I feel doped.
Then, my phone starts ringing.
Matapos akong talakan at ipahiya ng superior ko, naisip ko na huwag na munang mag-overtime. I worked all night for the past few days, hindi naman siguro masamang magpahinga muna. Kaya nakahiga ako ngayon sa aking malambot na kama, yakap-yakap ang aking napaka-huggable na unan. Hindi pa nga ako nakabihis pero ang sarap-sarap ng matulog.
But, my phone keeps on ringing.
"Hello?"
"Hello, anak..."
"O, Nay. Napatawag po kayo..."
"Okay ka lang ba, anak? Magpapahinga ka na ba? Bukas na lang ako tatawag ulit..." Napangiti ako bigla. Si Nanay talaga.
"Kakauwi ko pa lang po, Nay. Pero, okay lang po. Ano? Kumusta na kayo 'dyan?"
Miss na miss ko na kayo.
Narinig kong may pinindot si Nanay. I think she made the call on loudspeaker. There were voices all over the phone. Kay Nana, kay Scarlett at kay bunso. Bigla tuloy nawala 'yung antok ko.
"Okay na okay kami dito, Ate."
"Ate! Malapit na ang graduation ko! Kailangan nandito ka sa araw na 'yun, sasabitan niyo ako ni Nanay ng medalya!"
"Talaga lang 'ha, Scarlett!"
"Oo, apo. Running for cum laude itong si Scarlett."
"Ang tatalino talaga ng mga kapatid ko, nagmana kay ate!"
"Anong nagmana sayo? Ang sabihin mo, nagmana kayo sa akin," hirit ni Nanay.
Puro asaran talaga sa tuwing tumatawag sila Nanay. This is what I love about distance, about phone calls and missing someone, it releases stress better than compulsive overeating. Pasok pa 'to sa budget! 😁
"O ikaw, anak. Kumusta ka naman diyan? Na-promote ka na ba?"
I give in a heavy sigh. Then, there was silence.
"Huwag kang mag-alala, ate. Mapo-promote ka rin kalaunan."
"Kailangan ko ba talagang ma-promote?" pagbibiro ko.
"Siyempre naman, apo. Halos hindi ka na nga raw natutulog nang dahil lang sa trabaho mo."
"Paano niyo po nalaman?"
There was complete silence. Again.
Nagsumbong na naman ang dalawang baliw.
"Anak, huwag mo naman pabayaan 'yang katawan mo. Bugbug na 'yan sa kakatrabaho. Kahit na anong mangyari gumawa ka ng paraan na makapagpahinga," sabi pa ni Nanay.
"Oo, Nay. I'm sure ang OA-OA na naman ng pinagsasabi 'nung dalawa kaya kayo biglang napatawag. Maraming nakalinyang accounts ngayon, Nay, kaya kailangan kong mag-overtime. At kayang-kayang ko naman 'yun, Nay. Sanay na sanay na ako. Huwag niyo akong masyadong isipin dito."
"Ate... Ang drama mo!" singit ni Jade. Biglang napatawa na kaming lahat.
"Miss na miss ko na kayo kung alam niyo lang."
There was silence for the third time.
"Umuwi ka na lang kaya dito, ate."
"Hindi pwede."
"Bakit? Makakahanap ka naman kaagad ng trabaho dito, anak."
"Kailangan ko pang ma-promote, Nay."
"Baliw ka talaga." Narinig ko naman silang nagtawanan. Nag-usap lang kami nang nag-usap hanggang sa rumeklamo na si Nana na inaantok na siya. At sinabi naman ni Nanay na kailangan ko nang magpahinga dahil may trabaho pa raw ako.
YOU ARE READING
Loving Mystery (Ang P.O.V. ng Babaeng Sawi)
RomanceHindi lahat ng nagmamahal panalo. Mayroon ding natatalo. 'Yung umuuwing malungkot, umiiyak pa. And these group of people are called Mga Sawi sa Pag-ibig. Paano ba nagiging Sawi sa Pag-ibig ang isang tao? "When the mysterious hands of Love played wi...