𝓕𝓸𝓻𝓽𝔂-𝓔𝓲𝓰𝓱𝓽

13.2K 427 20
                                    

Ilang araw na kami rito kina Aly and yeah, sa ilang araw din iyon ay nakakairita pa rin si Avril.

Nawawala lang saglit si Clark sa paningin ko nilalapitan na niya. Ang sarap talaga gawing ice sculpture. Ang dami namang lalaki diyan, bakit iyong may nag mamay-ari na?

Nandito ako sa garden nina Aly, just sitting alone. I love it here dahil tanaw ko rin ang dagat. The sea is just so calming. Masarap sa pakiramdam.

Enjoy na enjoy ko na ang sarili ko rito when I felt her irritating presence. Marahas akong lumingon dito.

She's now grinning widely. I want to wipe that away. I stared at her coldly at inantay na makalapit ito saakin.

I stood up nang ilang dangkal nalang ang layo nito saakin.

"What do you want?" I asked her using my cold voice.

"Ipapaalam ko lang sana ang pag-agaw ko kay Clark," She said na para bang isang laruan si Clark.

Nag init naman kaagad ang ulo ko dahil dito. Bwesit, nakakasira talaga ng araw ang babaeng 'to!

"Don't even try, Avril," I said, gritting my teeth. I am annoyed, really.

"Whatever. Aagawin ko rin naman talaga siya sa'yo. I mean, he's not yours in the first place, Elodie," She said and laughed sarcastically.

Hindi na ako nakapag pigil pa at agad na tumilapon ito dahil sa pinakawalan kong ice tornado.

Lumapit kaagad ako sa kanya at hinila ang buhok niya. Hinagis ko ito sa isang puno.

Tumama ito roon at napaubo ito sa lakas ng impact. I'm not kidding here, I can kill her in a second.

Dahan dahan itong tumayo at ngumisi saakin. She raised her hands at nagpalabas ng sound waves.

I immediately covered my ears pero nag ka sugat ako dahil doon. I clenched my fist at nagpalabas ng blue flame.

Walang pag aalinlangan ko itong hinagis sa kanya. It burned her elbow kaya napadaing ito ng malakas.

I can now see my friends watching, mukhang enjoy pa. I wonder kung nasaan ang hari at reyna. Yari ako nito kapag nag kataon.

Hindi pa nakakabawi si Avril ay agad akong nag teleport papunta sa harap nito at sinipa siya ng malakas.

"Still have plans, Avril?" I asked her. Umubo ito at tumingin saakin.

"Malakas ka nga. No wonder, you're her daughter," sabi nito. Napahinto naman ako at tinaasan siya ng kilay.

"Of course, I am my mother's daughter," I said. She smirked at sinubukang umupo.

"Goddess Irenea," She mentioned kaya nasakal ko ito.

"What do you know?" I asked her. I can feel my eyes and hair glowing.

"G-get off and I-I'll explain," nauutal na sabi nito. I let her go at sinamaan siya ng tingin.

Umubo muna ito bago tumingin muli saakin.

"I know your mother," She said. I remained quiet. "My mother is a loyal friend to your mother," Pagpapatuloy nito.

"How? Sino ang tinutukoy mo?" I asked her.

"Nailaea," She said and that's enough for me to confirm.

That's why she looks familiar! Nakita ko na noon si Nailaea, she was always with my mother. Lagi itong nilalapitan ni mom.

She was her only friend, sadly, the last time I saw her ay noong araw na nawala sina mom and dad.

"Remember now?" She asked. Napatingin naman ako ulit sa kanya.

"I don't care who you really are, Avril. You're intruding my property!" Inis na sabi ko rito.

She laughed. "I was just testing you, okay? Chill! Wala akong balak!" sabi nito na tumatawa pa rin.

"Really?" Nakataas na kilay na sabi ko rito.

"Oo naman! Pero kung papayag ka, pwede rin naman," She said. I summoned my ice sword at tinutok iyon sa leeg niya.

"Don't even try. I'm warning you," matigas na sabi ko.

Hinawakan nito ang dulo ng espada ko at bahagya iyong inalis.

"Joke lang, e!" Agad na bawi nito. Dumaing naman ito at napahawak sa balikat niya. I wounded her so bad. "Can you please help me with these? Ikaw naman may gawa nito," she said raising a brow.

"You deserve it," Sabi ko at umirap.

"Grabe ka naman! Aly suggested that prank! Sabi na nga ba at ganito kalalabasan, e! Come on, El! I'm a friend, duh," sabi nito. Aly? So, she's with this bitch?

Akala ko ba ayaw niya kay Avril? Is that part of the act? Well, fuck.

"Whatever. Mag patulong ka kay Aly," sabi ko at tinalikuran ito.

Lumapit naman sina Aly saakin when they saw me approaching them.

"You know about this, Aly?" I asked her. She shook her head and nodded slowly.

"Know what?" Takang tanong ni Aira.

"They're acting, Aira," sabi ko at itinuro sina Aly at Avril.

"What?! So, she's not a threat to you? How could you, Aly? Hindi mo ako sinama sa acting mo," Naka crossed arms na sabi ni Aira.

"Madaldal ka kasi," Aly hissed.

"Help her, napalakas ata ang tira ko sa kanya," sabi ko at itinuro si Avril na nakabusangot.

"Yeah, right. At least effective talaga, 'di ba? Nainis ka," sabi ni Aly. I was about to yell at her pero kaagad itong tumakbo papunta kay Avril.

"Geez, girls are seriously scary," sabi bigla ni Gavin na napapailing.

"Tama ka. Baka pati demonyo matakot sa kanila," dagdag naman ni kuya.

"Amazona ba talaga lahat ng babae? Wala na bang Maria Clara?" Tanong naman ni Lance.

"Wala na kaya 'wag ka nang maghanap. Hindi ka rin naman maginoo," sabi ni Aira at umirap.

"Maginoo ako! Sinong nagsabing hindi?" sabi ni Lance at sinamaan ng tingin si Aira.

"Bastos ka, e. Ano 'yon, maginoo pero medyo bastos? Huwag ako, Lance. Nandidilim paningin ko sa'yo," sabi ni Aira.

Sakto namang dumating si Aly na akay akay si Avril. She signaled Gavin to help kaya kaagad naman itong sumunod.

"Lakas mo naman, El. Grabe sugat nito, o!" sabi ni Aly at itinuro si Avril na hawak na ngayon ni Gavin.

"Deserve. Ginalit ako, e," cool na sabi ko.

"Acting nga lang 'yon, okay?" Sabi ni Avril kahit nanghihina na 'to.

"Whatever. Let's get in at gagamutin kita. Ayaw kong makonsensya," I said, crossing my arms.

"As if naman meron ka no'n?!" Angal nitong si Avril. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Sige, wala akong konsensya, wala rin akong pasensya," sabi ko at ngumisi sa kanya.

"Joke lang ulit! Tara na nga, baka matuluyan ako rito," sabi ni Avril.

We went inside the castle at tinungo namin ni Gavin at Aly ang kwarto nitong si Avril. The others just stayed at the living room.

Sasama sana si Clark but I stopped him. Nasa palasyo lang naman kami, hindi naman ako pupunta sa ibang lugar.

Inilapag ni Gavin si Avril sa kama nito. I went beside her. "Don't look at me like that," I said when I noticed the way she look at me. Para bang nagdududa 'to saakin?!

"Baka kasi patayin mo ako!" Angal nito.

"Kung gusto ko kanina ko pa nagawa. Sana pinaglalamayan ka na ngayon," I hissed and rolled my eyes.

"Whatever!" Mataray na sabi nito.

"Whatever din, Avril. We need to talk after this." Iyon na lang ang sinabi ko and started healing her wounds.


Elodie: Goddess of All (Available on Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon