𝓕𝓸𝓾𝓻

35.5K 1.2K 44
                                    

Story available on Dreame.

****

"Uh, Elodie? We'll eat na daw." Someone knocked on my door and it's really loud!

I opened my eyes at ginulo ang buhok ko. May mga kasama nga pala ako. I sighed at inayos na lang ang sarili. I opened my door at bumungad saakin si Aira na nakangiti.

"What time is it?" I asked her. She looks stunned kahit naman hindi niya first time marinig ang boses ko.

"I-it's 7 in the evening," sagot nito. I nodded at nauna sa kanyang maglakad.

"Loosen up. I don't bite," sabi ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

Pagkababa ko ay naabutan ko sila sa dining area. "Sit beside me, sis."

I did what he said since vacant din naman 'yon. I saw Alyssa putting plates on our table. So, she's the one doing the kitchen jobs? Mukhang hindi nga naman talaga marunong mag luto mga 'to.

"How should we call you, Elodie? I mean, your name is long," tanong ni Alyssa na ngayon ay nakaupo na sa kabilang side ni kuya.

"El. Call me El," I answered. Hindi ko namalayang may pagkain na pala sa plate ko. Maybe kuya placed it.

"Ang dami ng students, may ilang araw ng bakasyon pa naman," sabi ni kuya. Oo nga, akala ko summer break pa nila.

"The old hag is up to something." I stiffened nang marinig ko ang boses ng isa ko pang katabi. It's Clark, the fire boy. Hindi ko naman akalaing ganon kalamig boses nito?

"Sabagay. Hindi naman kasi mahula-hulaan takbo ng utak non. Ewan ko ba sa uncle mo, Clark," sagot ni kuya. Uncle? Ah, that's why same surname.

"Who'll wash the dishes?" biglang tanong ni Lance na kanina pa tahimik dahil focus sa paglamon.

"Hindi ako!" mabilis na sabi ni Aira.

"Mas lalong hindi ako, aba!" reklamo rin ni Lance.

"You'll wash it, asshole. Lamon nang lamon, walang dulot!" singhal sa kanya ni Aira.

"Magkakatuluyan kayo niyan," sabi ni Alyssa. Sabay naman siyang tinignan nina Aira at Lance na nakakunot ang noo.

"Hell no!" sabay na sabi nila. Nagkatinginan sila at nagsamaan ng tingin.

"Ginagaya mo ba ako?" inis na sabi ni Lance kay Aira.

"Coincidence 'yon, tanga! Makapal mukha!" singhal ulit ni Aira. Kulang nalang magbatuhan sila, e.

"Nakikita ko na future niyo," sabi ni kuya pertaining to the two.

"Stop na. Sino nga maghuhugas?" tanong ni Alyssa. Kanya-kanyang iwas ng tingin naman. Ang tatamad naman ng mga 'to!

"I'll do it," sabi ko na nagpalaki ng mata nila. I felt Clark's stare too.

"A-ah hehe. Ako nalang pala," sabi ni Aira. A sudden change of mind?

"Nako, hayaan mo 'yan si El. Ngayon lang nag volunteer 'yan," nakangising sabi ni kuya. I rolled my eyes at tinapos na ang pagkain. They finished eating too.

"Get out of my sight. Ako na ang bahala rito," sabi ko sa kanila. Agad naman silang nakaalis sa harapan ko.

"I'll help you." I flinched sa biglaang pagsasalita niya. Wow, the least person I expected to help me.

"No need," I told him pero matigas ata bungo nito dahil nagpatuloy sa pagdala ng mga pinagkainan sa sink. I sighed dahil mukhang wala akong magagawa.

"You don't have to help me, you know," I said at nagsimula ng maghugas. Malaki ang sink kaya nagkasya kami.

"Let me. Ayaw ko roon, maingaw," sabi niya. Oo nga naman. Rinig na rinig ko nga mga sigaw nila, e.

