𝓢𝓮𝓿𝓮𝓷𝓽𝓮𝓮𝓷

23.6K 792 14
                                    

It's now morning and I didn't get enough sleep because of that goddamn kiss! Everytime I close my eyes, iyon agad ang pumapasok sa isip ko, very frustrating.

I sighed heavily at ginawa nalang ang morning rituals ko. It's still early, I doubt kung gising na sila.

I immediately finished my morning rituals at bumaba na. As expected ay tulog pa nga sila, ako nalang muna magluluto.

"Too early, huh." I froze when I heard his voice. Memories from last night is filling my head again.

"Maaga ka rin naman," I tried my very best not to stutter. I don't want him asking questions dahil baka kung ano masabi ko.

"Yeah. I just remembered something from last night," balewalang sabi nito. Napasinghal ako dahil parang wala lang iyong ginawa niya.

I ignored him at nagluto ng bacon and eggs, just a simple breakfast dahil hindi naman kami mahilig sa heavy breakfast.

"Now you're ignoring me," sabi nito. I rolled my eyes in annoyance.

"What should I do? Talk to you while cooking?" Inis na tanong ko rito. The frying pan here is automatic. Maglalagay ka lang ng oil and it will produce heat para makapag luto.

"Is that impossible? Hindi naman siguro," sabi nito. I finished cooking at nilagay ang mga 'yon sa plato.

Inis ko siyang hinarap. He's looking at me intently.

"Yes, that's imposible. Bakit ba kasi ang aga mo nagising?" nayayamot na sabi ko. He chuckled at ginulo ang buhok niya. Nagpapagwapo si gago.

"Make me a coffee please," utos nito saakin. I pointed myself and looked at him in disbelief.

"Ako? Seriously?" He shrugged at gave me a 'Yes, it's you. Who else?'

Padabog akong tumalikod sa kanya at pinagtimpla siya ng kape. I don't know what he likes pero bahala na, hindi ko naman 'to obligasyon and it's his choice!

"Here, sir." Diniinan ko ang pagkakasabi ng sir at nilapag sa harap niya ang kape.

Nakangisi niya iyong tinignan at ininom. That's still hot pero ano nga ba, fire prince 'yan.

"It's delicious. You should make this everyday," sabi nito. Napataas naman ako ng kilay.

"Sa susunod may lason na," I said and rolled my eyes. Luckily, bumaba na sina Aly. Buti naman, I don't have to deal with this dumbshit.

"Aga natin, El." Bati ni Lance, I just gave him a nod.

"Natulog ka ba, El?" tanong ni Aira at naupo na.

"Aga, sis. Anong nakain mo?" tanong din ni kuya at gaya ni Aira ay naupo na.

"Blessing 'to, hindi ako nakapagluto," masayang sabi ni Aly.

Naupo na silang lahat at nagsimulang kumain, ganoon din ang ginawa ko.



"Quit looking," I irritatedly said dahil kanina pa nakatingin saakin si Clark. Nandito na kami sa classroom at tinitignan na rin kami ng mga kaklase namin!

"May namamagitan na talaga sa inyo, e!" sabi ni Aira na ikinalingon nina Aly.

"Oo nga! Kayo na ba, ha?" tanong naman ni Aly at pinanliitan ako ng mata.

"No!" I said immediately.

"Ay defensive ka, sis. Dito ka rin pala magkaka love life," sabi ni kuya. I glared at him. I looked at Clark at mukhang walang pake sa sinasabi ng mga kaibigan namin.

"Lakas mo talaga, Clark!" sabi naman ni Lance at tinapik si Clark. I just sighed and did my best to ignore them.

Hulog naman ng langit dahil dumating na ang prof at natahimik na ang mga kumag. I faced the board at nakinig na lang sa pinagsasabi nito.

Another history at alam ko na 'yon. Wala ba talagang interesting na mangyayari ngayon?


Time flew so fast at Weapon Class na namin. We immediately changed our uniforms into combat suits at nagtungo sa training room. Naabutan namin ang prof doon at mga nakalatag na bows and arrows.

"Today will be Archery class, so grab a bow and an arrow and we'll start."

We grab immediately at pumunta sa gilid. May tinatawag siyang pangalan kaya we have to wait.

"That's not a simple archery, El." Sabi ni Aira na nasa tabi ko. I looked closely at tama nga siya, they're using their elements on it.

"Pakitang gilas dapat, ganon 'yon," sabi niya ulit. I nodded at nag focus sa panonood sa mga kaklase ko.

"Mr. Apostle," he called. Tumayo si kuya wearing a smirk. He positioned himself at tinignan ang target.

Itinira na niya ito. Sa dulo ng arrow ay may bolt. Nang malapit na ito sa target ay nag release ito ng napakaraming kidlat. Bull's eye! Everyone looked at him with adoration in their eyes.

Next is Lance. Confident naman ito masyadong pumunta sa gitna. Pumwesto na siya at nirelease agad ang arrow. Sa dulo nito ay may green na ilaw. When it was about to hit the target ay agad na nagkaroon ng malaking rosas. It exploded at umulan ng petals sa buong training room.

Kilig na kilig naman ang mga babae sa ginawa nito, while Aira beside me is raising her brow. Selos.

Next is Aly. Pumunta siya sa gitna. She aimed for the target at nirelease ang arrow. Sa dulo nito ay may asul na kumikislap. Nang malapit na sa target ay nagkaroon ng shark made of water. Tumama iyon sa target kasama ang arrow. Everyone clapped and cheered for her.

Next is Aira. Pumunta ito sa gitna na nakabusangot pa rin. She aimed for the target at nirelease iyon. Sa dulo ay may yellow na kumikislap.

Malapit na ito sa target at may lumabas na lion made of air. Tumama rin iyon sa target kasama ang arrow.

The next is me. I confidently walk in the middle. I positioned myself and aimed for the target. Nang tama na ang calculations ko ay ni release ko na ito. Nang malapit na ito ay lumabas ang malaking snow flake na may ahas sa gitna na gawa sa yelo.

It hit the target with the arrow at sumabog iyon. Nag snow sa buong training room at aliw na aliw sila roon.

The last one is Clark. Chill lang itong naglalakad sa gitna, girls drooling over him. He positioned himself at hinanda ang tira. When he's already sure ay ni release niya ito.

Malapit na ito sa target at may lumabas na dragon na gawa sa apoy. It's growling hanggang sa tumama na ito sa target.

"Impressive. I'm happy you're able to keep up with them, Miss Apostle. That's all for today."

Iyon na ang huling sinabi nito at umalis na. Kami naman ay nagbihis muna bago nagtungo sa canteen.

Elodie: Goddess of All (Available on Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon