~Jade’s POV~
“Oh, eto ang Plaza Mayor. Dito mo ba daw siya aantayin?” –Jeric.
“Oo. Patapos na rin naman daw sila. Ui super thank you talaga ah. Ngayon lang ako nakatikim kasi ng ganon kasarap na desert.” Grabe kasi. Ang sarap talaga. Next time try niyo. Para akong nasa langit kanina.
“Tama na, Jade. Masyado ka na! Nakakahiya na nga na kumain ka na parang baboy sa harap ni Fortuna eh. Move on na. Araw araw naman pwede mo kainin yan eh!” yan ang sabi ko sa sarili ko.
“Upo muna tayo.” Sabi ni Fortuna. Pinaupo muna niya ako sa isa sa mga upuan bago siya umupo sa tabi ko. “May class ka bukas?”
“Meron eh. 2-6 class ko bukas. Buti nalang hapon pa. Ikaw?” tanong ko sakanya.
“Meron din. 1-7. Boring pa naman ng mga subjects ko bukas. May class ba sainyo bukas si Clark?” tanong niya.
“Hindi ko sure eh. Hindi kasi niya nasabi sakin yun mga subjects na kung ano meron siya sa class namin. Oo nga pala! Yun baby niyo! When mo siya dalhin dito? Na eexcite na kasi ako.”
Super excited na ako makipag laro sa baby. Super pangarap ko dati mag ka roon pa ng mas batang kapatid eh.
Linabas ni Fortuna phone niya. At may pinakita siya sakin na picture. Picture ng super duper cute na baby. Kamukha rin ito ni Fortuna. Dulo lang ng buhok niya ang kulot. Naka hawak siya sa braso ni Fortuna.
“Yan si Sam. Bunso namin. Baka sa Monday dalhin ko siya. Since wala pa naman masyadong gawa dun muna siya sakin hangang Wednesday.” Sabi ni Jeric.
“Wow, talaga? Promise ah! Pwede ko ba siya ipasyal dito sa UST pag tapos ng class ko? Ikot ikot lang kami. Please?” nag please ako sakanya with kasamang hand gesture pa. Yun parang nag dadasal? Ayun. Hahaha.
“Oo naman. Diba sabi ko naman sayo ikaw yaya nun? Kaso makulit yun sobra.” Hihi. Yaya daw. Naeexcite ako lalo. Expert naman ako sa pag alaga ng baby eh. Hahaha.
“Oo, expert ako pag dating sa mga bata.” Tapos tumayo ako, kasi nakita ko na si Ahya palabas ng building nila kasama si Jake.
“Halika Jeric. Gusto mo ba sumabay samin kumain kasama sila Ahya? Kaso nga lang baka ma late ka na. Sa may Banawe daw kami kakain eh.” Aya ko sakanya.
Kasi hindi pa siya kumakain, eh nag training pa sila kaninang umaga, tapos cereal lang? Sure ako gutom lang to, tinatamad lang mag isa kumain.
“Ahya!!” sabay takbo ko kay ahya. Hinug ko siya. “Kilala mo na diba? Jeric Fortuna? Sabay nalang natin siya mag eat, di pa siya kumakain ng dinner kasi sinamahan niya ako wait sayo.” Tumingala ako kay ahya para makita ano sasabihin niya. Medjo matangkad kasi siya sakin.
“Hi Jake!!” nakipag appear ako sakanya.
“Pre. Thank you sa pag sama sa shobe ko ah? Tara na. Sumama ka na samin. Sa Banawe kami. Okay lang sayo?” tanong ni Ahya kay Fortuna.
“Wala yun. Nakakatuwa naman kasama si Jade eh. Haha. Ayos lang. Cge.” Sagot ni Fortuna.
“Sige. Tara na?” aya ni Ahya. Sila ahya at Fortuna muna nag usap. Ako kasi sumunod ako kay Jake. Siya kausap ko.
At ayun, para nanaman akong bruha nito dahil ginulo nanaman niya buhok ko. Tapos inakbayan ako ni Jake.
“Hoy ikaw ah. May something na ba kayo niyan ni Fortuna?” tanong ni Jake, gamit ang mapang asar na tono ng boses niya.

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanfictionAno nga ba usually ang type ng isang gwapo, sikat at habulin ng babae na UAAP Player? O ready na nga ba siya sa love o bitter pa rin siya kay bruhang ex? Ano nga ba ang type ng isang typical chinese na babae at para sakanya isa lang ang lalaki s...