"Kumag! Kunan kaya kita ng hangin?" That's Aira, probably shouting to Lance.

"Gusto mo bang matusta, babae?" That's kuya.

Tahimik nalang kaming gumagalaw dito. Ako ang naghuhugas at siya naman ang nagpapatuyo at naglalagay sa lalagyan.

We are silent the whole time which is a good thing for me. Ano naman kasi ang sasabihin ko?

We finished doing it at walang kibo kaming pumunta sa living room. Hindi na ako nagtaka na magulo silang apat.

"Tangina naman, Kyler! Umaabot 'yong kidlat mo dito!" sigaw ni Lance kay kuya.

"Mukha ka kasing karne, masarap tustahin," sagot ni kuya sa kanya at ngumisi.

"Pareho kayong masarap tustahin!" sabi naman ni Aly.

"Ang bad niyo, hmp!" parang bata na sabi ni Lance. I shrugged at kinuha nalang ang librong nasa taas ng center table.

Tahimik lang akong nagbabasa rito nang may dumaang waterball saakin at nabasa ako. Everyone went silent. Binaba ko ang librong hawak ko at tinignan sila ng masama.

"Ops," tanging nasabi ni kuya at napalunok.
Aly is now biting her lower lip.

I felt my eyes glowed at unti-unting nababalot ng yelo ang sahig. Patitikimin ko lang sila ng kaunting lamig. Konti lang.

"A-ang lamig," sabi ni Lance na nanginginig na sa tabi.

"Tanga kasi, Aly!" sabi ni Aira at binatukan si Aly.

"Ouch naman! Kyler kasi, e!" sumbat naman ni Aly at tinignan ng masama si kuya.

"Enough now. Go to sleep," sabi ni Clark. Napasunod naman silang apat at dali-daling umakyat.

I sighed at umakyat nalang din. Hindi nila alam na pinalamig ko rin mga kwarto nila.

"What the hell! Ang lamig!" sigaw ni Kuya na katabi ko lang ang kwarto. Lakas ng boses.

"I think it will snow here!" sigaw naman ni Aira. I smirked at pumasok nalang sa banyo. I'm still wet dahil sa kagagawan ng mga batang utak na 'yon.




Nandito ako ngayon sa garden na nakita ko rito sa Academy. Nag libot libot ako since wala naman akong gagawin. They left earlier dahil pinatawag sila ni Master the oldie.

Naupo ako sa bench dito at dinadama ang malamig na hangin. "You are the famous transferee, huh. Puti nga ang buhok mo."

I looked at the girl who said that at napataas ang kilay ko. Coloring book ba 'to?

"Is that a big deal?" matabang na tanong ko. Iba-iba naman kulay ng buhok nila, ah!

"The deal here is you're with Kyler. Sino ka? Napaka feeling close mo naman?" Oh, kuya's fangirl? Hm, maybe I should play a little.

"Why do you care? Girlfriend ka ba?" tanong ko rito. Her forehead ceased and I think any minute now ay sasabog ito. I'm just starting, ano ba 'yan.

"Yes, I am! You have no rights to go near him!" sigaw nito saakin. Napapikit ako dahil ang tinis ng boses nito.

I stood up at hinarap siya. I stared at her coldly until I can sense her fear.

"I am his sister, brat. As far as I know wala namang girlfriend ang kuya ko. Now, if you really are his girlfriend then I will tell him to break up with you. He will believe his beloved sister, of course. Mahal na mahal ako non, isang sabi ko lang finish ka na," sabi ko. Probably the longest sentence I ever said. Bakit nga ba ako nagsasayang ng laway para sa isang 'to?

I didn't wait for her response, the fear in her eyes are more than enough. Umalis na ako sa garden at babalik nalang ako sa dorm namin. Baka may ibang fangirls pa akong makita, ampota.




Elodie: Goddess of All (Available on Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon