𝓕𝓱𝓲𝓻𝓽𝔂-𝓢𝓲𝔁

17K 529 9
                                    

My senses woks up when I felt someone playing with my hair. Binuksan ko ang mata ko at bumungad saakin ang nakangiting si Clark.

"You stubborn woman. Bakit ang aga mong umalis sa ospital?" He scolded at bahagyang pinitik ang noo ko.

"Boring doon, nakakamatay," sagot ko rito.

"Ano pa nga ba?" Sabi nito. It's like he's expecting me to say that.

"Bakit dito ka natulog?" I asked him and furrowed my brows.

"Your bed is comfortable," sagot niya at patuloy na nilalaro ang buhok ko.

"Malambot din naman siguro ang kama mo!" sabi ko rito at umirap. Ang daya rin ng isang 'to, e! Lakas pumasok sa kwarto ko, pero hindi pa ako nakakapasok sa kwarto niya!

"Wala namang amoy mo roon, e. Dalawang buwan ka roon sa ospital, namiss lang kita. It's always comfortable to sleep inhaling your scent." Namula naman ako sa sinabi niya kaya umiwasa ko ng tingin.

Ang bibig ng isang 'to, walang filter.

"Don't play with me," Sabi ko na lamang. Hiding what I truly feel.

"I'm serious about you, El. When I say I like you, I mean every word of it," sabi nito. Hindi ko siya pinansin at tumayo na lang. I looked at the digital clock at 7 AM na pala.

"Labas na. Maligo ka na roon sa kwarto mo," Sabi ko rito. Tumayo ito sa pagkakahiga at inayos ang kama ko.

"Come with me," sabi nito na ikinalaki ng mata ko.

"What? Papasama kang maligo? Matanda ka na, aba!" Agad na sabi ko. Lumapit ito saakin at pinisil ang pisngi ko.

"Silly. I just want to show you my room," sabi nito. Okay? Nabasa niya ba 'yong naisip ko kanina?

He didn't wait for my response at hinila na ako papunta sa kwarto niya. He opened the door for me at iginaya ako papasok.

"Sit there. Maliligo lang ako," sabi nito. Pumasok ito sa CR kaya nag karoon ako ng chance na tignan ang kwarto niya.

His room is very clean, walang kahit anong dumi. Napaka organized din ng mga gamit dito. The room is gray and black, very typical for a man.

His room smells like him din. I could sleep here, ganti ko sa kanya. Namimihasa 'yon sa kakatulog sa kwarto ko. Ako naman ngayon.

Naupo sa sofa rito sa kwarto niya at kinuha iyong isang magazine. Binuklat ko ito at tinignan ang laman.

The magazine is filled with our faces. Hindi ko man lang alam ang tungkol dito? Lahat ng page ay may mukha namin!

May nakalagay pa "Is Prince Clark and Elodie dating?"

Napaka chismosa nga naman talaga. I turned the page at narito rin ang nangyari saakin 2 months ago. Naging talk of the school nga talaga ako.

Napahinto ako sa pagbabasa nang lumabas si Clark sa CR. He is half naked! Towel lang ang nakatakip sa baba nito!

Umiwas ako ng tingin dahil namumula ako. "Get dressed!"

Elodie: Goddess of All (Available on Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon