~Jade's POV~
Second day na ng college. Kinakabahan pa rin ako. 7am pa lang na sa room na ako. Pinaka ayaw ko kasi sa lahat ay laging late. Nakakahiya na pumasok pag late. Umupo nalang ako sa pwesto ko kahapon at nag drawing at nakinig ng music.
Makalipas ang ilang minuto, nag sisipasukan na rin ang mga iba kong classmate. Ng tumingin ako sa pinto, andun si Clark, papasok nanaman at kasama niya yun mga ibang ka team niya. Iba mga uniform nila so baka hindi sila dito, hinahatid lang si Clark. Bakante nanaman ang upuan sa tabi ko kaya dun umupo si Clark since ako lang naman ata kilala niya sa room na to.
"Hi. Morning." Bati sakin ni Clark.
"Morning din." Bati ko rin naman.
"Hello! Jade, tama?" tanung sakin ni Jeric Fortuna. Grabe, bakit ang gwapo niya?
"Oo. Jade. Hi!" binati ko na rin siya at nag smile.
Sumunod na bumati naman si Paulo, "Hi! Morning! Pag makulit yan si Clark wag mo nalang pansinin, ganyan talaga yan." Pabulong niyang sinabi sakin tapos tumawa.
Sabi naman ni Aljon, nahuli siyang pumasok, "Ui! Ikaw yun kahapon ah! Hello!" ngumiti siya at nag wave, okay, naharangan na nila yun view ko sa buong classroom. Pero infairness ah, ang babait pala nila.
Grabe mga hiyawan ng mga babae sa labas ng room, pati mga classmates ko rinig ko rin. Ano ba kasi meron sa mga to? Ang awkward naman dito, lahat sila lalaki nakapaligid sakin tapos ako lang babae, hindi ko alam ano gagawin ko kaya linabas ko nalang muna drawing notebook ko at nag draw.
"Wow. Ang galing mo pala mag drawing!" medjo pasigaw na sabi ni Jeric Fortuna.
Sabi ko naman, "salamat." Habang nakatango sakanya. Medjo matatangkad din kasi tong mga to.
"Pwedeng patingin?" tanung ni Fortuna. Inabot ko sakanya yun notebook at dahan dahan niyang linilipat yun pahina.
"Cool niyan pre ah!" halatang namangha rin si Clark sa drawing ko. Hindi naman ako ganun kagaling mag drawing, mga parang cartoon cartoon lang mga drawing ko at mga doodle.
"Fort, tara na! Mag ta-time na rin!" Sigaw ni Aljon mula sa labas ng room.
Binalik na sakin ni Fortuna yun notebook ko at sinabi niyang, "Thanks!" tapos nag smile siya at umalis na rin. Si Clark nalang ang naiwan.
"Clark, una na kami. Kita nalang maya. Bye, Jade!" paalam din niya sakin, wow, kinilig ako ah. Nung lumabas si Fortuna lalong umingay ang mga babae sa labas.
Dito naman sa room... Ayun, nakatingin pa rin sila sakin. Yun iba kay Clark. Nakakainis naman ang ganitong feeling.
"Jade, swerte mo ah. Nag bye sayo si Fortuna." Pabulong din niyang sinabi sakin habang nakangiti.
"Ha? Bakit naman? Ano swerte dun?" tanung ko sakanya. Pero deep inside kinikilig ako.
"Hindi kaya namamansin ng ibang babae yun, siguro mga friends niya oo. Pero diba kahapon ko lang naman ikaw pinakilala sakanya? Kaya nakakapag taka. Buti wala dito sila Paulo at si Aljon kungdi mang aasar yun mga yun." Paliwanag niya sakin.
OKAY!!! KILIG TO THE MAX!! :))))
"Ah. Ganun ba?" di ko alam sasabihin ko eh.
"Hahahaha. Pero bakit parang normal lang yun kilos mo or parang ang normal mo lang makipag usap samin? Kahapon parang ang taray mo pa." tanung naman niya sakin.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
FanfictionAno nga ba usually ang type ng isang gwapo, sikat at habulin ng babae na UAAP Player? O ready na nga ba siya sa love o bitter pa rin siya kay bruhang ex? Ano nga ba ang type ng isang typical chinese na babae at para sakanya isa lang ang lalaki s...