𝓢𝓮𝓿𝓮𝓷

31.5K 1K 23
                                    

Story available on Dreame.

****

"Free day daw muna ngayon!" masayang announce ni Lance saamin. Nandito kami ngayon sa living room, except kay Clark. Ewan, hindi ko alam kung saan nanaman nagsusuot ang isang 'yon.

"We already know that, Lance. The magic watch, remember?" sabi sa kanya ni Aira sabay taas ng kamay nito upang ipakita ang magic watch.

"Sabi ko nga alam niyo," sabi na lamang nito at napakamot sa ulo.

I stood up at lahat naman sila ay napatingin saakin.

"Labas lang ako," I said and left them inside. Hindi pa sila magulo sa ngayon, mamaya niyan magpapatayan na sila.

Saan nga ba ako pupunta? Maybe I should go to the campus, I mean doon sa mga classroom. Hindi ko pa nalilibot, e.

Wala gaanong students sa labas, probably ay nasa dorm nila. Hindi ko pa nakikita 'yong dorm ng iba, kung bakit kasi kami nakahiwalay. On the other hand, mabuti rin naman 'yon para walang chismis.

Naglakad lakad lang ako kahit hindi ko naman alam kung saan ba talaga ako pupunta.

Ang lalaki ng classrooms dito, doble ata sa laki sa mortal world. Enchanted is truly magical. Maganda nga rito gaya ng sabi ni mommy.

May nadaanan akong gym kung saan nag wo-work out. Nadaanan ko rin ang cafeteria kung saan hindi pa ako nakakapasok. I just continued walking hanggang sa mapadpad ako sa medyo tahimik na part ng academy.

There are lots of paintings here. Tinignan ko iyon isa-isa. May mga painting na kamukha ng 4 na siraulo kong kasama sa dorm.

I continued walking hanggang sa matapat ako sa isang painting. I looked at it intently. Ang weird ng painting, but I can sense something.

The painting screams danger and power. It's a painting of a girl pero walang mukha. Para bang sinadya ang pagkakabura. Sa baba ng painting na ito ay isang sculpture na korona. I traced it with my finger and I felt chills on my spine. Damn, anong meron dito?

Lumakas ang ihip ng hangin kaya mas lalong nanindig ang balahibo ko. Umiling ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

I walked silently hanggang sa may marinig akong tunog. It's nice, really. Sinundan ko ito at nakarating ako sa isang pinto. I read the sign board at nakalagay dito ay "Music Room"

I opened the door at dahan-dahang sinilip ang loob. On the stage where the piano is being placed is a silhouette of a man. Aura palang alam ko na kung sino. Hay, kahit sa malayo napakamapanganib pa rin. Is he even aware of that? Tss, of course. Baka nga sinasadya niya 'yon para walang lumapit sa kanya.

Dahan dahan akong lumapit at mas lalong gumaganda ang tinutugtog nito. He's good, huh.

He stopped when he realized he wasn't alone anymore. Tumingin siya sa gawi ko at umirap. Wow, bakla ba 'to?

"What are you doing here?" he asked as he closed the piano.

"Never knew you're that good, huh," I said not minding his question.

"Ikaw palang nakarinig," sabi nito na nagpagulat saakin. I remained my poker face para hindi niya mahalatang nagulat ako.

Elodie: Goddess of All (Available on Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon