ako at nag online. Tiningnan ko Twitter ko. Sinearch ko si Clark Bautista at si Jeric Fortuna. Ng lumabas ang result, grabe! Si Fortuna 500 thousand plus and followers? Si Clark naman 200 plus thousand. Grabe ah. Di rin sila sikat. Hahahhaha. Hindi ko sila ifa-follow. Nag tweet lang ako..
Tweet:
@jadesy07: What a day. -___-
Nag log out na rin ako pag tapos ko i-tweet yun at natulog na rin.
Kinabukasan, si ahya Caleb na kasabay ko pag pasok kasi wala pa rin si mommy and daddy. Lagi naman ganun, wala sila madalas sa bahay kasi busy sa trabaho. Pero okay lang kasi andyan naman si ahya lagi at sila Ate Ai at Ate Lina.
"Shobe, text mo nalang ako mamaya kung uuwi ka na ha? Mga 6pm pa kasi uwian ko. Kung gusto mo sabay nalang tayo or pasundo ka kay Kuya Ed." sabi sakin ni ahya habang nag dra-drive siya.
"Osige ahya. Baka antayin nalang kita. Mag stay nalang ako sa library or magiikot ikot mamaya. Text mo lang ako pag malapit na kayo mag uwian, puntahan kita sa building mo."
"Sure. Text text nalang." inabot nanaman niya ulo ko at ginulo buhok ko habang nakatingin pa rin siya sa daanan.
"Ahya naman ehhhh!" sigaw ko sakanya. Tumawa lang siya.
Nag concentrate nalang si Ahya mag drive hangang sa nakarating na kami sa UST. Tinabi niya yun car niya sa tabi ng building namin.
"Thanks, ahya. Later nalang. Bye. Ingat." kiniss ko siya sa cheek. Sobrang close kami ni ahya kaya ganun kami sa isa't isa.
"Okay. Love you, shobe."

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanfictionAno nga ba usually ang type ng isang gwapo, sikat at habulin ng babae na UAAP Player? O ready na nga ba siya sa love o bitter pa rin siya kay bruhang ex? Ano nga ba ang type ng isang typical chinese na babae at para sakanya isa lang ang lalaki s...