1.6. The Lipstick and His Mess

9 0 1
                                    

Early the next morning, Liam and I travelled from L.A. to New York. Sasama nga sana si Tiya Margaret sa amin hanggang New York buti at napakiusapan kong huwag na lang dahil kailangan ko ng taong magpapaalam kay Mr. Collins na aalis na ako sa resort at siyempre pati na rin sa Manager at mga kasama ko sa trabaho. Baka kasi may mangyaring drama pagdating na pagdating namin ng New York at magbago ang isip ko.

The moment I set foot on the streets of New York, I felt star-struck by the place. Para na naman itong isang panaginip. Isang malaking panaginip na puno ng buildings.

"Liam, is this for real?"

I was just standing there for I don't know how many couple of minutes before Liam pulled me towards nowhere.

"Binabalaan kita, huwag kang masyadong malikot dito, Zu," sabi pa nito bago binuksan ang pinto ng apartment nito.

The place was oddly clean and organize.

"Sino bang nakatira rito?" tanong ko.

"Anong klaseng tanong naman 'yan?" tanong niya rin sa akin.

"Ikaw ang nakatira dito?" tanong ko sa kanya sa pangalawang pagkakataon.

"Oo nga! Ano ba naman 'yan, Zu! Hindi ka pa rin nagbabago..." Liam yelled.

He was now in the kitchen. Hindi talaga siya makapaniwala. Liam was one messy person. Since he was one desperate writer too, you could expect his room with papers everywhere. At hindi niya pinapagalaw 'yung kalat niya dahil may sentimental value daw 'yung kalat niya sa buhay niya. Ewan ko 'dun. Pero, parang hindi naman 'to pugad ng isang makalat na Liam.

"Are you surprised?"

"No, I'm not surprised. I'm scared. Hindi ikaw si Liam! Sino ka?"

"Baliw ka. Hindi makalat dito sa apartment dahil sa totoo lang minsan lang akong namamalagi rito. I spend so many hours in the office or on my field reports kaya malimit ako rito."

"Gets ko na, gagawin mo akong caretaker ng apartment mo. Magkano ba ang pasweldo mo?"

"Magbayad ka muna ng renta with advance payment..."

"Ito naman di mabiro. Teka, ano ba talaga ang trabaho mo dito sa New York?"

"Nagsusulat pa rin. Sa New York Times," sabi pa nito habang gumagawa ng kape.

"What's the catch?"

He grinned, "I'm working with one of the infamous publicists of New York."

"Huwag mong sabihing paparazzi ka!"

Natawa ito at ibinigay sa akin ang isang tasa ng kape.

"Hindi ako ganyan ka desperado."

"Mabuti naman kung ganun," sabi ko pa.

Moments later, we were busy doing stuffs. Naging busy ako sa mga gamit ko at sa pag-aayos. Si Liam naman, busy palagi sa phone niya. Ewan ko 'dun panay phone calls and everything.

Nasa banyo si Liam nang natapos ako sa pinaggagawa ko sa kwarto ko kaya pumunta na lang ako ng kusina. Kukuha sana ako ng pwedeng makain sa refrigerator nang napansin ko 'yung note na may kiss mark.

Call me, baby...??

Ano 'to?

Parang nasira 'yung appetite ko bigla.

Kumuha na lang ako ng malamig na tubig at uminom sa may sala. Tinitingnan ko 'yung isang rack ng movie tapes, bigla kong naisip ang mag movie marathon ngayon. Nang may nakita akong mga magazines sa ilalim ng glass table.

Loving Mystery (Ang P.O.V. ng Babaeng Sawi) Where stories live. Discover now