𝓕𝓲𝓯𝓽𝓮𝓮𝓷

26.2K 843 37
                                    

"What the hell is wrong with you?" inis na tanong ko kay Clark na ngayon ay kinukulit nanaman ako.

I am already here sa dorm, and currently dealing with this fucker beside me. Ito namang sina Lance, walang balak pigilan itong kaibigan nila sa pang-iinis sa'kin.

"Naiinis na si El, oh. Tuloy mo 'yan!" sulsol ni kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin. I made an ice flake at tinapon ito sa kanya.

"Pakyu, kuya. Thanks for helping," I sarcastically said and rolled my eyes.

"Pahingi na kasi ng fries," sabi ulit ng katabi ko habang sinusundot ang balikat ko. Feeling close si gago.

"My god! I can't believe you're capable of acting like a child!" I blurted out at kulang nalang ay sapakin ko siya ng napakalakas. Kung pwede ko lang din 'to lunurin ay ginawa ko na. Sarap din gamitin ng ibang kapangyarihan para matahimik 'to, e.

"Sige na," pamimilit ulit nito. I glared at him dahil naiirita na talaga ako.

"Bumili ka ng iyo," sabi ko rito pero si gago,ngumuso pa. Seriously? Ano ba nakain nito?

"Gusto ko niyan-" Hindi ko na siya pinatapos at sinalpak sa bibig niya ang maraming fries.

"Ayaw mo tumigil, ah! Ayan, pagsawaan mo!" Akala ko maiinis 'to pero ngumisi pa si gago habang ngumunguya.

"Bibigyan mo rin pala ako." Kahit puno pa ang bibig ay nagsalita pa rin.

I didn't answer at tinalikuran siya. Nasa iisang sofa lang kami, sina Aly naman ay medyo malayo saamin dahil baka bigla raw kami mag-away ni Clark, kawawa raw sila. They haven't even seen us fight.

"Kung bakit kasi nag cutting kayo," Inis na sabi ko. Nag cutting sila dahil tinatamad daw sila and para may kasama ako rito. I still have a day to rest, that's why.

"Tss. Masasanay ka rin sa'min," sabi ni Clark na nasa tabi ko pa rin.

"Ikaw, kupal! Paiba-iba ugali mo! Minsan nakakairita madalas nakakainis." I said and faced him. Tinapunan ko siya ng isang fries sa mukha.

"Wanna do something fun?" he said in a serious tone at lumapit sa'kin. What the hell! This is awkward at nandito mga kaibigan namin.

"Hoy, hoy! Kayo ha," tukso ni Aly kaya lumayo ako kay Clark. I glared at him but he just chuckled.

"May nabubuong love team, sana all!" tukso rin ni Aira at niyugyog si Aly na nasa tabi niya.

"Tahimik tahimik nitong si Clark, iba pala dumamoves," sabi naman ni Lance at ngumisi.

"Support kita diyan, pre. Paamuhin mo 'yang kapatid kong tigre," sabi ni kuya na chill lang na nakaupo sa lapag. Isa pa 'to, e!

"Bahala nga kayo," sabi ko at tumayo. I didn't look at them at deretso lang sa paglabas.

Buti nalang at walang students dahil may klase pa. Napatalon naman ako nang may humawak sa kamay ko. The electricity it brings is foreign to me.

"Bitaw nga," nayayamot na sabi ko. He's now standing in front of me. Ang isang kamay ay hawak ako at ang isa ay nasa loob ng bulsa niya. See that? Napaka simple ng ginagawa pero ang gwapo pa rin.

Elodie: Goddess of All (Available on Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon