1.16. The Stupid but the Right Thing to Do

6 0 0
                                    

I've been with Vain for the last 6 months and now we're back in New York.

Malamig na nga ngayon dahil winter season na. Noong una dahil sa kababawan ko, nilaro-laro ko pa 'yung snow, pero kalaunan hindi na talaga kaya 'eh, ang lamig-lamig na.

Nasa studio lang kami palagi ngayon, dito may vini-video silang routines ni Ivan kaya late kaming nakakauwi palagi dahil marami pa silang pinaggagawa na kung anu-ano.

Nasa labas lang ako ng conservatoire dahil nadi-distract si Ivan kapag nasa loob ako. Natawa ako bigla. Pinapalitan kasi niya 'yung steps ng kung anu-anong kalokohan kaya mas lalong natatagalan matapos 'yung team. Ewan ko 'dun may pagkabaliw din 'yun kung minsan.

Nainip na ako kaya lumabas na lang muna ako at bumili ng kape. Napapadalas talaga ang pagkakape ko ngayon.

I sipped at my coffee while walking on the cold street of New York.

I could see the skyscrapers now in ice.

Ang ganda rin pero naninibago talaga ako sa mga snow.

I looked at some of the billboards and screens. At napaisip ako bigla, I miss advertising. Though I didn't really pursue my first love which is writing, I had learned to love the art of advertising.

I smiled sheepishly while looking at one of the billboards of Vain.

I looked at Ivan West's face.

Kailangan mangyari ang dapat mangyari. And maybe it isn't just the right time for me to do advertising. And it isn't the right thing to do. And maybe New York isn't the right place for me.

I went back in the studio and just stood there in front of the glass wall.

Hapon na dito, marami talagang tao palagi sa mga kalsada.

I breathe in the glass wall and it formed a heart.

I smiled. I didn't know I had this sad smile. Not until now.

I called Liam. But my call just went to his voice mail.

"Liam? Hoy! Si Zu 'to...  Saang lupalup ka na ba ng mundo nagsusuot at hindi ka na umuuwi? Tawagan mo ako kung buhay ka pa dahil marunong din naman akong mag-alala 'noh! Call me back. Bye."

I dialed my mother's number. I don't know but I have this feeling that I really want to talk to her. Mga alas-6 pa ata ng umaga sa Pilipinas sana hindi pa abala si Nanay. Nagri-ring lang din. Mamaya na lang ako tatawag ulit.

I checked on my email.

Hindi online sina Xel at Yssa pero may offline message sa chatbox. Palagi kaming nagcha-chat pero hindi ko pa rin sinasabi ang tungkol sa trabaho ko.

From Xel.

Hoy, bruha! Nakakalimutan mo na kaming e-update sa happenings ng buhay mo diyan! Nagtapat ka na ba doon sa lalaking sinasabi mo?

From Yssa.

Teka! Huwag ka namang magpadalos-dalos, Zu. Protektahan mo ang pagkababae mo diyan, alam mo naman kung gaano ka-open minded 'yang mga tao diyan! We miss you, just so you know! Magpapasko na at kulang kami dito. Di namin maiwasang malungkot. Hu.Hu.Hu.

I replied.

Ganun lang naman din ang buhay dito. Kaka-refill ko na nga lang ng brain cells dahil naubos sa kaka-english. Size O na ako, mga bruha! Joke lang! Pero gusto kung ma-achieve 'yung size 2 kagaya ni Tori Mitchell pero parang ang hirap. And the reason why I mentioned Tori Mitchell dahil may karibal ako doon sa lalaking sinasabi ko na para talagang si Tori Mitchell. E 'di saang lupalup na pupulutin ang kakarampot na ganda kong ito. At long time ex-girlfriend siya! At Oo nga pala, nagtapat na ako sa kanya, Xel. But, don't worry, Yssa, intact pa naman ang pagkababae ko... Kaya lang parang wala namang nagyayaring maganda sa love life ko kung mayroon talaga ako 'nun. Iniyakan ko na nga ang kumag na 'yun! Ewan! Hindi ko talaga gets ang mga nangyayari kaya nga parang na-realized ko na rin ngayon na nami-miss ko na kayo. Pero, konti lang. :D Ayaw kung umiyak kaya hindi na ako mag-huhuhu dahil baka maiyak talaga ako. Sige na! Bye, girls! Ingat kayo diyan. Lablab ko kayo!

Loving Mystery (Ang P.O.V. ng Babaeng Sawi) Where stories live. Discover now