1.5. The Imaginary Truce

4 0 0
                                    

"Paano mo nalamang nandirito ako?"

"Axel told me. But I was expecting to see you..."

"Oo na, oo na. Alam ko na... Di mo pwedeng sabihin 'to sa kanila,"

"At?"

Tiningnan ko nang masama si Liam. He was in the other side of the table, doing the same thing. Hindi ko nga lubos maisip kung papaano ako nagkaroon ng napaka-seguristang kaibigan.

"Tingnan mo ako, Liam! Dapat nga ay maawa ka sa akin sa sitwasyon ko ngayon imbes na paandarin mo 'yang pagka-segurista mo," reklamo ko.

"Alam mo bang binibigyan mo ako ng malaking problema! You should have called me..."

"What's the difference? Pagagalitan mo pa rin naman ako like ginusto ko 'to lahat." I glanced at him. He was really not in the mood. Parang hindi maproseso ng utak niya ang lahat ng nangyayari sa akin.

Siya si William Young a.k.a Liam. Ang best guy friend ko na naging most avoided guy friend ko na nang naisip niyang ligawan si Xel at binasted siya nito. Para silang may invisible rule sa isa't isa na dumistansya at nadamay kami sa invisible rule na 'yun. Sa totoo lang, para siyang pinaka-panganay sa amin lalo na sakin para siyang big bro ko. May hitsura naman 'to, si Sabrina nga 'eh parang nahumaling na sa aking friend-from-New York.

Biglang tumunog 'yung cellphone niya at binasa 'yung message. Napakamot siya ng ulo at tiningnan ako uli na para bang ang sarap kong talupan ng buhay.

"Sa totoo lang, I came here to visit you. Good thing really I came here to visit you at nalaman ko ang lahat ng 'to! I supposed to think of a plan to get you out of this place right at this very moment. Pero, duty calls,"

"Teka.. Sabi ni Sabrina na New Yorker ka?"

"Oo. Sa New York na ako nagtatrabaho ngayon at we'll talk about everything soon. I'll call you," sabi pa niya at tumayo na para umalis.

"Zu, please. Stop avoiding me," he added before leaving.


My day was normal. Ilang beses akong pinagalitan at palipat-lipat ako ng area. The usual routine sa resort. Kaya lang kinukulit pa rin ako nina Tiya at Sabrina tungkol kay Liam.

"Paano ka nagkaroon  ng kaibigang New Yorker?"

"Kaibigan ko siya sa Pilipinas, Tiya, at sa New york na siya ngayon nagtatrabaho kaya nagkaroon ako ng kaibigang New Yorker. Ganoon po ka simple.."

"Paanong di ko naman siya kilala?"

"Dahil isa siya sa nag-AWOL kong kaibigan. Nawala ng ilang dekada at bigla-bigla ay sumulpot na lang."

"Anong pakay niya sayo?"

"Itatanan niya ako, Tiya. Palayo sa lugar na ito," biro ko.

"Ano! May relasyon kayong dalawa?"

"Ito naman si Tiya kung makapag-react! Hindi po ba kayo naniniwalang may relasyon nga kami?"

"Hindi. May boyfriend kang tao, Azura! Huwag ka ngang mamangka sa dalawang ilog!" piningot pa niya ang tenga ko.

"Aray naman po. Nagbibiro lang nga po ako. At hindi ako marunong lumangoy, Tiya, mamangka pa sa dalawang ilog? Ano ako baliw?"

"Teka... May plano ka bang umalis ng resort?" Napatingin ako bigla kay Tiya. Casual naman niyang itinanong sa akin 'yun kaya lang parang may mali pa rin. Si Tiya ang tumulong sa aking makarating dito sa L.A. tapos aalis lang ako bigla-bigla?

"Hindi ko po alam, Tiya. Nagpapatulong po kasi ako kay Liam tungkol sa problema ko dito sa resort. Pero, wala pa naman pong kasiguraduhan 'yun," sabi ko naman.
"Naisip ko ngang sabihin kay Dante na doon ka na lang sa hotel sa syudad pero 'yung maldita niyang anak ang nagpapatakbo 'nun baka kung ano pang ipagawa sayo. Kung matutulungan ka ni Liam, mas mabuti 'yun dahil mas lalawak ang mundo mo," madramang sabi ni Tiya.

"Ito namang si Tiya ang drama! Okay lang po ba talaga na umalis po ako rito?"

"Oo naman. Siguradong magpipyesta 'yung Manager kapag nalamang nag-resign ka bawas-bawas sa sakit ng ulo niya," sabi pa nito. Nagtawanan kaming dalawa. Nang biglang nag-ring 'yung cellphone ko.

"Hello, Liam. Pack up my things? Saan naman ako titira niyan? Babatokan talaga kita kapag naging malaking EPIC 'yang mga plano mo. Okay, bye. Mag-ingat ka. Oo na.. Oo na.. Oo na nga... Bye!"

After I ended the call, I look around. I'm gonna miss this place. Kung nagbabakasyon lang ako at walang palaging galit na Manager, this is the perfect place to unwind.

I look at the horizon. I'll be looking at skyscrapers tomorrow and not this vast horizon. If L.A.'s mistery was more on misfortunes, could New York's kind-of mistery maybe surprises?

Better than nothing, my prayer was answered by an imaginary truce.

A truce with my friend-from-New York..

Loving Mystery (Ang P.O.V. ng Babaeng Sawi) Where stories live. Discover now