Can I really do this?
Malayo sa mga minamahal ko?
Be away from home?
Kaya ko ba talaga 'to?
Hindi ko 'ata kaya.
I looked at the people around me. Si Nanay, si Nana, si Scarlett, si Jade, si Xel at si Yssa.
Nasa iisang sasakyan kaming lahat ngayon papunta sa destinasyong kinatatakotan ko sa mga oras na 'to. Papunta sa airport.
"Okay ka lang ba, apo?" tanong sa akin ni Nana.
"Ninenerbyos ako, Nana," sagot ko.
Nakatingin silang lahat sa akin. Tinging may halong mga katanungan at awa. I felt jittery now.
One minute, they all blinked at me, a second after, tinatawanan na nila ako. I just made a face. They're not taking all of this seriously! Oh, bakiiiiiiiit?????
Kung alam ko lang, ngangawa ang mga 'to mamaya pagkakita sa eroplanong magdadala sa akin palayo sa Pilipinas. Malayo sa kanila. We've been discussing this a lot of times, I never even thought na darating 'tong araw na 'to. Yesterday I was so excited about the whole event, about being in a new place with new people. I was excited until this minute. I feel like puking or something. So I did what I usually do. I prayed.
I know the universe will conspire for each of our destiny. I summon all spirit guides to enlighten me. Lord, bigyan niyo naman ako ng isang sign. Isang sign lang. Please, Lord. Just one sign.
Biglang huminto ang sasakyan. And when I opened my eyes, I saw it.
The sign.
Vain's Concert Countdown: 07:25:03.
OHMYYYYYYYYYYABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ! 7 hours to go? Paanong di ko alam 'to??? Hindi na ako lilipad!!!
"Nay! Ihinto niyo po 'tong sasakyan. Hindi na po ako tutuloy."
"Ano?" biglang tanong nilang lahat sa akin.
"Ayan na, Nay. Ang sign na hinihingi ko," sabay turo sa papalayong screen ng Big Dome.
Tiningnan nila ako na parang nakakita sila ng taong baliw.
Ano ba! Sa maka-ilang beses na tinangka kong makita ang Vain sa personal, hindi ako nagtagumpay. First attempt 'nun ay nasa college pa ako. Wala pa akong pera kaya hindi ko magawang bumili ng ticket nila, ang ginawa ko pumunta na lang ako ng airport para maghintay sa pagdating nila, 'eh sa galing pa ako ng ilang overnight 'nun dahil may exams kami, kaya 'yun nakatulog ako sa airport. Nang nagising ako dahil sa naging komosyon ng mga tao, ang nakita ko na lang ay ang fur ng coat ni Sky. Nakontento na lang ako sa kakarampot na fur. Sa pangalawang pagkakataon naman ay naubusan ako ng ticket pero hindi ako tumigil kumalap ng impormasyong magtuturo sa akin kung saang lupalop ako makakukuha ng most unavailable concert tickets ng Vain. At salamat naman, may nakita talaga ako, may kamahalan nga lang. Kaya 'yun damang-dama ko na ang tagumpay, makikita ko pa sa malapitan ang Vain dahil VIP tickets ang nakuha ko. Pero... Napaasa lang pa la ako, hindi na niya pa la pwedeng ibenta 'yung ticket dahil 'yun daw ang kailangan niya para mapa-Oo ang kanyang nililigawan. Grabe 'yung motibo noh? Napakamakasarili lang! Sa pangatlong pagkakataon naman ay may VIP tickets na ako kaya lang hindi ako nakapunta dahil kailangan kong mag-aral dahil finals week 'yun, iyak ako nang iyak akala talaga ng lahat naboboang na talaga ako. Palya talaga sa lahat ng pagkakataon.
At ngayon, nakarating na kami sa airport.
"Nay, hindi na ako tutuloy," sabi ko ulit kay Nanay.
"Nahihibang ka na ba, anak?"
"Oo, Nay! Sabihin niyo ng nahihibang na ako basta't di na ako tutuloy."
YOU ARE READING
Loving Mystery (Ang P.O.V. ng Babaeng Sawi)
RomanceHindi lahat ng nagmamahal panalo. Mayroon ding natatalo. 'Yung umuuwing malungkot, umiiyak pa. And these group of people are called Mga Sawi sa Pag-ibig. Paano ba nagiging Sawi sa Pag-ibig ang isang tao? "When the mysterious hands of Love played wi...