1.8. The Prodigies

6 0 1
                                    

It's been almost 3 weeks now.

This is not funny at all.

Plus Liam is nowhere to be found.

I haven't seen Vain yet.

I've been anticipating to see them with my very naked eye. Pero wala ni anino nila, pinagtitiyagaan ko na lang ang pagmumukha ng amo kong terorista.

Ang pagmumukha lang talaga niya ang mapagtitiyagaan ko dahil konsimisyon lang ang dala ng mga gawi ng lalaking 'yun.

Sa totoo lang di kami gaanong nagkikita 'nun. Bakit? Dahil iniiwasan kong magkita kami.

My 1st week almost drive me insane. Dahil parang hindi naman siya umuwi sa bahay niya sa Brooklyn, wala akong problema 'dun. Ang palagi kong kinatatakotan ay ang magpunta sa unit niya. One time I caught him making out in the living room with some girl. Then, the day after that, sa kitchen na naman. The next days, they have the decency to do the deed in the bathroom and in his room pero rinig na rinig ko naman sila. Wala pang 5 minuto tapos ko na ang paglilinis at umaalis na ako kaagad. Parang naka-schedule 'yung mga babae niya, iba-iba pa. Ewan! At hindi man lang nahihiya 'yung lalaking 'yun sa mga pinaggagawa, napaka-bastos talaga! Ewan ko ba kung bakit maraming nagkakagusto sa bastos na 'yun!

At gawa ng may talino pa naman ako kahit papaano, iniiwasan kong pumunta sa unit niya nang sobrang maaga at sobrang late na. Since on vacation pa naman siya, pwede ko pa siyang iwasan. No wake up phone calls yet. No following him everywhere. Kung may gusto siyang ipagawa, ipabili o iuutos, tinetext niya lang ako o tinatawagan. Mas mabuti na iyong invisible muna ako sa buhay niya dahil parang di ako magtatagal sa trabahong 'to kapag palagi kaming pinagtatagpu ng tadhana.

Gabi na. At nandito pa ako sa bahay ng napakagwapo kong among si Ivan West.

Wait!

Iniisip ko bang gwapo siya?

Patay, inisip ko 'ata!

Gwapo naman talaga siya. Sabi ko di ba well-built siya. Well-built nga siya siguro dahil sa pagsasayaw kaya ganun ka perpekto 'yung body structure niya. Oo na! Hot 'yung damuhong 'yun. At nakakinis lang na alam niyang hot siya. At gwapo nga siya! Mapupungay na brown eyes, perfectly pointed nose, messy raven black hair, malalagong piluka, mapupulang labi... Ano pa ba? Hmmm... Para siyang demi-god... Parang 'nung nagpasabog ng kagandahan dito sa lupa, may major share siyang nakuha. Ano ba naman 'yan, nakakainis talaga! Bakit ko ba iniisip ang bastos na lalaking 'yun?

Nasa may swimming pool ako ngayon. Nakatunganga, naka-indian sit at nakatingin sa langit.

Di nga ako makapaniwala na makakakita ako ng ganito karaming stars dito sa New York.

Ayan na naman ang universe sa harap ko, a vast of mysteries.

Ano na naman kaya ang paandar ni Mystery sa akin ngayon?

"I thought some crazy stalker is up to trouble," sabi ng boses sa kabilang bahagi ng swimming pool.

Lumaki tuloy ang mga mata ko. Anong ginagawa niya dito?

Oo nga pa la, bahay niya pa la 'to. Ahehehehe..

Sa susunod di na ako makikipag-usap kay Mr. Universe, hindi kami nagkakaintindihan 'eh! Aishhh..

"I'm sorr..." Natigilan ako sa pagsasalita ng bigla siyang naghubad.

Kahit nasa kabilang bahagi ako ng swimming pool, kitang-kita ko ang super-hot body ni Ivan West. AHHHHHH!!!! Nang boxers na lang niya ang natira, bigla siyang lumundag at lumangoy papunta sa direksyon kung saan ako nakaupo. He stopped in the railings and stayed dipped in the water.

Loving Mystery (Ang P.O.V. ng Babaeng Sawi) Where stories live. Discover now